Chapter 10

29 4 2
                                    

Stephanie's POV

"Jm, ano 'to ?" Tanong ko kay Jm na kakababa lang ng stage. Kinantahan niya ko. Sinabihan niya pa ko ng I love you. Anong nangyayari. Medyo magulo. Parang hindi ko pa nakikita si Jean. Dapat si Jean ang kinantahan niya pero ako eh. Don't get me wrong, gusto ko rin yung nangyari kaso medyo weird at maling mali.

"Kinantahan kita." Sabi ni Jm sabay abot ng isang boquet ng flowers sakin. Hindi ko maiwasang titigan si Jm. Ang gwapo niya kasi. Minsan lang mag suot ng suit si Jm, yung huli ata nung graduation ball pa namin nung high school. Ang gwapo pala ni Jm kapag naka-ayos. Inamoy ko yung flowers na bigay niya. Napangiti lang ako. Nilagay ni Jm yung kamay niya sa bewang ko at pumunta na kami sa table namin. Kasama namin yung mga classmate namin sa table na yon. Iba din yung table nila Ate Blair.

Hinila ni Jm yung upuan ko, tapos pinaupo niya ko. Tinulak niya naman ng dahan dahan. Tapos umupo siya sa tabi ko. Yung ibang classmate namin nasa dance floor na at party kung party na.  Nakatingin lang sakin si Jm hinihintay niya ata kung may sasabihin ako o wala.

"Steph." Lumingon ako sa kanya. "Okay ka lang?" Tanong ni Jm

"Oo naman. More than okay." Sabi ko sabay smile at tingin ulit sa flowers na binigay niya.

"Jm." Tanong ko. Tumingin siya sakin at nag smile. Yung smile ni Jm na halatang masaya siya. Alam ko lahat ng ngiti niya eh. Yung ngiti niya kapag masaya siya, kapag excited, lalo na yung plastic na ngiti niya kapag may nagsasabi na nakakainis daw siya and everything.

"Anong nangyari ? Bakit may pagkanta, pagsabi ng I love you at pagbibigay ng flowers na nangyayari ?" Tanong ko.

"Narealize ko kasi na hindi ko na pala kailangan humanap ng iba, hindi ko na kailangan hanapin yung babaeng mamahalin ko at mahal ako. Kasi all these time, andito lang pala siya sa tabi ko." Sabi ni Jm.

Pwede magwala ? Pwede sumayaw sa taas ng table ? Pwede bang kiligin ? 

"Jm. Ano ba yang pinagsasabi mo. Mali eh. Si Jean.. mali talaga Jm." Sabi ko. Kinuha ni Jm yung kamay ko tapos hinawakan niya ng mahigpit. Pinipilit kong hilain yung kamay ko paalis sa kamay niya. Pero ayaw niya talagang bitawan kaya tumigil na din ako sa pag-iinarte ko.

"Magpapaliwanag ako Steph." Sabi ni Jm. Tumango ako at nung magsasalita na siya biglang..

"Steph! Tara sayaw tayo!" Sabi ng classmate namin na si Jovielle.

"Ha ?" Tingin ko kay Jovielle. Kainis naman. Medyo wrong timing naman si Jovielle. Ngumiti ako kay Jovielle at sinenyasan ko siya na medyo wrong timing siya. Na gets naman niya. Isa kasi si Jovielle sa mga close friends ko sa section namin. Kilala rin siya nila Ate. Lagi kaming magkasama ni Jovielle kapag nanunuod ng mga Volleyball games. Masarap din kasama 'to si Jovielle. Kalog kung kalog.

"AY!" Sabi niya sabay tapik sa balikat ko. "Sorry. Sige ako na lang sasayaw mag-isa. Pasensya na." Sabi niya sabay smile. "Sige na mag usap na kayong dalawa dyan." Sabi niya tapos umalis na siya pumunta nga siya sa dance floor tapos sumayaw mag-isa. Nakakaloka. Napatawa na lang ako.

Tumingin ako kay Jm at nagsalita na siya ulit. "Si Jovielle talaga laging wrong timing." Sabi niya. Tumawa siya tapos kinamot niya yung likod na part ng buhok niya. I found that attractive. Parang ang ano kasi kapag ganun, parang. Ugh. Basta. "Mag papaliwanag ka ba o aalis na ko." Sabi ko sakanya. Taray ko naman. Pinilit ko talagang tarayan. Pinilit ko pang itaas yung kilay ko.

"Okay." Huminga siya ng malalim. Napahigpit ulit yung pagkakahawak niya sa kamay ko pero nakahawak pa rin siya. "Oo, tinanong ko si Jean kung pwede ako manligaw. Pumayag siya. Pero nung mga araw, linggo na halos hindi na tayo nakakapag-usap, parang naramdaman kong may kulang." Tumingin siya sakin straight in the eye.

Keeping a secret {SLOW UPDATES}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon