Kiara's POV
Maaga akong nagising para igawa sila ng breakfast, pagbangon ko sa kama ko pumunta agad ako ng bathroom para maghilamos. Naka pajama pa rin ako, tinali ko lang yung buhok ko para hindi magulo habang magluluto ako. Dahan dahan kong sinara yung pinto ng kwarto ko hoping na wala akong magising sa mga kapatid ko. Masasabi kong mas okay na kami ng mga kapatid mula nung mga nakaraang araw. Mas maayos na yung pakikitungo nila sakin, kahit si Blair. Medyo nagulat pa nga ako nung una pero nasabi ko na lang sa sarili ko na okay long yon, people change naman di ba. Pababa ako ng hagdan ng may marinig akong parang may tao sa kitchen, naisip ko baka si Yaya kaso umuwi si Yaya kahapon ng umaga para pumunta sa birthday ng apo niya. Kaya sino yung nasa baba, wala naman akong narinig na may bumaba. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan, dahan dahan din akong naglakad papuntang kitchen. Nung nasa kitchen na ko saka ko lang nakita na si Blair pala yung andun, nagreready na din siya ng breakfast. Nag luluto siya ng ham at lumapit ako sa kanya.
"Good Morning." Sabi ko kay Balir. Mukha namang hindi siya nagulat kaya lumapit ako sa kanya.
"Good Morning din." Sabi niya. Ngumiti si Blair. Pero kahit maayos na kami ngayon, mas gusto ko pa rin yung samahan namin dati. Nakaka miss lang.
"Tulungan mo naman ako mag gawa ng breakfast para sa kanila." Sabi ni Blair. Tumango ako at sinabi niya sakin yung mga hindi pa nagagawa, sabay kaming gumawa ng breakfast para sa kanila. Ang saya naman kahit ganito lang yung bonding namin ni Blair. Pagtapos namin iready lahat ng pagkain, nilabas na namin yon at nilagay namin sa dining table, napansin namin na bumababa na sila kaya tumayo na lang kami sa gilid ng dining table, nung nakita namin na nasa hagdan na sila Mommy at Daddy bigla kaming sumigaw ng surprise. Mukhang na surprise naman sila. Natawa pa nga si Mommy kasi hindi daw niya expected na kaming dalawa ang gagawa ng breakfast.
Bumaba na din si Bella at Stephanie kaya kumain na kami. Napag-usapan nila na mag pupunta pala kami sa mall ngayon. Sabi ni Daddy eh, mag bonding daw kami. Kaya pagtapos ng breakfast, naghugas ng plato sila Bella at Stephanie tapos nag siligo na kami para pumunta ng mall. Magiging masaya 'tong araw na 'to.
Blair's POV
Habang nasa kotse kami hindi ko maiwasang isipin na nag iiba na yung ugali ko kay Kiara. Naisip ko din na eto na ba yung time para malaman niya ? Natatawa lang ako kasi magkasama kami kanina na gumawa ng breakfast. Nagiging okay na kami kahit paunti unti. On the way na kami sa mall at katext ko si Dale. Hindi ko siya pinasama ngayon kasi Family day namin 'to kumbaga. Sinabi ko na lang kay Dale na ibibigay ko sa Monday yung pasalubong ni Daddy sa kanya. Thankful nga ako dahil close sila ng Daddy ko.
May napansin din ako habang nasa kotse kami at magkakatabi, napansin ko na malungkot at mukhang wala sa sarili si Stephanie. Malamang kulang lang 'to sa pangaral ni Ate. Joke. Alam ko naman kung anong nangyayari sa kanya, napagdaanan ko na yan. Kumbaga, been there done that na ko. Papunta pa lang siya, pabalik na ko. Napatingin sakin si Steph kaya nag smile lang ako sa kanya. Hindi ko din kasi alam minsan kung pano ko icocomfort si Bunso.
Stephanie's POV
Nakatitig sakin si Ate Blair kanina pa, alam kong alam niya iniisip ko pero ang iniisip ko kasi eh sino yung kasama ni Jm mamaya sa mall. Hindi ko naman sa kanya sinabi kagabi na pupunta kami ng mall. Nahihiwagaan tuloy ako. Kay ate Blair ko lang naman sinabi yung problema ko pero parang alam na ng lahat. Nakalimutan ko nga pala na bukod sa napaka maldita ni Ate Blair eh napaka daldal din niya.
"Hoy Bunso. Tumutunog phone mo." Sabi ni Ate Bell na nakailang tapik na pala sa balikat ko. Medyo out of this world na naman ako. Kinuha ko yung phone ko sa bag tapos nakita kong nagtext pala si Jm. Nagmamadali naman akong buksan yung message niya nakangiti pa nga ako eh. Nakita ko na naman na nakatingin si Ate Blair sakin. Anu ba atey. Stop looking at me.
BINABASA MO ANG
Keeping a secret {SLOW UPDATES}
Short StoryGot a secret, can you keep it ? A perfect life, perfect family, prefect everything. It feels like you couldn't think of anything more to have in your life. But, what if one day you woke up and everything you once knew was not what you thought they...