Monday morning. Maagang nagising si Che para gumawa ng breakfast para sa family niya. Kahit may katulong sila, gusto pa rin ni Che na maging hands on mom sa 4 na anak na babae. Gusto niyo nakakagawa pa rin siya ng mga gawain sa bahay.
"Hi Mommy." Sabi ni Kiara na maagang nagising din. Hindi katulad ng ibang kapatid niya, si Kiara lang yung ready sa mga gawaing bahay. Handa siya sa mga kung ano anong bagay na iutos ng mommy nila sa kanya. Maaasahan si Kiara kumbaga.
"Anak, bat ang aga mong nagising. 8:30 pa pasok mo di ba. Matulog ka na lang ulit." Sabi ni Che sa anak.
"Ma, tutulong lang ako gumawa ng breakfast." Sabi ni Kiara. "Yaya, ano pa gagawin ?" Sabi ni Kiara sa Yaya nila na naghuhugas ng platp.
"Wala na po Ma'am Kiara." Sabi ni Yaya.
"Matulog ka na lang ulit anak." Sabi ni Che.
"Igagawa na lang kita ng coffee mommy." Sabi ni Kiara. Pumunta si Kiara sa kitchen table at gumawa ng coffee sa coffee maker nila.
Hinanda na ni Che at Kiara ang dining table para sa breakfast nila. Habang si Yaya naman, umakyat sa taas para gisingin sila Blair, Bella at Stephanie.
"Miss Blair. Gising na po." Katok ni Yaya sa kwarto ni Blair. Hindi sumagot si Blair kaya katok pa rin ng katok si Yaya sa kwarto ni Blair ng biglang.
"Ano ba! It's still 6 in the morning and yet you're ruining my day. I'm wide awake now! Happy ?" Nagmamalditang sigaw ni Blair sa Yaya nila. Sinara ni Blair ang pinto ng kwarto niya ng padabog.
Stephanie's POV
Ang aga aga, sigaw na agad ni Ate Blair ang narinig ko, tapos narinig kong kumatok si Yaya sa kwarto ko, inopen ko yung pinto. Gising na rin naman kasi ako. Kasi nagrereview ako para sa quiz namin mamaya. Nakita kong mukhang nagulat si Yaya sa sigaw ni ate Blair. Pinapasok ko siya sa kwarto ko at pinaupo ko sa kama.
"Ya, sorry kay Ate Blair ha. Alam mo naman yun eh, may attitude problem sometimes. Hayaan mo na yaya ha." Sabi ko kay Yaya, pampalubag loob lang kumbaga. Tumawa si Yaya.
"Yaya, Andun na ba si Mommy sa baba ?" Tanong ko habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng malaking salamin sa kwarto ko.
"Andun na po Miss Steph. Andun din si Ate Kiara mo." Sabi ni Yaya.
"Ah." Sabi ko. Mabait ako alam ko yun, mabait din si Ate Kiara pero hindi talaga malapit yung loob ko sa kanya. Wala kaming closeness na katulad ng kung anong meron kami nila Ate Blair at Ate Bell.
"Ya, baba ka na po. Ako na gigising kay Ate Bell." Sabi ko. Tapos tinulak ko na palabas si Yaya, natawa na lang si Yaya dahil sa kakulitan ko.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa katabing kwarto ni Ate Blair. Dun kasi yung room ni Ate Bell. Malamang gising na yun si Ate Bell ngayon. Kasi kahit umaga nagbabasa na agad siya. Book worm si Ate Bell kumbaga. Kumatok ako sa kwarto niya at dali dali namang binuksan niya yun pinto.
"Bunso! Good Morning." Sabi niya at pinapasok ako sa kwarto niya.
"Aga magising ate ha." Sabi ko tapos humiga ako sa higaan ni Ate. Yung kwarto namin may mga color coding. Yung kwarto ko, color purple. Yung kay Ate Bell, pink. Yung kay Ate Blair, Royal Blue. As in blue na blue. Yung kwarto naman ni Ate Kiara color white lang. Simple lang daw siya eh.
"Ate, ano binabasa mo ?" Tanong ko kay Ate na nakaupo sa study table niya at may hawak na libro.
"Eto yung libro na sinasabi ko sayo last week." Sabi ni Ate Bell.
"Ah. Yan yung tungkol sa kung pano mahahanap ng isang tao yung soulmate niya." Sabi ko. Tumango lang si Ate at nagbasa na.
Tumayo ako sa higaan ni Ate at nagpaalam na. "Ginising lang kita kasi ginising na ko ni Yaya eh. Baba na tayo." Sabi ko. Sinara ni Ate Bell yung libro niya. Nilagyan niya ng bookmark tapos nilapag sa taas ng table niya. Ang cute ng study table ni Ate Bell, may pictures naming tatlo. Picture nila ni Ate Blair at picture ni Mommy and Daddy.
BINABASA MO ANG
Keeping a secret {SLOW UPDATES}
Short StoryGot a secret, can you keep it ? A perfect life, perfect family, prefect everything. It feels like you couldn't think of anything more to have in your life. But, what if one day you woke up and everything you once knew was not what you thought they...