Chapter 45

568 23 4
                                    

Another chance

**FARAH'S POV**

"Talaga bang, wala ka nang balak bumalik sa apartment? Ilang araw kana dito, hinde naman sa pinapaalis kita. Ayaw mo ba doon?" Tanong ni tita Rossa saakin.

Nag aayos na ako nang gamit ko na gagamitin para mamaya, pupunta ako nang university namin. Sa Celestial University. Ito ang pinapasukan ko ngayon, dahil Isa akong cartoonist doon. Yon kasi ang nakuha ko at nakapasa ako... Hinde kasi ako nakapasa as a architect. Kakatapos lang nang battery exam noo'n, pero hinde naman ako natanggap.

Nahanap ko ang kakayahan, at maraming nag sasabi na ito daw talaga ang para saakin. Kaya ito ang kinuha ko, nag cartoonist ako. Nag pipinta ka lamang dito, ang kaso mahirap.

Kakauwi ko lang galing dorm nang university, hinde na kasi ako umuuwi sa apartment simula nong umuwi kami galing celebrity nong signing event nila Zaijan. Bumalik pa...

"Malapit na po tita, pasensya na po kong dag-dag gastusin po ako dito. Huwag' ho kayong mag alala, dahil makakakuha na ho ako nang trabaho."

"Ok lang iyon, bata ka. Bukas lagi ang pinto para sayo. Kamusta na pala si Kevin?"

Nahinto ako sa aking ginagawa, hinde ko alam. Kamusta na nga ba? Ilang buwan pa lang naman simula nong talikuran ko siya. Ayaw ko muna siyang makita ni makausap, kaya lumayo ako. Pero namamagitan padin saamin ang pagiging mag asawa... Peke padin.

Pagkatapos kasi nang pag papakita namin nang pag mamahalan nong gabing yon' ay kinaumagahan naman ay agad akong umalis. Iniwan ko siya... Alam kong mali ang ginagawa ko na pag Iwan sakanya matapos ang namagitan saamin. Pero desisyon ko iyon, respetuhin Niya nalang.

Hinde naman ako nabigo dahil sa wala akong natanggap ni ano sakanya. Mukhang ito din ata ang gusto Niya... Hinde ko nagawang sagutin ang mga tanong ni tita Rossa dahil agad akong umalis. Kahit ngayon.. wala pang nakakaalam na Peke ang lahat. Tanging si Wendy, Zaijan at Sean. Iwan ko lang kay Raven.

Si Wendy naman na nakapasa sa pagiging isang doctor. Si Akisha at Marian ay hinde ko alam.. hinde ko kong nasaan na sila ngayon, pati nga si Zaijan. Baka mag kasama na ang dalawa.

Si Sean na hinde tumitigil sa pag tuturo, Isa din siyang engineer. Kaya doble ang nilalaan niyang oras. Si Raven na isa na ngang song writer, singer pa. Naks naman.. ako naman na nag pipinta ngayon, nasa harap ang modelo namin habang seryuso lang ang Mukha.

Matapos ang ilang oras ay natapos na kami, ngayon din sa araw nito ako mag hahanap nang sidelines, para kahit papano ay may pang gastos ako. Hinde na din ako kukuha pa nang matitirahan, dahil pwede kong gamitin ang apartment para hinde na mag aksaya nang kong ano pa.

Oo nga pala... Napakinggan ko ang side ni Kevin, pero si Akisha ang nag paliwanag. Kahit papano humupa na ang galit ko, pero mas gusto ko siyang pakinggan. Ang tanga ko kasi huli na pero saka ko naman papakinggan ang paliwanag nang mahal ko.

Naalala ko pa, umamin pala ako sakanya non. Hinde ko narinig ang sagot niya dahil sa kapaguran.

Aamin ko, na m-miss ko si tikbalang. Asan kaya siya? Nasa Herverd padin ba? Kong pumunta naman ako, malayo bawas lang sa pamasahe.

"Ito ang magiging opisina mo, simple lang pero bagay na sayo." Gayak na sabi nang baklang Manager saakin.

Si manager Liam. Bakla nga lang. sayang.. choss!

Isa din to sa pagiging isang cartoonist, ngayon ko lang alam to nang sinabi saakin nang manager, simple lang ang loob pero Ayos na. Lima lang din ang naririto.

"Salamat manager.. hinde kona pala kailangan kasi meron na pala dito. Bakit ngayon niyo lang Sinabi?"

"Nag tanong ka ba?"

I'm the Professor's Roommate ( Sparkle Series #1 ) COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon