Stephanie's POV
Lunch break na. Inaantay ko sila Ate dito sa canteen kasi nagtext sila na sabay sabay na daw kami. As usual, solo flight na naman ako dahil pagtapos ng klase namin, hindi ko na nakita si Jm. Medyo okay naman kami ni Jm kaso these fast few days mas lagi na silang magkasama ni Jean. Nalaman ko din sa isang classmate namin na pumayag na daw si Jean na ligawan siya ni Jm. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi sa bestfriend ko na mahal ko siya. Hindi ko alam kung may pagkakataon pa kayang masabi ko sa kanya yon o sadyang huli na ba talaga lahat. Bahala na. Sabi nila Ate mag reserve daw ako ng upuan na pang 10 tao. Kasi yung mga kasama ko mag lunch ngayon sila Ate Blair, Bella, Kiara, Kuya Dale, Dexter, Renz, Toby at syemre ako. That makes 8 of us. Hindi ko alam kung bakit pang 10 tao ang kailangan ni Ate. Ewan ko dun. Unang dumating si Ate Kiara at Kuya Renz. Sabi ni Ate Kiara, nanliligaw na daw si Kuya Renz kaso hindi pa daw siya ready na ipakilala kila Mommy. Hindi ko alam kung bakit.
"Hi Steph." Bati ni Ate Kiara sabay upo sa tabi ko sa left side ng table katabi niya syempre si Kuya Renz.
"Hi Ate." Sabi ko with smile.
"Tagal naman nila." Sabi ni Ate Kiara habang patingin tingin sa pinto ng canteen. Waiting kung papasok na ba sila Ate Blair o ano.
"Alam mo naman yun Ate. Medyo walang paki-alam din mga yon sa time. Baka papunta na sila ngayon." Sabi ko. Ilang saglit pa, dumating na sila isa isa. Dumating sila Ate Bella kasama si Toby at Kuya Dexter. Tapos huling dumating sila Ate Blair at Kuya Dale. Nakaupo na kaming lahat ngayon. Nasa right side ng table sila Ate Bella, katabi niya si Kuya Dexter tapos Kuya Dale, Ate Blair. Nasa left side naman si Kuya Renz, Ate Kiara, Ako at si Toby. So may 2 upuan na sobra. Umorder na din sila ng mga pagkain nila pati ako.
Habang kumakain kami, nagkkwentuhan kami.
"Ay oo nga maganda yon! Punta tayo bukas." Sabi ni Ate Bella kay Ate Blair.
"Osige. Sama na rin natin sila Kiara at Steph." Sabi ni Ate Blair an gustong pumunta dun sa sinabing mall ni Ate Kiara na bagong gawa. Madami daw kasing magagandang stores dun.
"Sama ako ha! Libre niyo ko." Sabi ko sa kanila. Baka sakaling ilibre ako.
"Aba. KKB tayo." Biro ni Ate Blair. Try lang naman.
Tumawa ako at napatingin sakin sila Ate Bell.
"Bakit ?" Sabi ko na medyo confused. Bigla napatingin si Ate Bella dun sa dalawang naglalakad papunta sa table namin. "Sus, hayaan niyo na ate." Sabi ko sabay nawala ang smile, hindi ko alam. Medyo na badtrip ba ako o ano. Napatingin na lang ako sa pagkain ko.
"Hindi naman pwede yon." Sabi ni Kiara. "You should tell him." Sabi niya ulit.
"Too late na ata." Sabi ko ng pabulong.
"There's no such thing as too late. Too early meron." Sabi ni Ate Blair na narinig pala yung sinabi ko. Medyo wala din sa punto yung sabi ni Ate Blair. May masabi lang.
"Hello!" Pasigaw na masayang pagkakasabi ni Jm. Kasama niya si Jean na naka smile din.
Nagsmile alng ang mga ate ako, napatingin lang din yung mga kasama nilang boys. Walang nagsalita kaya ako na yung nagsalita. "Jm. Upo ka." Sabi ko kay Jm na nilapag sa table yung mga pagkain niya sabay upo sa tabi ni Toby. Papaupo na rin sana si Jean ng biglang umandar ang pagka maldita ni Ate Blair.
Papaupo na si Jean sa tabi ni Ate Blair ng bigla naman nilapag ni Ate Blair yung bag niya sa tabi niya. Nakakaloka, medyo napahiya si Jean. Ate naman. Napatingin na lang ako at si Jm sa ginawa ni Ate Blair.
Ngumiti si Ate Blair na parang nang-aasar at sinabing "Sorry. Bigat kasi ng bag ko. Dyan ko na lang lalagay." Sabi niya samin sabay tingin kay Jean. Eto namang si Jean. Hindi din lumaban sa ate ko.
BINABASA MO ANG
Keeping a secret {SLOW UPDATES}
Historia CortaGot a secret, can you keep it ? A perfect life, perfect family, prefect everything. It feels like you couldn't think of anything more to have in your life. But, what if one day you woke up and everything you once knew was not what you thought they...