chapter 21

210 14 1
                                    

Massage

**Farah's POV**

Halos buong klase wala sa Sarili ang utak ko,nasa labas ata nang earth. Pati Yong subject ni sir Kevin hinde kona din pinansin. Pati Pag pasok na pagpasok ko kanina, nakaligtaan ko si Wendy.

Hinde ko siya napagtuunan nang pansin. Hanggang sa Naging breaktime na. Ang gusto nang lahat.

Pati itong katabi Kong si Raven na we-wewerduhan nadin.

'ayy! May asawa nanga si professor kevin.'

'oo tapos na pala Kasal nila!'

'hinde manlang tayo updated?'

Iilan lang yan sa naririnig ko dito sa loob nang room. Iilan lang kaming nandidito puro Babae. Yong mga lalaki lang ang wala pwera Kay Raven na nakayuko. Natutulog ata ang luko.

Lagi bang nag pupuyat to?!

"Farah!"

Biglaang tawag saakin ni Wendy. Miss na miss Kona siya. I want to hug her Pero wala ako sa Sarili.

Pwede bang pakibalik nang utak ko?

"Tignan moto."

Umupo siya sa harap ko,sakabila non. Tinutuk Niya saakin ang screen nang selpon Niya. H-hinde naman ako kinabahan nang pinakita Niya ang picture namin ni Kevin na mag kasama sa photobooth.

Tanging si Kevin lang ang nakikita sa picture. Habang ako naka blurred Yong mukha. Alam Kong ako yon,wala namang ibang kasama non si Kevin Kondi ako lang.

Sa kabilang side naman,doon kolang napagtanto na ngumiti ako nang palihim. Nakitaan ko kasi siya dito sa picture. Ito Yong oras na kinurot ko siya. Nakuhaan pala.

Panatag ako ngayon dahil sa nakita ko,Kong sino man nang utos at gumawa niyan. Salamat.

Pero may bahagi saakin na nalulungkot din. Napapaisip na. Hinde Niya na nga ako ituturing na tunay na asawa. Ako naman si Tanga umaasa pa.

"My Kevin."

Maktol ni Wendy Habang pinag mamasdan nang maayos ang picture. Poor Wendy.

"Sino kaya ang babaeng to?"

Ako...

"Saan kaya siya makikita?"

Sa harap mo...

"Maganda kaya?"

Oo naman..saksakan nang ganda...

"Mabait?"

Oo naman...

"Maldita?"

Medyo!

"BTS lover?"

"Oo naman noh!."mataray Kong sagot.

Bigla naman akong natigilan,dahil sa Sinabi ko. Maski ang katabi Kong si Raven nakikinig din Siguro kaya napaangat ang tingin.

"Huh?"takang tanong ni Wendy Habang nakataas ang kilay.

Umiling lang ako bago nag plastic nang Ngiti. "W-wala s-sabi ko miss kita. Tara dito yakap."Sabi ko sakanya Habang nakaamba nang yakap.

Nag inarte naman ang gaga. Bigla siyang tumakbo saakin na parang bata bago ako niyakap. "Miss you tuu..kahit ilang araw tayo hinde nagkita, buti't gumaling kana agad."malambing nitong tuno.

Kong alam molang....

Natapos ang buong klase namin hanggang sa mag uwian na. Nag paalam lang saakin si Wendy bago tuluyang Umalis ang taxi. Hinde nako sumabay sa kumag.

I'm the Professor's Roommate ( Sparkle Series #1 ) COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon