Dumating ang mga magulang niya at kinuha ang mga anak niya kasama si manang Leng. After lunch na ang mga ito lumayas sa bahay nila. Mag-isa lang siya ngayon because it's Saturday, no school.
Should be no office but Sixto said he still have meeting to attend to kaya mamayang hapon pa daw ito darating.
Natapos na din naman niya ang gowns na para sa Dubai kaya wala na siyang gagawin. She took a nap, wala siyang ganang mag dart o mag archery.
She wonders why.
Maybe because she's not stressed this past days ?
Is it?
Hmm.
Nang magising, she looked at her phone and she saw the time. 4PM.
Nag-inat siya at bumaba mula sa kwarto niya at kumuha ng juice. Kape sana pero baka hindi na naman siya makatulog mamayang gabi kaya huwag na lang.
Umakyat siya ulit at lumabas sa terrace niya. Pagkatapos ay bumalik sa kwarto niya at kinuha ang gitara.
She played. Sang a song to her hearts content. Then she lift her head up from looking at her guitar when she heard a clearing of throat near her.
Napangiti siya ng makita niya si Sixto na nakapangalumbaba sa sarili nitong barandilya ng terasa.
"Hi baby. You look hot while playing the guitar" Then he winked while smiling.
"She smiled back and waved at him saka humalik sa hangin na ikinatawa ng huli.
"Overnight tayo sa farm" Aniya.
"Ngayon? " Saad nito saka tumalon patungo sa bahay niya.
"Yeah. Nasa family house ang mga bata e. Tsaka I missed the place"
Humalik ito sa noo niya kapagkuwan ay kinuha ang baso niyang may laman na juice saka uminom doon "Sige, ako ng bahalang magdala ng mga gamit babe para hindi ka mapagod"
"Okay thanks"
Tumugtog ulit siya, kumanta ito at sinasabayan niya paminsan-minsan. He's singing 'himala' from rivermaya. Then 'with a smile' ng eraserheads.
They jammed. While drinking apple juice.
"We should jam next time with a wine in front of us not the apple juice" Natatawa niyang saad.
Sixto chuckled at kinabig siya at hinagkan sa mga labi. Saka lang siya nito pinakawalan ng hindi na sila makahingang pareho. "You taste like apple" Saad nito.
"So are you" She giggles. Why. E halos ito naman ang umubos sa juice niya. Parang normal na sa kanilang dalawa ang mag-share sa iisang baso, kung may makakakita siguro sa kanila na hindi sila kilala, they'll thought that they're husband and wife sa ginagawa nila..
After a 30 minutes or so, bumalik ito sa bahay nito gamit pa din ang terrace at sinabing mag-aayos ng dadalhin nila. Ito na daw ang bahala pati pagkain.
Much to her happiness.
6 PM and they're now entering the farm. Dumiretso na sila sa may lake. Hindi na sila dumaan sa flower house. Bukas na lang siya pupunta doon.
He's making the tent, while she's preparing the dinner that he bought. Dumaan kasi sila sa isang restaurant. Pag-aari daw ng kaibigan nito. At halatang itinawag na nito beforehand dahil nasa tabi ng kalsada na ang nagdala ng mga pagkain kanina.
One bottle of wine, grilled barbecue chicken and vegetable foil pack. Bake salmon with asparagus and lemon garlic, in foil. Baked shrimp and broccoli with lemon butter and in foil. The rice. And of course, his favorite, popcorn.
YOU ARE READING
SUBMISSIVE MEN 1: SIXTO RAMIREZ [COMPLETED]
RomanceSypnosis He got dumped not because he's lacking of looks, money or wealth but because he was lacking of something.. Producing a child that his fiancee wanted the most. He was devastated. He was broken into pieces. Making him promised his friends th...