Chapter 4

86 4 6
                                    

Puro kay Stephanie lang 'tong chapter na 'to. Enjoy! :)

----------------------------------------------------------------------

Stephanie's POV

Mga 9pm na kami nakauwi, pag baba namin ng kotse kanya kanyang dala na kami ng mga bag namin pati yung mga bag na bagong bili. Bitbit ko yung akin syempre, bago dumating sa bahay nagtalo pa sila Ate Blair at Ate Bell kung sino magbibigay ng bag ni Ate Kiara. Kumatok kami sa pinto at pinagbuksan kami ni Yaya.

"Hi ya." Sabi ko sabay smile kay Yaya. Inabot ko yung binili naming take out para kay Yaya. Binili namin siya ng Burger tsaka fries sa McDo. Hindi namin nakalimutan na bilhan si Yaya.

"Ay, thank you Steph." Sabi ni Yaya sabay abot ko nung pasalubong namin.

"Ya, si Mommy ?" Tanong ni Ate Bell.

"Andun po sa living room, nanunuod ng tv. Pasok na po kayo." Sabi ni Yaya tapos pumasok na kami. Huling pumasok si Ate Blair kasi nilock niya pa yung kotse niya. Pagpunta namin sa living room nakita namin na nanunuod nga ng tv si Mommy. Lumapit ako kay Mommy at yumakap.

"Hi Mommy. Tignan mo yung binili namin nila Ate. Ang ganda nito Mommy." Sabi ko sabay pakita nung bag na binili ko. Natuwa si Mommy sa bag ko.

"Ma, eto sayo." Sabi ni Ate Blair sabay abot kay Mommy nung paperbag na dala niya. Umupo si Ate Blair sa sofa sa gilid ni Mommy. Si Ate Bell naman sa tabi ni Mommy at ako.

"Ay mga anak naman. Hindi na sana kayo nag-abala." Sabi ni Mommy, binuksan niya yung paperbag at natuwa sa nakita niya. Favorite color kasi ni Mommy ang green.

"Ay, ang ganda naman. Ang babait talaga ng mga anak ko." Sabi niya sabay kiss saming tatlo tapos yakap.

"Aba, umakyat na kayo. Anong oras na matulog na kayo." Sabi ni Mommy.

"Oo nga ma, antok na kami eh." Sabi ni Ate Bell, tumayo na sila ni Ate Blair at nag goodnight kay Mommy, ako din tumayo na para mag goodnight.

"Good Night mga anak." Sabi ni Mommy tapos umakyat na kami.

Habang nasa hagdan kami narinig ko na naguusap si Ate Bell at Ate Blair.

"Kambal, ikaw na magbigay." Sabi ni Ate Bell.

"Bell, ikaw na kasi." Sabi ni Ate Blair.

"Bahala ka dyan. Ikaw na kasi." Sabi ni Ate Bell. Nakatayo kaming tatlo sa tapat ng kwarto ni Ate Kiara. Si Ate Blair lang pala yung nakatayo sa tapat, nasa gilid kami eh. Kumatok si Ate Blair.

"Kiara." Sabi ni Ate Blair habang tumatawag kay Ate Kiara.

Bumukas yung pinto tapos nakita naming nakapantulog na si Ate Kiara, matutulog na siguro siya.

"Blair, Sorry nga pala dun sa mga ka...-" Bago pa matapos ni Ate Kiara yung sinasabi niya, inabot ni Ate Blair yung paperbag.

"Eto. Hayaan mo na yon. Tapos na yon. Yan, binili ka namin. Sige goodnight." Sabi ni Ate Blair sabay alis. Kinuha ni Ate Kiara yung paperbag tapos sinara na niya yung pinto. Lumapit na samin si Ate Blair.

"Ate. ano yung sinosorry ni Ate Kiara?" Tanong ko.

"Wala yon bunso. Tara tulog na tayo." Sabi ni Ate Blair. Hindi pwedeng wala lang yon. Kasi bakit si Ate Kiara yung nagsosorry. Weird. Hayaan ko na nga. Pumunta na ko sa pintuan ng kwarto ko.

"Good night ate Bell, ate Blair." Sabi ko at pumasok na ko sa kwarto ko.

**************************************

Keeping a secret {SLOW UPDATES}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon