CHAPTER EIGHT

33 2 0
                                    


Thalia buried herself into her private work room. Kumuha na siya ng kasama sa bahay para sa mga anak niya. Her parents went to the province where she grew up at magtatagal daw ang mga ito doon .

Kaya naman no choice siya kundi kumuha ng katulong para sa mga anak niya.

Ang dami niyang orders na wedding gown at gusto ng mga itong personal niyang i-deliver. From Singapore to two more country nearby. Kaya naman sa isang linggo na pagtatahi, halos hindi siya nagpahinga. Wala siyang oras.

Mabuti nga dahil kahit papano ay natabunan ang ibang laman ng isipan niya.

Pero ngayon na natapos niya na ang tatlong gown, bumalik na naman ang lalaki sa isipan niya.

'I don't know what happened to you. But isn't it unfair that you're cutting me out in your life before I can enter? Huwag ka naman ganyan oh. Please don't judge me too quickly. I may not be the most handsome and the most powerful man on earth but I can be your knight.
I know it's too early to say this, nasabi ko na iyon sa iyo 'diba? I like you. So much Thalia'

Pagkatapos niyang basahin na naman ang mensahe nito sa kanya, napailing na lang siya saka tumayo sa pagkakaupo sa mahabnag sofa na nasa loob ng working room niya.

Doon siya naglalagi kapag may iniisip siyang design o kung ano man ang idadagdag niya sa nasimulan niya.

Hindi niya alam kung anong gagawin niya sa lalaking iyon at kung bakit palagi itong nagkakampo sa isipan niya. Oo nga at inamin niyang may gusti din siya dito, e sa crush niya talaga pero ang magkamponsa isipan niya? Hindi na yata simpleng gusto na lang.

Because seriously, hindi niya naranasan ang mga iyon sa loob ng sampung taong may asawa siya. Hindi naman nagkampo sa utak niya noon ang asawa niya e.

Hindi din naman siya tinatayuan ng balahibo, well wala siyang balahibo kasi tao siya pero hindi talaga niya  naramdaman iyon noon.

What she experienced is something more than that. And that is —hell. And she doesn't know that her face became blank.

Pagkalabas niya doon, napako siya sa kinatatayuan malapit sa sala ng makitang prenteng nakaupo doon ang laman ng isip niya kanina lang.

Awtomatikong napako ang mga mata nito sa kanya at bahagyang kumunot ang noo.

"What do you want? " She made sure her face didn't betray her like her heart did.

Nakatitig lang ito sa kanya na para bang binabasa ang laman ng kalooban niya. Kapagkuwan ay huminga ng malalim saka tumayo at lumapit sa kanya.

Gusto niyang gumalaw at umatras but she was rooted in her place. No movement, even breathing.

Sinapo nito ang baba niya saka hinaplos haplos iyon. Haplos na nakaka panlumo.

Her eyes betrayed her. It slowly dropped.

Pero nagmulat siya agad at tumitig din dito gaya ng kung paano ito tumitig sa kanya. Pero gaya ng dati, siya ang unang nag iwas ng tingin "Tell me what you want tapos makaka alis ka na" Malamig na saad niya.

"30 days Thalia. Just give me 30 days to prove myself to you. After that, kung ayaw mo pa din sa akin, hahayaan na kita. Hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa'yo at lalong hindi na kita guguluhin pa"

"Naka drugs ka ba? "

He snorted "I don't do that stuff. And I'm not drunk. Though I'm in the middle of being sane and not, I know what I'm doing and saying just at the moment" Matiim pa ding nakatitig ito sa kanya.

Binalewala niya ang nanghihinang katawan. Must need to clearly tell him what she wants once an dfor all, yeah?

"Sixto Ramirez— she stepped backwards— hindi ako laruan okay? Anong mapapala mo sa 30 30 days na 'yan? At pwede ba? Maghanap ka ng dalaga. Iyong birhen at pwede mong ipag malaki hindi katulad ko. Tsupe! —she motions her hands in the air — makaka alis ka na.. Ang o, we're in real life, hindi sa sa drama land na may pa-30 days kang nalalaman"

SUBMISSIVE MEN 1: SIXTO RAMIREZ [COMPLETED]Where stories live. Discover now