𝗖𝗢𝗡𝗧𝗜𝗡𝗨𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
LUNA"Wala ng rason para bagohin kopa sarili ko. dahil matagal na akong sinira ng sarili kong pamilya."
"H-hindi moba kayang magbago para sakin?" I asked. natahimik siya at iniwas ang tingin
Alam kung may natitira pang pagmamahal sa puso niya. at iyon ang gagamitin ko para mapalambot ang puso niyang puno ng galit. nararapat parin siyang makulong dahil sa mga ginawa niyang mali. kailangan niyang pagbayaran ang pagpatay niya ng inosinteng tao
"Bantayan niyo siya." Utos niya sa mga tauhan niya at tuloyan ng umalis
Parang nagising ako sa realidad dahil sa mga nalaman ko. puno ng sakit at galit ang puso ko ngayon, magagawa parin ba niya akong mahalin kahit sarili kong tatay ang pumatay sa daddy niya? I know it's impossible pero umaasa akong may nararamdaman din siya sa akin. sa mga kilos niya tuwing kasama niya ako at kung paano niya ako protektahan ay alam kong kahit papaano ay may nararamdaman siya para sakin
Ilang minuto pa akong nakayuko bago itaas ang tingin. kailangan kong makaisip ng paraan para makaalis ako ngayon dito, nagpalinga linga ako sa paligid ng may mapansin akong nakasilip. unti unti nitong inilabas ang mukha niya at nagsenyas na wag akong magpahalata na nakita ko siya
It's rachel. hindi na dapat siya nagpunta rito dahil mapapahamak pa siya
Napatingin ako sa nagbabantay sa akin ngayon dalawa lang sila ang naiwan dito kung si rachel lang ang lalaban sa kanila ay baka mahuli lang din siya at maikulong dito sa loob
Tumingin ako kay Rachel, nag senyas ako sa kanya na wag muna siyang lalapit. may naisip akong plano pero sana naman ay gumana
Lumunok muna ako bago magsalita "K-kuya, pwede po bang makahingi ng tubig?" Medyo nanginginig pa ang boses ko ngayon
Nagtinginan muna silang dalawa bago tumango yung isang lalaki. pumunta ito sa may lamesang may nakapatong na baso, ng masalinan niya ang baso ay nilingon ko si rachel at nagsenyas na lumapit siya. nang makalapit sakin ang lalaki ay kaagad ko siyang sinipa sa may bandang bayag niya, basag to. akmang lalapit sa amin yong isang lalaki ng mahampas siya ni rachel sa likuran kaya agad itong humandusay sinunod niya rin hampasin sa likod itong sinipa ko ng bubunot siya ng baril
Binitawan ni rachel ang hawak niyang pamalo at kaagad na lumapit sakin. isa isa niyang inalis ang mga nakatali sa mga kamay ko. ng maalis niya ka agad ko siyang niyakap ng mahigpit
"L-ligtas kana." Paos niyang saad
"Kailangan na nating makaalis dito ngayon." Akmang hihilahin niya ako ng pigilan ko siya, si sydney kailangan namin siyang mailabas dito
"Si sydney, hawak niya rin si sydney."
"Nasaan siya? kailangan na nating magmadali. baka abutan pa tayo ng ibang tauhan ng daddy mo." Sabi niya at nagpalinga linga sa paligid
Agad kong sinabi sa kanya kong saan nila dinala si sydney. dahan dahan kaming naglakad pa-akyat dahil doon nila dinala si sydney. napahinto kami ng may isang armadong lalaki na nagbabantay sa pintuan
"Hindi tayo basta basta lang makakapasok sa loob." Mahinang sabi ni rachel
"Ako ng bahala."
Kinuha ko sa kanya ang hawak niyang pamalo, nagpapalinga linga ang lalaki kaya dahan dahan akong naglakad. hindi niya ako mapapansin dahil masyadong madilim. saktong paglapit ko ay tumingin siya sa may gilid kaya agad kong kinuha ang pagkakataong iyon para mahampas ko siya
Agad akong pumasok sa loob. naabotan kong nakaupo si sydney sa may gilid ng kama habang nakatali ang mga kamay at paa niya, lumapit ako sa kanya at isa isa tinanggal ang mga nakatali sa kanya umiiyak pa ito kaya sinabihan kong tumahan siya kasi baka may makarinig sa amin