Bella's POV
Ilang araw na din na parang iba yung kinikilos ni Steph. Lagi siyang tulala, late na siya magising sa umaga tapos hindi na siya nakakasabay samin ni Blair sa school. Kapag nasa school naman laging mag-isa, hindi na din namin nakikitang magkasama sila ni JM. Nag-away kaya sila ? Never pa namang nag-away yung dalawa na yon. Friday ngayon, PE nila Steph ngayon. Yayayain ko si Blair na dumaan sa gym para tignan kung okay lang si Bunso. Syempre ate niya kami kaya nag-aalala kami sa kanya.
"Kambal, daan tayo gym." Sabi ko kay Blair na busying busy kay Dale.
"Baby. Tawag ka ni Bell." Sabi ni Dale.
"Bakit Kambal ?" Sabi ni Blair na kala mo hindi ako narinig.
"Sabi ko punta tayo ng gym. Silipin natin si Bunso." Sabi ko ulit.
"Ay oo nga. Alam mo ba medyo kakaiba si Bunso lately." Sabi ni Blair. Napansin din pala niyang medyo weird yung mga kinikilos ni Steph nung mga nakaraang araw.
"Punta na kayo ngayon. Wala na naman tayong prof eh. Sige na Baby, tignan mo na si Steph." Sabi ni Dale, tapos umalis na kami sa room papuntang gym.
Malayo pa lang kita na namin si Bunso na naka-upo lang sa isang tabi sa gym. Hindi kami pwedeng lumapit kasi terror yung PE teacher nila Bunso kaya pasilip silip lang kami ni Kambal. Nagtago kami dun sa isa sa mga cabinet sa gym, feeling spies kami ni Kambal. Tapos hinanap namin si JM kasi kung andito si JM, Hindi niya hahayaan na nag-iisa si Steph. Pero andito si JM. Nakita siya ni Blair na may kausap na babae at tinuturuan niya yung babae ng arnis, arnis kasi yung PE nila bunso ngayon.
"Andyan si JM pero sino yung kasama niya ?" Sabi ni Blair.
"Hindi ko kilala yan. Ngayon ko lang nakita yang babaeng yan eh." Sabi ko tapos halos titigan na namin yung babae. Nag dismiss na yung teacher nila Bunso kaya umalis na rin kami ni Blair. Akala ko babalik na kami sa room namin yun pala may plano na agad 'tong si Blair.
"Kambal, san ka pupunta ?" Tanong ko kasi halos kaladkarin na ko ni Blair sa sobrang pagmamadali niya.
"Punta tayo Admin office." Sabi niya.
"Ano naman gagawin natin sa admin office ? Ayoko niyang plano mo." Sabi ko sa kanya. Tumigil kami nasa tapat na kami ng admin office.
"Manuod ka na lang kambal ha. Wag ka na lang maingay." Sabi niya tapos tinulak niya yung glass door ng admin office at pagpasok na pagpasok namin sa admin office nakita namin si Kiara sa loob. Since nung incident between us and Kiara's friend napag desisyunan namin na mag loosen up ng konti kay Kiara. Hindi na siya tinatarayan ni Blair ngayon, minsan na lang. Kinakausap na rin namin siya.
"Hi. Bat andito kayo ?" Tanong ni Kiara.
"Andyan ba si Toby ?" Tanong ni Blair. Alam ko na gagawin nitong babaeng 'to. Si Toby kasi yung student assistant dito sa admin office. Nako baka mahuli kami.
"Andyan. Gusto mo tawagin ko ?" Tanong ulit ni Kiara.
"Hindi na, kami na lang hahanap sa kanya sa loob." Sabi ni Blair sabay smile kay Kiara. Ang pag loloosen up ni Blair kay Kiara minsan parang hindi totoo. Pero alam kong pinipilit ni Blair yung sarili niya na maging close ulit kay Kiara kasi after nga nung incident na yon, wala ng kaibigan si Kiara. Kaya andito kami para sa kanya, kahit hindi namin siya ganun ka close.
"Kambal, wag mo na ituloy yang plano mo." Sabi ko habang hinihila ni Blair.
"Hi Toby!" Sigaw ni Blair. Nakita naming naka-upo si Toby sa table niya sa loob ng admin office. Nag smile agad ito ng makita si Kambal.
"Hi Blair. How are you ?" Sabi niya.
"I'm okay. Uhm, may favor sana ako sayo." Sabi ni Blair. Nakatayo lang ako sa gilid ng table ni Toby at nakikinig sa pag-uusap nila ni Blair.
BINABASA MO ANG
Keeping a secret {SLOW UPDATES}
Kısa HikayeGot a secret, can you keep it ? A perfect life, perfect family, prefect everything. It feels like you couldn't think of anything more to have in your life. But, what if one day you woke up and everything you once knew was not what you thought they...