CHAPTER 18 [Kidnap]

36 0 0
                                    

Chapter 18:[Kidnap]

Loria's POV

"Sigurado ka ba hija?"tanong ni Sister Jean.Tumango lang ako."O sige,hindi naman kita mapipilit bata ka basta magiingat ka ha?"

"Opo Sister,ba-bye po!"Nagwave lang ako at tumakbo palabas ng gate ng orphanage.

Maaga pa naman kaya naisipan kong maglakad patungong school tutal alam ko naman kung paano.Ipinaalam ko na rin kay sister Jean na kung saka-sakaling dumating ang service ko ay sabihin na na-una na ako.

Hehe na-excite kasi akong maglakad papuntang school.Akalain mong nakabisado ko yung daan?Hindi naman ako street wise eh kaya himala yun.

Maraming pasikot-sikot yung daan kaya medyo nakakalito.Habang naglalakad ako ay may nadaanan akong parke na puro bata at masayang naglalaro.Ano ba yan,nakakainggit gusto ko tuloy mag-laro.

Malapit na ako ng school ng may maramdaman akong may kung sino ang nasa likod ko.Lumiko ako pakanan pero nararamdaman ko pa rin ang presensya niya.Sinubukan ko ulit lumiko-liko pero naririnig ko pa rin ang mga yabag niya.

Tumawid ako ng hi-way hanggang malapit na ako sa school pero nandiyan pa rin siya.Masamang tao ba 'to?
'Lord' simpleng dasal ko sa isip ko.Medyo binilisan ko ang lakad ko dahil pataas ang daan at konti na lang ang tao.

Hanggang sa maisipan kong lumingon sa likod pero wala namang tao.Huh?Ano yung kanina?

Bumalik ako sa paglalakad.Guni guni ko lang ba yung kanina?

Hanggang sa marinig ko na naman ang yabag sa likod ko.Malapit na siya sakin kaya tumakbo na ako hanggang sa may mabunggo akong lalaki.

Hindi siya sakin nakatingin kundi sa likod ko kaya lumingon rin ako,wala namang tao.Nakita niya kaya yung sumusunod sakin?

Tumingin si Lie sakin ng may pagtataka"S-sorry!"paumanhin ko at mabili siyang nilagpasan.

Napahawak ako sa dibdib ko.Grabe!Kinabahan ako!Sino naman kaya yung sumusunod sakin kanina?

Might's POV

"Anong mukha yan?Ang panget dude!"natatawang sabi ni Mclee

"Tigilan ako!Milya milya ang agwat ng kagwapuhan ko sayo.Kumbaga lupa ka,langit ako!"pangaasar ko

"Parang isang tabo lang naman ang agwat mo!"

"May sinabi na ba si pinuno?"tanong ko

"Wala pa!Hindi ko nga alam ang plano nun eh.Alam mo namang gagawa na lang ng moves yun,hindi man lang satin sinasabi."

Tama si Mclee,alam na naming may kumakalaban samin pero hindi man lang samin sinasabi ni pinuno ang mga gagawin dahil siya mismo ang gagawa nun.Magugulat ka na lang patay na yung mga kalaban pero mukhang mga bigtime ang mga kalaban dahil isa si Mayor dun.Hindi lang namin alam kung sino pang iba ang tinutukoy ni pinuno.Siguro,inaalam niya pa rin bago namin pag-usapan ang mga plano.

Napa-iling na lang ako.

"Eh kumusta naman yung babae sa bar?"kusang nalukot ang mukha ko ng tinanong yan ni Mclee.

Naaalala ko na naman yung babaeng yun mas lalo tuloy akong naiinis.

"Sino ba yung babaeng yun?"tanong niya pa

"Hindi ko alam"Ang sungit kaya ng babaeng yun!Hindi ko tuloy nagawang matanong.

"Walanjo!Hindi mo nakuha yung pangalan? Number? Panty?"Binatukan ko siya sa huli niyang sinabi.Sabi ko sa inyo,bakla ang isang 'to kaya pati panty pinag-iinterisan.

The Underboss is an ex-convict: Mafia Story |ONGOING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon