CHAPTER 16 [Who Played?]

42 0 0
                                    

CHAPTER 16:[Who Played?]

Loria's POV

Naglalakad ako ng makasalubong ko sila Yael at Luna.

"Loria saan ka galing?"

Tumingin muna ako sa paligid at sumagot"Pupunta sana ako sa room eh"

"Huwag na.Suspended na daw ang class sa all year level kaya pwede ng umuwi."sabi ni Yae kaya nginitian ko siya

"Ah okay."tipid na sagot ko

"Okay ka lang Loria?"tanong ni Luna na nagtataka

"Oo naman bakit?"

"You look trouble kasi eh"Trouble?Palagi naman akong nasa trouble sa tuwing makikita ko si Timson.

"Baka na-trauma si Loria sa nakita niya?"

"Sabagay,nakakatakot makakita ng mga patay huhu"

"Ano ba kayo?Okay lang ako nuh!"pilit akong tumawa.Mukha naman silang kumbinsido kaya nagpaalam na sila sakin.

Ngumiti lang ako sa kanila at nag-wave.Nang makaalis na sila ay nagsimula na rin akong maglakad.

May nakikita pa rin akong mga pulis pero hindi ko na makita ang mga bangkay kanina hanggang sa makalabas ako ng gate ng school.

Suspended ang klase ngayon dahil sa nangyari.Siguro dahil iimbestigahan pa nila ang totoong nangyari.

Ako ang may alam kung sino talaga ang suspect pero di ko magawang sabihin.Naalala ko tuloy ang mga sinabi ng gangster na si Timson.

'Don't think I wanted you to take in my crap'

Hindi niya gusto na masali ako sa mga gulo niya pero ano 'tobg ginagawa niya?Bakit niya pa sakin sinabi na siya nga ang suspect pero itinanggi niya naman iyon sa mga pulis.Mas lalo tuloy akong naguguluhan.

Lord,tulungan niyo po ang nilalang na si Timson,napaka-makasalanan niya

Bigla akong napahinto sa paglalakad at tumingin sa paligid.Nagulat ako ng nasa harap na ako ng Rosebert Institute?Teka,bakit ako nakarating dito?Ganun na ba kalayo ang nilakad ko.

Ibig sabihin marunong na akong umuwi ng magisa?

Might's POV

"Ang sagwa mo 'tol!"

"King*na!Amina nga yung yelo diyan!!!"Sigaw ko kay Mclee na patuloy sa pagtawa dahil sa kalagayan ko.

"Chillax!Bakit ba kinarma yang si junjun mo?Pffft."tanong niya.Nagpipigil pa ng tawa ang mokong.

"Anong kinarma?Ul*l!Talagang minalas lang talaga ako sa babaeng yun!"

"Sino bang babae ang gumawa nun?Mapasalamatan nga hahaha!"

Hindi ko siya sinagot nang mabanggit niya ang Babaeng yun.Hindi ko alam ang pangalan niya pero ang ganda niya.Para siyang babaeng ipinadala ni kupido para sakㅡKINGINERS?!Kailan pa ako naging korni?Ang plano ko ay ang pagsisihan ng babaeng yun ang kinababaliwan sakin ng mga babae tapos sinipa niya lang?Watdapakers!Yari talaga siya sakin kapag nagkita kami sa school.
Naramdaman kong tunaw na ang yelo sa Icepack na inilalagay ko sa nilapastangan na pagkalalaki ko.

"Mclee yung yelo pabili!!"

"Wala malambot pa!"

"G*go!!Bilisan mo!"

Narinig ko lang tumawa si Mclee bago pumunta sa kusina.

Napaayos ako ng pagkakaupo ng bumukas ang pinto at dumating si Pinuno kasama si Lie.Teka,tama ba ang nakikita ng mapupungay kong mata?

The Underboss is an ex-convict: Mafia Story |ONGOING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon