CHAPTER 2

59 7 1
                                    

"Faxima? Wala na raw si Gervasio?" rinig kong bulong habang bahagyang nakatakip ng isang kamay ang bibig ng isang babae na sa tingin ko ay nasa kwarenta-anyos pataas. Lima silang magkakatipon sa gilid at nag-uusap.

We just passed by here because Adelfa accompanied me earlier to make a donation to the orphanage. She said it would be easier for us to go home if we passed through here. Ayos lamang naman sa akin dahil gusto kong lumabas ng palasyo at maglakad lakad pa.

Sa likod namin ang mga seryosong mukha ng royal guards. Ang kanilang mga hakbang ay tahimik at maingat. Bawat pag-ikot ng kanilang ulo at bawat pagsulyap ay puno ng alerto.

"Tama ka sa iyong sinabi. Patay na nga ang taong iyon. Nakita siyang lumulutang sa ilog kamakailan lamang," sagot ng isa.

"Ang sabi ay nahuli itong nagnanakaw at balak pang patayin ang ninakawan."

"Kawawa naman lalo na at pito ang anak niyan. Si Herca na asawa niya ay may sakit at mukhang hindi na rin magtatagal," rinig kong sambit ng isa pa nilang kasama.

May ilan pang napapatingin sa kanila dahil napapalakas na rin ang boses nila sa pagku-kuwentuhan. Nakapamewang pa sila lahat at atentibong nakikinig sa bawat isa na tila kahit isang letra ay ayaw nilang mapalampas sa pandinig nila.

"Anong kawawa doon? Bakit ka naman maaawa sa taong iyon? Ang balita ko ay marami iyong bisyo. Kung kani-kanino pa umuutang, hindi naman binabayaran hanggang sa nagkapatong-patong na. Ang masaklap pa pati mga anak ay minomolestiya pati ina nila ay may sira na rin sa ulo, alam din pala pero wala man lang ginagawa," nanggigigil na pahayag ng isang matanda.

"Napakababoy namang ama, walang silbi. Isa pa ang asawa niyang baliw na rin. Dapat lamang pala sa lalaki na 'yon ang mawala na siya rito. Nararapat sa mga gumagawa ng ganiyan ay pinuputol ang mga baya-" naputol ang pagsasalita ng katabi ng isang matanda sa pagsasalita nang malipat ang paningin nito sa akin. Kaagad ang mga itong nagsituwid nang tayo nang makita ako at bahagyang yumuko.

"P-princess Izaya. Magandang u-umaga po Mahal na Prinsesa. Kinagagalak po namin ang makita kayo ngayon," patuloy nito sa kaniyang pagsasalita.

Habang naglalakad nang may kahinhinan, tumigil ako sa tapat nila. Tumango ako at nginitian ko sila nang matamis na pare-parehong nakatulala.

"Magandang umaga," bati ko sa kanila at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Napakaganda talaga at mabait pa. Hindi talaga suplada ang ating prinsesa."

"Parang higit pa sa goddess. Sa tuwing nakikita ko si Princess Izaya ay palagi pa rin akong natutulala at hindi makapaniwala. Meroon na kayang napupusuan ang Prinsesa? Kung puwede nga lang, ipagtutulakan ko na ang aking anak," rinig ko pa rin sa mahinang bulong na iyon. Napangiti ako lalo sa aking narinig.

Tatlong araw na ang nakalipas, kumakalat pa rin ang balita noong makita ang matandang lalaki na iyon na wala nang buhay. It's not my fault anymore that the one I got that I put on him wasn't durable enough when I saw that it had a hole and slipped into the river. He was completely swept away and went along with the flow of water that seemed to say goodbye to me. I laughed softly.

"Bakit ka po tumatawang mag-isa, Your Grace?" biglang tanong sa akin ni Adelfa. Tumingin pa siya saglit sa kinaroroonan ng nagku-kwentuhan na iyon at napakunot ang noo.

Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy na ang paglalakad. Nakasunod siya sa akin habang patuloy pa rin sa pagtatanong at pagsasalita.

"Ang Prinsesaaaa. Mahal na Prinsesa," tumatakbong tawag sa akin ng isang papalapit na batang lalaki. Napangiti ako nang malamyos. Agad humarang ang mga royal guards dito at seryosong tinitigan ang kawawang bata.

Whispers of the Ethereal ThreadsWhere stories live. Discover now