CHAPTER 2 [Scholarship]

105 5 0
                                    

Chapter 2:[Scholarship]

Loria's POV

"Don't you worry Loria.Mr.Murkins is only happy because of you.Mr.Murkins is giving you opportunity.It is just like a scholarship.Now,you don't want to lose that kind of chance,do you?"nakatingin sakin si Mother Mandela habang sinasabi 'yon.

Napaisip naman ako sa sinabi niyang 'yon."Scholar po?"tanong ko

"Yeah"sagot naman ni Mr.Murkins

"Pero okay naman po ang school at ang pagaaral ko po"Scholarship daw?Ayaw ko sanang tumanggi lalo na't mahalagang bagay yun.Kaso di ko naman sure kung totoo ba yung sinasabi nila.Baka mamaya joke lang pala ni Mr.Murkins yun.

"Kung totoo po 'yang mga sinasabi niyo,bakit naman po ako yung bibigyan niyo ng scholarship?"Marami namang iba eh.Di naman ako sobrang talino noh.

"You deserved it."sagot na naman ni Mother Mandela

"Iba na lang po."sagot ko.

Ang totoo niyan,ayoko naman talaga tanggihan yung ino-offer ni Mr.Murkins sakin.Tsaka ang isa pa,tatlong linggo na simula nung magsimula ang klase eh.Di ba nila alam 'yun?

Ayoko pa naman na nale-late ako sa mga lesson at discussions.Baka mangulelat naman ako sa mga quizzes.

"You don't want?"takang taka na tanong ni Mr.Murkins

"I already expected your answer will be 'no'.But Loria,you will never know what your life what's waiting for you in that school.Dream and opportunity,come to think of it."May point si Mother Mandela,kung tatanggapin ko nga naman yung 'scholarship' na yun.Syempre matutupad ko ang pangarap ko.

"Entering to the one of the luxury school is very unusual for the orphan like you.Have a good school and good friend.What do you think?"Napangiti ako sa mga ideyang pumasok sa isip ko.

Luxury school?

Ibig sabihin,mamahaling school yun at normal lang na mayayaman ang mga nag-aaral don.

"So what's your answer now?Will you accept the scholarship?"tanong ni Mr.Murkins

Ikinagulat nila ang mabilis kong pag-sagot"Opo"Scholarship.Waaaaaaah.Feeling ko ang swerte ko dahil makapagaaral ako sa school ng mayayamam kahit isa lang ako'ng orphan.Walang miscellaneous at mahal na tuition fee ang pro-problemahin dahil sa scholar na binigay sakin ni Mr.Murkins.Oh diba ang swerte ko?

"That's my girl."nakangiting wika ni Mr.Murkins.

Tinignan ko si Mother Mandela at nakangiti rin ito.Si Mother Mandela ba talaga 'to o namamalik mata lang ako?Bakit ngumingiti na siya?Himala.Parang dati nakasimangot lang siya at parang galit sa mundo.

I wonder kung bakit siya galit sa mundo.Galit siya kay Mother Earth dahil parehas silang may 'mother role'.Nag-aagawan sila sa trono.

Hehe.




Agatha Dionne POV

Palihim ko'ng sinundan si Loria kasama si Mother Mandela.

Di naman sa exaggerated ako magisip pero baka kasi kung anong gawin ni Mother Mandela sa sisteret ko.Huhuhu.Malupit pa naman si Mother sungi-- este Mother Mandela.

Ano na naman kasing klaseng kabobohan ang pinairal ni Loria at tumalima agad siya kay Mother Mandela?

Bigla silang huminto sa paglalakad kaya agad akong nagtago sa isang bonsai sa hallway.

Tch.As if naman matatago ako ng pandakekok na bonsai na 'to.Pero sana naman hindi nila ako makita dito kun-----

"What?!"mahinang sabi ko nang makita ko si Loria na sumunod na pumasok sa secret room ni Mother Mandela.

Teka!

Bakit pwede nang pumasok don?

At anong gagawin nila diyan?




Loria's POV

Di ako maubusan ng salita upang magpasalamat kay Mr.Murkins.

Sobra akong natutuwa dahil sa scholarship na ibinigay niya sakin.Hindi ko naman in-expect na may blessing na ganito akong matatanggap ngayon.

Ang bait pala ni Mr.Murkins.Akala ko pangiti-ngiti lang siya eh.Para siyang anghel.Sobrang thankful ako sa kaniya dahil kahit di naman niya ako ganon kakilala , binigyan nita pa rin ako ng chance at opportunity.

Nagpasalamat rin ako kay Mother Mandela.Baka kasi sumama ang loob niya kung hindi .Siya pa naman ang naghatid sakin papunta kay Mr.Murkins.

"Bye!bye!bye!bye!bye all of you!"paalam ko sa mga nadadaanan kong mga blacksoldiers.

Pagtapos ang usapan namin ni Mr.Murkins ay dali-dali akong lumabas ng secret room ni Mother Mandela.

Kailangan ko na 'tong makwento kay Agatha.Sure ako'ng matutuwa rin yun.hihihi.

"Loria sisteret!"

Napalingon ako."Agatha!Anong ginagawa mo diyan?"

Agad siyang tumayo mula sa pagkakasalampak niya sa sahig."Dapat nga ako ang magtanong niyan sayo eh!Anong ginagawa mo don?!"

Ngumiti lang ako ng malapad tyaka ko ikinwento  sa kanya.

....

"WHAT?!Si Mr.Murkins?"gulat na tanong niya

"Aha!"tumango tango ako

"Nandoon sa loob ng secret room ni Mother Mandela?"

"yup!"

"Tapos inalok ka ng...scholarship?"

"Oo Agatha hehehe"

"Tinanggap mo naman?"

"Paulit-ulit?Pinagisipan ko pa nga muna eh pero tinanggap ko rin!"

"Bakit?!"parang naiinis na tanong niya

"Di ka ba masaya para sakin Agatha?"

Nagpout siya"Hindi.Kasi sabi mo sa iba ka na magaaral.Magkakahiwalay na tayo huhuhu"

Oo nga,magkakahiwalay na kami pero"Dito pa rin naman ang bahay ko eh,dito pa rin ako uuwi"sa iba lang talaga ako magaaral.

Yun kasi ang gusto ni Mr.Murkins eh.

Tumingin siya sakin at alam ko na ang ibig sabihin ng tingin na yun"Ikaw pa rin naman ang bestfriend ko"

Suddenly,she lighten up"Talaga?!

"Oo promise!"itinaas ko pa ang kanang kamay ko"Cross stitch our heart!"ngumiti na rin si Agatha pero alam kong malungkot pa rin siya.

Di rin naman ako sanay ma magkakahiwalay kami.

Sana pala sinabi ko kay Mr.Murkins na dapat si Agatha rin.

Hayyyy bakit ba di ko naisip yun?

Halos eight years na'kong nandito sa Rosebert Institute at sa loob ng eight years na yun,ang tanging kasama ko lang ay si Agatha.Siya ang unang nag approach sakin.

Itinuturing namin ang isa't isa na parang magkapatid.

Like same blood running on us.

The Underboss is an ex-convict: Mafia Story |ONGOING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon