Chapter 1:[Mr.Murkins]
Rosebert Institute.
Hindi ordinaryong araw ngayon para sa mga taga Rosebert Institute.
Ano'ng meron?
Ngayon kasi dumating ang misteryosong may-ari ng orphanage na'to.
Yup.Ang Rosebert Institute ay isang orphanage kung saan ako naninirahan sa loob ng halos walong taon.
Lahat ng orphan at lahat ng mga madre ay nasa white grand hall.Dito kasi ang venue ng ginawa naming 'welcoming party' para sa pagdating ng may-ari ng orphanage na'to na si Mr.Murkins.
At ang ipinagtataka ko pa,nagpahanda sila ng isang celebration dahil first time daw makapu-punta si Mr.Murkins dito.Iniisip ko nga kung birthday ni Mr.Murkins kaya may party eh kasi diba parang ang weird naman nun?Siya may-ari nitong orphanage pero ni minsan di pa siya nakakapunta dito?
Parang naniniwala na nga ako ng maisip ko na lahat pala ng nandito sa hall ay di pa siya nakikita at nakikilala ng personal.
"blah blah blah blah..."Hayy...ang boring naman ng life oh.Kasalukuyang nasa harap si Sister Jean at may sinasabi ng kung ano-ano.Pero mukhang wala namang ni-isa ang balak makinig dahil lahat ay may sari-sariling topic na pinagkwe-kwentuhan.
Mula sa pagiging maingay sa loob ng hall ay napalitan ng nakakabinging katahimikan.Miski ako ay natahimik rin at natuon ang atensyon sa grupo ng mga lalaki na may weird na ekspresyon na pumasok sa loob ng hall.
Pansin na pansin sila sa suot nilang blacksuit lalo na't puti ang kabuuan ng hall.
Sila ba ang hinihintay naming bisita?Pero saan diyan si Mr.Murkins?
Tawagin natin silang 'blacksoldiers'.Ang ganda kasi nilang pagmasdan.Pero mukhang di man lang nila kami napansin dahil hindi sila nalinga samin at nagpatuloy lang silang lahat sa paglalakad papunta sa kung saan.
Eh?Napadaan lang ba sila?
O snobber lang talaga?
O di kaya bulag sila?Kung ganon paano silaㅡ
"Miss Loris"napahinto ako sa pagiisip at nilingon ang tumawag sakin.
Uh-oh.Si Mother Mandela"B-bakit po?"kinakabahan ako'ng lumapit sa kanya.Sa lahat kasi ng mga madre na nakakasama ko dito sa loob ng orphanage ay si Mother Mandela ang kinakakatakutan ng lahat.
Ewan ko ba,di naman siya masyadong nagsasalita o naimik pero isang titig niya lang nakakatindig balahibo na plus the fact that her aura is really creepy.
"Come with us."biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niyang yun.Di ko kasi alam kung susundin ko ang sinabi niya.Na sumunod ako sa kanila?
Pero bakit?
Waaaah.Di kaya may nagawa ako na ikinagalit ni Mother Mandela at ngayon ay dadalhin niya ako sa detention center?
Pero wala naman ganung center dito ah?
Baka sa iba niya ako dadalhin?!Sa secret room niya kaya?
Pero wala naman ako'ng maalala na ginawa ko'ng masama ehh.
"Did you hear me?"nagulat ako nang biglang magsalita si Mother Mandela sa tabi ko.Kalmado ang pagkakasabi niya nun pero natakot talaga ako ng sobra sa itinanong niya.Para kasing galit siya,na ewan.
"O-opo."sagot ko
Tinitigan niya ako kaya napayuko na lang ako."Lets go."pagkasabi niya nun ay nagsimula na siyang maglakad.Agad naman ako'ng sumunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Underboss is an ex-convict: Mafia Story |ONGOING|
Teen FictionOne of the orphan girl of Rosebert Institute given a chance to enter to the expensive and well known school.It is unusual for the orphan like her ofcourse and the thought of being fortunate seems to change as the day passed inside that school. After...