Chapter 48

446 26 6
                                    

Fake manager

"Mom, ang dami na niyan! Ayuko sa pulbo!"

"Kaunti na lang.. o ayan, paamoy nga. Hm! Ang bango!"

"Ma, may kiliti ako Jan!" Mas lalo kong kiniliti si Calvin nang malaman kong saan ang kiliti niya.

"Tara na, for now, hinde muna ako ang mag hahatid sayo, Ok? Si manang Joli muna, need ako sa department namin. Maaga ang pasok ni Mama, pero inuna lang kita. At huwag na huwag mong kakalimutan ang mga habilin ko, Ok ba Calvin?"

"Ay, ay Mama!" Muli ko siyang hinalikan sa noo.

Hinatid ko lamang sila ni manang Joli sa gate, bago naman ako pumanik sa kwarto para mag palit. It's been six years since naalala ko ang mga nangyari. Masakit pa din syempre..  sino ang hinde diba? Akalain mo yon, umalis nang walang paalam. Bumalik may kaagaw. Ayos diba?

Sa loob nang anim na taon, ay isinilang ko si Calvin. Enero uno, ang kapanganakan ni Calvin. Wala akong kasama kundi si Raven... Ang kaso ay nasa loob siya. Ang aasahan kong tao na makakasama ko sa loob ay nauwi sa wala.

Hinde ko siya inisip nang mga oras na yon dahil sa niraraos ko si Calvin. Balita din saakin ni Raven na pagkatapos din nang bagong taon, ay umalis din agad siya nang bansa. Labis ang pag iyak ko no'n. Tanging nagawa lang ni Raven ay patahanin ako... Hinde naman pwede subrahan ang iyak non, baka mapunitan ako.

Pinalaki ko nang mag isa si Calvin. Lumaki siya nang walang ama, walang nag ti-timpla nang gatas, walang humihili kong saan kailangan. Walang ama na nag papalit nang diaper noo'n, dahil lahat nang yon ay ako. Hirap, pagod at puyat ang naranasan ko kay Calvin.

Hinde naman ako nabibigo dahil sa nanjan, naman si Wendy at Raven. Sila ang tumutulong saakin nong mga oras na kapos ako sa pera. Iniwan ko pa ang trabaho ko no'n, pero nang lumaki si Calvin ay muli kong hinawakan. Naging Single mom ako kong baga.

Dahil sa pag sisikap at pag sa-sideline ay nakapatayo ako nang sariling bahay. Dahil sa pagiging isa kong cartoonist ay lumago ako. Dahil din I'yon kay manager Liam. Hinde siya tumigil sa pag lalako nang ginagawa kong painting's, tinutulungan niya ako.

And yeah, nakapag patayo ako nang sariling department, para sa mga nangangailangan nang cartoonist course na katulad ko. Ako ang may ari nang department.. 'Purple departure' pangalan nito, at may desinyo pa sa itaas na kagamitan para sa pang ukit.

Ang kaso nga lang, ako ang may ari pero hinde ako ang manager. Saka ko na panghahawakan kong kailan malaki na si Calvin. At kong makatungtung ito nang sampung taon ay maiigi kong panghahawakan ang kompanya.

Kong tatanungin... Ginawa kong totoo ang kasal. Dahil sa kalaunan non nakipag divorce ako kay Kevin. Sobrang galit na galit ako sa ginawa niya.. sobrang naiinis ako! Hinde ko pinakita dahil sa nasa tiyan ko pa si Calvin.

Then tita Milenda slap me... Wala daw ako karapatan para paratangan nang gano'n si Kevin. Malaking kahihiyan daw ang ginawa ko sa pamilya nila dahil sa panggagamit kay Kevin.. tama lang daw na ginamit ako, at tama lang daw na ipaasa. Kumukulo ang dugo ko dahil sa mukhang nabaliktad ang kwento.

Ako dapat ang nag sabi nang nga yon, na si Kevin ang gumamit saakin. Pasalamat nalang ako dahil sa hinde nagalit si tita Rossa saakin, bagkus ay gumanti siya nang sampal kay tita Milenda. Sinabi ni tita Rossa ang lahat kay tita Milenda. Na si Kevin ang gumamit saakin at hinde ako.

Tingin ko pa kay tita Milenda ay napilitan lang ito na sabihan ako nang masasakit na salita. Kalaunan ay ako na ang pumutol sa away nila... Nanakit kasi ang tiyan ko, nag alala pa si Kevin non pero hinde ko siya pinalapit.

I'm the Professor's Roommate ( Sparkle Series #1 ) COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon