Stephanie's POV
Antagal naman talaga ni Ate Blair mag-ayos. Sabi ko aalis kami ng 6pm eh 6:15 na, hindi pa rin daw siya tapos mag-ayos. Naka ilang text na si Jm na hinihintay niya daw kami. Kasama na daw niya si Kuya Dale na medyo naiinip na, pero kapag dating namin dun siguro sasabihin niya kay Ate Blair na "Okay lang baby hindi naman kayo ganun katagal eh" lol. Alam mo yun na kahit super late na si Ate Blair, okay lang kay Kuya Dale. Kahit isang oras na siyang late hindi pa rin naiinis si Kuya Dale. Halatang napapasaya naman siya ni Ate eh tsaka happy naman sila sa isa't isa.
"Bunso. Tapos na ko." Sabi ni Ate Blair sa labas ng kwarto ko. Saka ko naman naisip na gagamitin ko nga pala yung bag na hiniram ni ate Kiara.
Binuksan ko ang pinto at nakita kong ayos na ayos naman 'tong si Ate Blair. Naka lugay lang yung buhok niya, naka blouse siyang color blue tapos naka jeans. Alam ko na kung saan ko nakuha ang fashion style ko. Namana ko talaga 'to kay Ate Blair.
"Ate, teka lang yung bag na gagamitin ko kukunin ko kay Ate Kiara." Sabi ko sabay punta sa pinto ng kwarto ni Ate Kiara. Kumatok ako at sumunod naman sakin si Ate Blair.
"Ate. Ate.." Sabi ko habang kumakatok.
"Bakit ?" Pasigaw na sabi ni Ate Kiara.
"Ate, okay ka lang ? Yung bag ko pala ate. Kukunin ko." Sabi ko sa kanya.
Binuksan ni Ate Kiara yung pinto niya tapos inabot sakin yung bag. Bakit ganun ang impression ni Ate Kiara nun kinuha ko yung bag ko. Parang galit siya.
"Problema mo Sis ?" Tanong ni Ate Blair.
"Wala." Pabulong na sabi nito.
"Anong wala. I can see it in your face. Hindi mo ko maloloko." Sabi ni Ate Blair.
"Hindi lahat kailangan mong paki-alaman Blair." Sabi ni Ate Kiara.
Hinawakan ko si Ate Blair, dahil baka mag-away pa 'tong dalawa na 'to. "Ate, hayaan mo na." Bulong ko.
"Ano na naman bang topak mo ha Kiara ?" Tanong ni Ate Blair na parang nagmamataray. Nako po late na kami baka hindi pa kami matuloy.
"Ate, halika na. Baka naghihintay na sila." Sabi ko kay Ate Blair.
"Alam mo kung anong problema ko ? KAYO!" Pasigaw na sabi ni Ate Kiara, nagulat ako kasi minsan lang siya magsalita ng ganun. Alam mo yun na minsan nga lang namin marinig yung boses niya ganun pa di ba.
Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ni Ate Bella at bigla din siyang lumabas.
"Anong nangyayari dito ?" Tanong niya.
"Medyo umaandar na naman kasi yung ugali ni Kiara." Sabi ni Ate Blair na nakataas ang isang kilay kay Ate Kiara.
"Anong bang problema sis. Pwede mo namang sabihin samin eh." Sabi ni Ate Bell. Mas pwedeng peace officer talaga si Ate Bell, si Ate Blair naman kasi war freak. kaloka.
"Gusto mo sabihin ko sa inyo ?" Nakataas nag isang kilay ni Ate Kiara nung sinabi niya yun. Tumango lang si Ate Bell.
"AMPON AKO. NARINIG KONG KAUSAP MO YUNG LOLA NIYO. AMPON AKO. YAN ANG PROBLEMA KO." Sabi niya. Alam na niya. Pano nangyari yon ? Pano niya nalaman ? Hindi din mawari yung itsura naming tatlo dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapag salita.
Alam na naming tatlo na ampon siya dahil last year nung nagbakasyon sila Ate Blair at Ate Bella kila Lola sa France, sinabi sa kanila ni Lola na ampon si Ate Kiara kaya medyo nagiba yung ugali nila kay Ate Kiara. Eventually, sinabi na rin nila sakin yon. Nagulat nga ako eh. Dahil buong buhay ko kasama na namin si Ate Kiara sabay ngayon malalaman namin na ampon pala siya.
"Ano, ba't hindi kayo makapag salita. Salamat ha! Salamat sa pagtatago ng lihim na yon sakin. Alam niyo ba na ang hirap hirap para sakin ngayon na isipin ang mga bagay bagay. Buong buhay ko akala ko pamilya ko kayo. Sabay ngayon malalaman kong ampon ako." Paliwanag ni Ate KIara. Hindi makapag salita si Ate Blair at Ate Bella. Malamang hindi din nila alam ang sasabihin nila.
"Hindi ka pa naman sigurado sa mga sinasabi mo Ate eh." Sabi ko. Yan lang talaga yung nasabi ko.
"Oo nga." Sambit naman ni Ate Blair.
"Hindi sure ? Narinig kong sinabi ni Bella sa lola niyo na adopted ako. Hindi pa ba sure yon ? What the fuck is wrong with you ? Anong saltik ba meron kayo. Napakasama niyo, pati si Mommy at Daddy. Hindi ko nga alam kung mommy at daddy pa rin ba ang itatawag ko sa kanila eh. Hindi ko alam kung may karapatan pa ba akong tawagin silang mommy at Daddy." Pasigaw na sabi ni Ate Kiara. Buti na lang at wala si Mommy at Daddy dito kundi, baka sumabog na yung bahay namin sa sobrang galit nila.
"Don't you dare say something bad to our parents. Hindi ka pa nga sure sa mga narinig mo yet you're jumping into malicious conclusions." Sabi ni Ate Bella.
"Tama si Bella. Hindi ka pa sure pero sinasabihan mo na sila ng masama. Tandaan mo na sila ang nagbigay sayo ng lahat ng 'to. Pinakain ka nila, binigyan ka ng magandang bahay, magagandang damit at marangyang buhay tapos yan yung sasabihin mo sakanila. Hindi ka pa sure niyan ha. Pano kaya kapag sa kanila mo na talaga narinig yung salitang ampon ka. Anong gagawin mo ? Sana naman konting respeto naman sa kanila Kiara." Sabi ni Ate Blair.
"Wag ka ng magsalita. Umalis na kayo." Sabi ni Ate Kiara.
"Aalis na talaga kami." Sabi ni Ate Blair. Tumalikod si Ate Blair at naglakad na pababa ng hagdan si Ate Bella naman bumalik na sa kwarto niya. Humarap ako kay Ate Kiara at niyakap ko siya.
"Ate, wala akong pakealam kung ampon ka basta ate kita." Sabi ko habang yakap ko siya. Minsan lang ako maging ganito ka clingy lalo na sa mga kapatid ko. Hindi ako ganito ka sweet.
"Umalis ka na. Hinihintay ka na ni Blair." Sabi ni Ate Kiara. Kaya umalis na rin ako. Lumabas ako ng kwarto niya tapos sumunod na ko kay Ate Blair na naghihintay na sa kotse niya.
"Halika na." Sabi niya sakin with smile pa.
"Tara na ate." Sabi ko sabay pasok sa kotse niya. Once nakasakay na kami sa kotse bigla siyang nagsalita.
"Ang hirap bunso. Ang sakit sa part ko. Ang sakit magbitaw ng mga salitang ganun sa taong tinuring ko ng kapatid. Alam mo yun bunso. Nakakaloka. Ang daming drama ng family natin." Sabi ni Ate Blair. Once na maging ganito si Ate Blair, mahahalata mo talagang nasasaktan din siya.
Nilagay ko yung kamay ko sa balikat niya. "Don't worry ate. Everything will be okay." Sabi ko sa kanya sabay smile. At nagdrive na si Ate papunta sa double date namin.
Minsan talaga sa isang pamilya, hindi maiiwasan magkaroon ng problema. Ang tanging magagawa mo lang eh yung maging strong para sa kanila. Maging strong ka para sa ikabubuti nila at para magbuklod buklod ang isa't isa. Sa sitwasyon namin ngayon, ako na yung nagiging strong kasi alam kong nasasaktan ang mga ate ko. Lalo na si Ate Kiara, pero alam ko na magiging okay lang din ang lahat. Sabi nga nila di ba "You can't have a rainbow without a little rain."
BINABASA MO ANG
Keeping a secret {SLOW UPDATES}
Short StoryGot a secret, can you keep it ? A perfect life, perfect family, prefect everything. It feels like you couldn't think of anything more to have in your life. But, what if one day you woke up and everything you once knew was not what you thought they...