Bella's POV
"Bye Ate." Sabi ni Steph nung bumaba siya ng kotse. Si Steph eh 2nd year College pa lang. Siya kasi yung bunso. Samantalang kaming tatlo nila Blair at Kiara eh nasa 3rd year na. Classmate kami ni Blair pero si Kiara lang yung naiba ng section. Ayaw kasi ni Blair na kasama sa isang kwarto si Kiara. Sabi niya nagiinit daw yung ulo niya kapag nakikita niya si Kiara. Kambal kami ni Blair kaya minsan kung ano yung nararamdaman niya nararamdaman ko din. Alam na alam ko na yang ugali ni Blair kaya ayos na din sakin na ganyan siya.
"Kambal tara na." Sabi ni Blair na naghihintay na bumaba ako sa kotse niya.
"Ay sorry kambal. My mind is off at somewhere." Sabi ko sa kakambal ko na nag-aayos ng itsura niya sa salamin ng kotse niya.
"I see. Your mind is not yet here with us again." Asar niya sakin. "Joke lang." Sabi niya sabay kapit sa braso ko. Kami na siguro ni Blair ang close sa magkakapatid. Lahat na lang kasi magkasama kami. Kambal kami pero hindi yung kambal na sobrang magkamukha. Fraternal twins kami. Kumbaga, kambal kami pero hindi kami magkamukha. Yung kambal na magkamukha eh Identical twins ang tawag don.
Habang naglalakad kami sa hallway hindi namin maiwasang pansinin yung mga tao sa hallway, halos kasi kapag dadaan kami nakatingin silang lahat. What more kung magkakasama kaming tatlo di ba.
"Hi Bell." Bati ng isang lalaki na nakasuot ng varsity Jacket at may dalang bola. Ngumiti lang ako at naglakad ulit.
"Kambal, OA naman sa pagpapa cute yon. Alam mo ba na repeater na yon dito." Sabi ni Blair. "He's not even your type." Tawa ni Blair.
"I know right. Pero as you see, I need to be polite and kind." sabi ko.
"Yeah right. Ms. Popular Teen 2012." Sabi ni Blair. Last december kasi nagkaron ng pageant dito sa school, sumali ako. Nanalo ako na Ms.Popular Teen. Kaya halos lahat ng nasa campus kilala ako, kilala kaming magkakapatid. Nung paakyat na kami sa hagdan nakita namin na pababa si Kiara kasama yung kaibigan niya. Mapapansin mo agad kay Blair na ayaw na ayaw niyang nakikita si Kiara. Maldita talaga 'tong kapatid ko eh. Pero nasa lugar siya. Mahirap ipaliwanag na last year lang sobrang close kaming tatlo nila Kiara pero ngayon halos strangers na ang turingan namin sa isa't isa. Nasira ang lahat dahil sa isang sikreto na nalaman naming dalawa na Blair na ngayon eh alam na din ni Stephanie. Kapatid namin si Stephanie kaya dapat lang na alam niya.
"Hi." Bati ni Kiara at nagsmile siya. Dumaan kami ni Blair na halos parang walang narinig. Parang hangin lang. Hindi ko rin masisisi si Blair kung bakit ganon na lang yung turing niya kay Kiara. Hindi niyo rin ako masisisi kung bakit ganito din ako. Hindi ko gusto si Kiara pero wala akong magagawa.
Kiara's POV
"Kapatid mo ba talaga yung dalawang yon ?" Tanong sakin nung kaibigan ko.
"Oo. Medyo hindi lang talaga malapit yung loob namin sa isa't isa. Hindi ko alam, last year okay naman kaming lahat. Ngayon hindi na." Sabi ko. Bitbit ko yung mga libro ko nung biglang may nakabangga saking lalaki.
"Sorry Miss." Sabi niya.
"Hindi kais tumitingin sa daanan eh." Sabi ko. Pinulot ko yung mga libro ko at pinulot din niya yung mga iba pang nalaglag. Napatingin ako sa kanya. Gwapo siya.
"Eto pa miss. Sorry talaga." Sabi niya tapos umalis na. Hindi ko man lang natanong yung pangalan niya.
"Oh girl, back tayo sa mga kapatid mo. Ang maldita nung Blair kamo." Sabi nung kaibigan ko habang naglalakad kami papunta sa computer laboratory.
"Maldita nga yon. Pero mabait naman yon si Blair. Medyo mahirap lang talaga makuha ang ugali." Sabi ko. Naalala ko na dati halos sa kwarto kami ni Blair natutulog. Enjoy na enjoy pa nga kami dati kasi super close talaga kami nila Bell at Blair. Pero nung umuwi sila ni Bell galing London, galing kila Lolo at Lola bigla na lang nagbago yung turing nila sakin.
BINABASA MO ANG
Keeping a secret {SLOW UPDATES}
Short StoryGot a secret, can you keep it ? A perfect life, perfect family, prefect everything. It feels like you couldn't think of anything more to have in your life. But, what if one day you woke up and everything you once knew was not what you thought they...