CHAPTER 3 [New school]

70 3 0
                                    

Chapter 3:[New School]

Loria's POV

"Good morning po Sister Jean!"masayang bati ko

"Good morning rin Loria,mukhang masayang masaya ka ngayon ah."wika naman ni Sister Jean

"Hehe."

Naglakad na paalis si Sister Jean

Ganun ba kahalata na masayang masaya ako?

Napaginipan ko kasi na nasa bago na ako'ng school.Maganda yung school at maraming friends ang nandoon.

Sayang nga lang at wala si Agatha don.

May scholar ako at bigay ni Mr.Murkins yun.

Teka,speaking of Mr.Murkins,nakaalis na kaya siya?

Yun lang ba ang ipinunta niya dito?Dahil lang sa alok niya sakin?

Eh?

Pero sana bumalik ulit si Mr.Murkins dito.Hindi pa ako tapos mag-thank you sa kanya eh.

"Loria!"

Nakita kong tumatakbo papalapit sakin si Agatha.

"Hello Agatha!"bati ko sa kanya

Hinihingal siyang lumapit sakin"Tawag ka.."nahihirapang sabi niya

"huh?"di ko kasi gets.Tawag ako?"nino?"tanong ko

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot"Tawag ka ni Mother Mandela Loria."

Napakunot ang noo ko.Bakit naman ako pinapatawag ni Mother Mandela?

Baka nandoon uli si Mr.Murkins?

"Ngayon na ba?"tanong ko ulit kay Agatha na tinanguan naman ako"Okay!"sagot ko at sinimulan ng maglakad paalis nang biglang magsalita si Agatha

"Okay?!Okay lang sayo?!"

"Huh?Anong okay lang?!"

"Hindi mo ba tatanungin kung bakit ka pinapatawag ni Mother Mandela?"mukhang kinakabahan na tanong ni Agatha

Oo nga noh?"Alam mo ba kung bakit?"

She shook her head"Hindi rin eh."

Akala ko naman alam niya.

Nauna na akong maglakad para pumunta sa seret room ni Mother Mandela.Sigurado akong nandoon lang naman siya eh.

"Wait!Sama ako!"habol ni Agatha

"Sige!"

**

Kung dati kinakabahan pa akong lumapit kay Mother Mandela.Ngayon,hindi na.Hindi naman pala siya ng akala namin.Mabait naman pala siya.Tahimik at hindi lang siya sociable kaya mukhang masungit.

Masyado lang siguro kaming judgemental.

Hindi rin siya malupit gaya ng sabi ni Agatha.Siya nga ang dahilan kung bakit nakilala ko si Mr.Murkins at kung bakit may scholar pa ako ngayon.

"Katok na dali!"Itinulak ako ni Agatha papunta sa harap ng pinto

Kita mo 'tong si Agatha!Sumasama-sama pero mukhang mas kinakabahan pa sakin.

"Oo eto na."

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng secret room ni Mother Mandela.

Kumatok pa ulit ako pero wala pa rin nagbubukas.

"Sure ka bang nandito si Mother Mandela?"tanong ko kay aligagang Agatha

"ha?ewan ko!"sagot niya

"Di mo alam?Pero sabi mo tawag ako?"

"Di ko naman sinabing di ko alam ang sabi ko 'ewan ko'!kumatok ka na lang kasi diyan!"

Ha? Ano'ng sabi niya?Ang gulo rin niya eh.

Kakatok ulit sana ako nang bumukas na ang pinto  pero wala naman akong nakitang nagbukas.

Nakalimutan kong automatic pala 'tong pintuan na 'to.

Pumasok na 'ko sa loob at inilibot ang mata ko.

"Nasaan na?!"rinig kong bulong ni Agatha na nagtatago sa likod ko.

Nakita ko namang nakaupo sa isang sofa si Mother Mandela kaya lumapit ako.

"Good morning po Mother Mandela!"bati ko dito.

Tumingin lang siya sakin at sinilip kung sino ang nasa likod ko.

"Psst Agatha!"bulong ko dito

"G-good morning rin po,M-mother Mandela!"bati ni Agatha habang nasa likod ko pa rin

"Have a seat."

Umupo kami ni Agatha sa sofa na katapat kay Mother Mandela."Bakit niyo nga po pala ako ipinatawag?"nakangiting tanong ko

May iniabot siya sakin na isang papel"Ano po ito?"

"Certicate of entrance for your new school."

Tinignan ko ang papel na hawak ko

'A certificate of entrance that LORIA LORIS evidence that she's a student of LMIS'

Certificate of entrance?Kailangan may ganun pa?

"Mr.Murkins told me to give that to you.The last time we talked,Mr.Murkins let me to hold the task and at the same time ,to guide you."

Naguluhan ako sa sinabi ni Mother Mandela.

Siguro nga busy si Mr.Murkins kaya ipinaubaya niya kay Mother Mandela ang mga gawain at ang .......i-guide ako?

"Keep and bring that with you and anyway also this."

Iniabot sakin ni Mother Mandela ang isang paper bag.Nang tignan ko,isang white long sleeve blouse,black mini-skirt and black blazer na may logo ng pangalan ng school.

'Louinson's Miracle International School'

Napangiti ako.Ang ganda ng pangalan ng school~Miracle!Tapos ang cute pa ng uniform!!

"Next day is your first day inside that school so get ready"pagkatapos sabihin ni Mother Mandela yun ay labas na siya at naiwan naman kami ni Agatha.

"Louinson's International school?"nagtatakang tanong ni Agatha"Why sound's familiar?"

"And sound's sossy!"dagdag ko sa sinabi niya

"You're lucky sisteret!!"

Grabee!Cloud nine!!!

Di ako makapaniwalang sa susunod na araw,ibang school na ang papasukan ko.Ibang tao na rin ang makakasalamuha ko.

Pero wala dun si Agatha.

Kahit malungkot,nakaramdam rin ako ng excitement at saya.

Magiging masaya  kaya yung  mga araw ko dun?

Sana.

Para maikwento ko kay Agatha hehe.

The Underboss is an ex-convict: Mafia Story |ONGOING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon