Bella's POV
"Yes po Grandma. Ay excited na po kami." Kausap ko si Lola sa skype. Sabi niya magbakasyon daw kaming lahat sa France ngayong nalalapit na summer. Gusto na daw niya kasi kami makita lalo na daw kaming dalawa ni Blair. Aminin na natin na Lola's girl talaga kaming dalawa. Pati si Lola excited kasi first time din ni Stephanie na magpunta sa European country tulad nga ng France kasi madalas kami sa mga Asian country like Singapore, Hongkong, Korea and Thailand.
"Pumunta na kayo dito as soon as possible. Je suis ravi de voir mes petites-filles" Sabi ni Lola. Nagpunta na nga kami ni Blair last year sa France kaya medyo may alam na kami sa mga french words. Ang ibig sabihin ni Lola dun sa last part na sinabi niya eh, She's excited to see her granddaughters. Excited na din kami.
"Grandma, aayusin pa po namin yung passport ni Kiara at Stephanie." Sabi ko. Medyo nagbago yung mukha ni Lola sa monitor ng laptop ko. Medyo nag stiff at parang galit.
"Bella, may sinabi ba akong kasama yung batang yon ?" Sabi ni Lola. Sabi ko na nga ba eh. Medyo nawala na rin kasi samin yung fact na ampon si Kiara. Na alam namin yon na hindi man lang namin sinasabi sa kanya.
"Pero Grandma, she's like a real sister to us. Our relationship is better now. Everything is fine. So please." Sabi ko na medyo paawa effect.
"No. Once I said no, it means no. please understand me Bella. I don't like that your dad adopted that Kiara. I was against that so please let's not fight about her okay. I'll go now. I have to do something. I'll just talk to your dad. Au revoir, à bientôt." Sabi ni Lola tapos ayun hindi pa nga ako nakakapag paliwanag eh bigla na nag babye. Hindi makatarungan na galit na galit si Lola kay Kiara. Wala naman siayng ginagawang masama eh. Hindi niya kasalanan na ampon siya. Ni hindi nga namin alam kung saan siya galing eh. Kung galing ba siya ng ampunan o ano pero that doesn't means na dapat na din kaming magalit sa kanya. We've been hard on her. Marami kaming nagawa na hindi dapat sa kanya kaya ngayon medyo unti unti na naming binabago yung mga yon, for her and also for us.
Sinara ko na yung laptop ko at bigla akong napalingon sa pinto ng kwarto ko. Parang may kumaluskos kasi hindi ko alam kung ano kaya hindi ko na alng pinansin. Humiga ako sa kama ko at kinuha yung libro na binabasa ko. Mag-iisip na din ako kung anong paraana ng gagawin ko para maging masaya yung summer naming lahat.
Blair's POV
I was walking upstairs ng napansin kong nakatayo si Kiara sa tapat ng kwarto ni Bella. Ano kayang ginagawa nito. Parang may pinapakinggan siya. Parang ewan ko ba. Dahan dahan akong umakyat sa hagdan at nakatingin lang sa kanya. Magsasalita na sana ako ng bigla akong nakita ni Kiara. Bigla siya tumakbo papunta sa kwarto niya. Ni hindi ko pa nga siya natatanong kung ano yung ginagawa niya sa tapat ng kwarto ni Bella. Sana naman hindi siya nakikinig sa mga private conversations si Bella.
Eh tumakbo naman agad si Kiara kaya dumiretso na ko sa kwarto ko. Bago naman ako makapasok bigla akong ginulat ni Stephanie. Lumabas bigla sa kwarto niya na parang hinihintay niya lang ako. Ninja moves din siya. Utang na loob.
"Ate!" Sabi ni Stephanie.
"Oh ? Problema mo ?" Sabi ko.
"Niyayaya kasi ako ni Jm lumabas. Sama ka naman ate para payagan ako." Sabi ni Stephanie.
"Ano ako third wheel ? Chaperon ? Utang na loob ha." Sabi ko. Ayoko kayang sumama sa mga ganyan baka maging baby sitter lang nila ako. No thanks.
"Hindi ate. Isasama mo naman si Kuya Dale eh. Sige na kasi ate. Sama kana ate. Pretty Please. Ate naman oh." Sabi ni Stephanie. Pinipilit ako. Nagpapa cute pa, nako baka mamaya iblackmail pa ko nito.
"Sige na. Madali naman akong kausap eh." Sabi ko nag smile na rin ako. Gusto ko na rin kasi makita si Dale kahit na magkasama kami kahapon.
"Mamayang mga 6pm ate ha. Casual dinner lang naman. Kaya wag ka ng mag suot ng bongga okay. " Paalala sakin ni Steph.
"Okay. Whatever you say!" Sabi ko na parang nangaasar.
"Sige ate ha! Asahan ko yan. Itetext ko na muna si Jm." Sabi ni Stephanie. Makikita mo kay Stephanie na talagang gustong gusto niya si Jm. Kay Jm din naman. Halatang seryoso silang dalawa kaso medyo bata pa sila at hindi pa ko ready sa mga nangyayari sa little sister ko. Parang nung last year baby pa siya ng pamilya ngayon may lalaki na siyang tinatawag na baby. Grabe. Time flies so so fast. Please Baby sister, try to never grow up pa. Kasi ate is not ready for you to leave. hay nako. Dilemma of a sister.
Pumasok na ko sa kwarto para tawagan si Dale na mag bebaby sitter kaming dalawa sa date ng baby sister ko.
Kiara's POV
"No. Once I said no, it means no. please understand me Bella. I don't like that your dad adopted that Kiara. I was against that..." Narinig kong sabi ni Lola. Kausap niya ata si Bella kaya hindi ko naiwasang hindi makinig kasi dati pa ayaw talaga sakin ni Lola.
Adopted ? Adopted ako ? Pano naman nangyari yon. Pano, eh halos buong buhay ko kasama ko na sila Mommy at Daddy pati yung mga kapatid ko. Hindi pwede. Parang hindi tama. Bakit sasabihin ni Lola na ampon ako ? Ganun ba siya kainis sakin at gumagawa siya ng mga bagay na hindi totoo ? Bakit parang alam na ni Bella na ampon ako ? Bakit ganon. Ako na lang ba ang hindi pa nakaka-alam. Ano ba talaga ang totoo. Ampon ba talaga ako ?
BINABASA MO ANG
Keeping a secret {SLOW UPDATES}
Short StoryGot a secret, can you keep it ? A perfect life, perfect family, prefect everything. It feels like you couldn't think of anything more to have in your life. But, what if one day you woke up and everything you once knew was not what you thought they...