Chapter 8

26 5 2
  • Dedicated kay Sir Chris, thank you.
                                    

Blair's POV

"Anak, wala pa ba si Bella?" Tanong ni Dads sakin halos mga 36348765687 times na niya ata natatanong sakin kung andyan na ba si Bella. Si Daddy talaga, sobrang concern samin. Kahit sa mga dates. Napansin ko rin na halos mag 11pm na wala pa rin si Bella. Tinawagan ko si Toby kanina sabi niya pauwi na daw sila pero kanina pa yon. Tatawagan ko nga ulit si Bella for the 100th time.

"Wala pa Dad. Teka tatawagan ko ulit." Sabi ko sabay punta sa kitchen. Inopen ko yung phone ko sabay hanap sa phone number ni Bella. Kinilick ko yung call button at nilagay sa tenga ko ang phone.

Ringing.., Ringing.., Ringing.., Ringing.., Ringing.., Ringing.., Ringing..,

"Hi Dad." Narinig na may nagsabi sa living room, pagsilip ko si Bella pala. Lumabas ako ng kitchen at nag call ended na ko, alangan naman sagutin pa ni Bella eh nasa bahay na siya.

Paglabas ko ng kitchen napatingin silang dalawa sakin. Gagamitan ko sila ng acting skills tapos kapag nasa taas na kami ni Bella, papa kwento ako tungkol sa date nila ni Dexter. and Toby. Muntik ko ng makalimutan na kasama nila si Toby. Napatinign sakin silang dalawa nung lumabas ako ng kitchen. Malamang gulat 'to si Bell kasi gising pa ko. Syempre naman hinatayin ko pinakamamahal kong kambal 'no. lol Just kidding gusto ko lang magpakwento.

"Oh kambal, ba't gising ka pa." Tanong ni Bella habang nakatayo ako sa baba ng hagdan. Kunwari paakyat na.

"Syempre hindi pa ko tulog. Sorry ha. Hinihintay ko kasi yung kambal ko. Gusto ko kasi malaman kung nakauwi naba siya o ano. SORRY." Sabi ko sabay padabog na umakyat sa taas. Nung nasa taas na ko natawa na lang ako kasi feeling ko naniwala sila sa acting ko. Oh yeah. Pagpasok ko ng kwarto sumunod agad si Kambal tapos kumatok siya at pumasok sa loob ng room ko. Umupo sa kama ko at biglang tumawa.

"Yung acting mo ha. Medyo convincing na." Sabi niya habang tumatawa.

Tumawa din ako. Kasi kilalang kilala niya talaga ako. Kambal talaga. "I know right! Make kwento na. Dali. Hindi kita hinintay ng ganito katagal para lang sa walang kwentang kwento ha. Now start!" Sabi ko.

"Okay. Hindi na ko mag kkwento tungkol sa dinner. Gusto ko ikwento yung nangyari pag-uwi." Sabi ni Bella. Oh something good did happen after their date.

"Okay. Kwento na. Dali at antok na antok na ko. Maaga pa tayo sa church bukas." Sabi ko tapos tumabi ako kay Kambal sa kama at nakaupo kaming dalawa.

"Ganito yun sis. Nung umuwi kami ininsist ni Dexter na ihatid ako. Eh no choice ako kasi ano pa bang pipiliin ko mag taxi o pagpahatid na lang sa long time crush ko. Edi nagpahatid na lang ako. The ride was fine when suddenly, biglang huminto yung kotse niya in the middle of nowhere. Like may mga bahay pero hindi naman alam kung saan yun. Medyo nagpanic ako kasi alam mo naman ako B." Sabi ni Bella. Matatakutin talaga 'to. Nung mga bata kami, naiwan niya lang yung baunan niya sa school, kung makahagulgol eh kala mo ako yung naiwan sa school.

"Edi naglakad na lang kami ni Dexter hanggang dito sa bahay. Buti na lang alam niya yung daan. Thankful ako. Tapos habang naglalakad kami nagkwentuhan kami tungkol sa buhay buhay lang. Masarap siyang kakwentuhan kambal. Ang sweet nga niya eh. Tapos nagtanong pa siya kung ano daw feeling ng may 4 na kapatid na babae. Sabi ko okay lang naman. Masaya, laging masaya." Sabi ni Kambal. Medyo antok na ko kaya humiga na ko.

"Tapos kambal, hiningi niya number ko. Sabi din niya sunduin daw niya ko sa monday para sabay kami papasok. Grabe lang kambal." Sabi ni Bella. Antok na antok na talaga ako.

"Okay. Labas na. Antok na ko." Sabi ko sa kambal ko tapos medyo sinipa ko siya ng mahina pababa ng kama ko.

"Kambal talaga." Yung na yung narinig kong sinabi niya bago ako makatulog.

Keeping a secret {SLOW UPDATES}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon