Stephanie's POV
"Ate naman. Is it that obvious ?" Yan lang ang nasabi ko. I mean hindi pa rin naman kasi ako ganun ka sure kung ano ba yung feelings ko para kay JM. JM had been there for me since we're 4. Parang siya na yung kuya ko at siya na yung protector ko. Pero ngayon parang hindi ko na siya maturing na parang kuya. Everything has changed. I don't know when pero and problema ko ngayon is, am I in love with my bestfriend ? I really don't know. Ang hirap naman pala mainlove. Hindi katulad ng mga nababasa namin ni Ate Bell sa mga libro. Love Stories in books are way more easy that love stories in real life. Masyadong complicated pala kapag in love ka, pero mas complicated kapag hindi mo pa talaga alam yung feelings mo. Hindi ako sure. Hindi ko alam. Hindi ko naman pwedeng ilayo si JM kay Jean kasi wala akong karapatan. Bestfriend lang ako. As far as I know yan lang ang turing sakin ni JM, BESTFRIEND. I never knew na dadating yung araw na ikakainis ko ang pagtawag sakin ni JM ng bestfriend. Never in my life, I have imagine this would happen.
"Sakin at kay Bell obvious. Hindi ko lang alam kay JM. Pero tell me, do you really like him ?" Tanong ni Ate Blair. Ate ko nga sila, alam na alam nila kapag may mali sakin at kung may problema ako.
"Hindi ko alam ate. Pwede bang sabihin na UNSURE pa ko ?" Sabi ko.
"Pwede rin. Pero kung unsure ka, bakit ganyan na yung kinikilos mo ? Daig mo pa yung taong inlove sa isang tao sa sobrang tagal. I mean parang ang tagal mo ng inlove kay JM yet you're unsure of your feelings for him." Paliwanag ni Ate.
"Nung pumunta siya dito just to tell me na lilipat si Jean sa school, after that I had this feeling, weird feeling na parang ang tamlay ko. Parang sakit ng buong katawan ko parang nalulungkot ako and the worst part was when he told me na liligawan niya si Jean. That's when I felt my heart sunk. Ewan ko ba ate. I'm so confused." Sabi ko. Nakatingin lang ako sa ceiling ng kwarto ni Ate Blair. Pero kapag andito ako sa kwarto ni Ate Blair parang kalmado ako, parang nakakapag concentrate ako. Sabi kasi ni Ate dati na yung color blue daw can be calming sometimes.
"Have you ever tried telling JM how you feel ? Nasabi mo ba minsan sa kanya na gusto mo siya ? Or natanong mo ba sa kanya kung pwede ba kayo maging more than bestfriends ?" Mga tanong na sinabi ni Ate Blair na hanggang sa dinner eh iniisip ko pa rin. Hindi mawala sa isip ko yang mga yan. Nakakainis. Bakit ba kasi hindi ko nakita yung mga signs dati na gusto ko pala si JM. Bakit. Ang hirap naman ng kalagayan ko. Parang one sided love lang ang nangyayari kasi hanggang ngayon hindi alam ni JM ang feelings ko. Kung sabihin ko kaya kay JM na hindi worth it si Jean, lalayo kaya siya kay Jean ? Kaso wala naman akong alam na masama kay Jean tsaka she hasn't done anything bad for me. Eh kung sabihin ko kaya kay JM na gusto ko siya ? Magbabago kaya yung isip niya at baka ako naman yung magustuhan niya ? What ifs, puro what ifs na alng ang nasa utak ko.
"Anak. Paki-abot ang rice." Sabi ni Mommy na bigla kong naalala na nasa dinning table nga pala kami at nagdidinner. Napatingin na lang sakin si Ate Blair at tumawa. Alam kong alam na rin 'to ni Ate Bell kasi napangiti na din siya.
"Sorry ma. Medyo may iniisip lang." Sabi ko. Sabay abot kay Mommy ng rice.
"Ay ma, nakalimutan kong sabihin na next week pala may mga try outs na para sa sportfest sa school." Sabi ni Ate Kiara. Sportfest last year ko pa hinihintay yan. Gusto ko kasi talagang sumali sa mga ganyan last year kasi hindi ako nakasama, kailangan kasi namin pumuntang Hong Kong para sa kasal ng Tita ko sa mother's side.
"Ate, ano mga pwedeng salihan ?" Tanong ko agad kay Ate Kiara. Alam na lama ni Ate Kiara yung mga ganyan kasi nag simula na siyang maging student assistant sa school. Kayang kaya balansehin ni Ate Kiara yung studies niya at ang pagiging student assistant. Bilib din ako dito eh.
"Ano. Basketball, Swimming team, Tennis, Badminton, Soccer, tsaka volleyball." Sabi ni Ate Kiara. Volleyball. My long time dream. Sa sobrang obsessed ko sa Volleyball halos lahat ng volley ball games ng kung ano anong team napanuod ko na, mapa TV o live arena game man yan. Ewan ko ba. Pero kung makakasali ako ngayon sa volleyball team, sobrang saya nun kasi baka sumali din si Jean. Pero wala naman sakin yun eh.
BINABASA MO ANG
Keeping a secret {SLOW UPDATES}
Короткий рассказGot a secret, can you keep it ? A perfect life, perfect family, prefect everything. It feels like you couldn't think of anything more to have in your life. But, what if one day you woke up and everything you once knew was not what you thought they...