CHAPTER 16

21 4 1
                                    

Halos kalhating araw ang ginugol namin nang makarating sa Meyerz. Mukhang para kay Yshid ay malapit lamang itong lugar gayong ilang oras ang lumipas.

Noong nasa palasyo pa ako ay hindi talaga ako sumubok lumampas ng boundary ng aming kingdom. Mahilig akong tumakas sa gabi at maging kung araw ngunit hindi ko naiisipang lumabas sa aming teritoryo. Kaya naman kahit pamilyar ako sa pangalan ng lugar ay hindi ko pa ito napupuntahan. Tanging nakalista lamang ang mga lugar at walang detalyadong larawan ang makikita sa librong nabasa ko.

Responsibilidad ng mga noble na malaman ang mga kaharian na palibot sa emperyo ngunit hindi sapat ang libro lamang sa isang impormasyon. Hindi ito kompleto, minsan kailangang ikaw din mismo ang makatuklas ng isang bagay.

"Stay beside me," seryosong saad ng katabi ko. Mabilis akong napalingon dito. Hindi ko namalayang naibaba nya na pala ako sa kabayo. Ngayo'y inaayos nya ang cloak ko at itinatago ang buhok ko.

"As you please, boss," nangingiting biro ko rito. Mabilis kumunot ang noo nito at mariin akong tiningnan.

"Stop that if you don't want me to leave you here," malamig na sabi nito sa akin.

Muntik na akong mapatawa dahil hindi sya mabiro. Palaging seryoso at malamig ang boses. Kahit na ganon ay sobrang gwapo nya pa rin.

"If you leave me here, who knows where I’ll end up. You have no mercy. I’m your fiancée," nakangusong sagot dito. Binigyan ko sya ng nagtatampong tingin.

Mas mariin na ngayon ang titig nito sa akin. Pagkatapos ay ngumisi sya nang nakakatakot na pati ako ay kinilabutan.

"Then mercy shall not be found, milady" bulong nito sabay tumalikod.

Napakunot ang noo ko at hindi na lang pinansin ang sinabi nya. Minsan talaga ay kung ano-ano ang lumalabas sa bibig nya. Maliit akong napangisi bago sumunod dito.

Hinawakan ko ang matigas nyang braso. Bumaba ang tingin ko sa kamay nitong may suot uling itim na gloves. Sinilip ko ang mukha nya at nakitang seryoso lamang nakatingin sa harap habang sabay kaming naglalakad.

"This is our new place. I’ll trade money here for a large supply of food. The worms in your stomach are incredibly greedy," mahinang sabi nito sa akin. Sumulyap lamang ito nang mabilis sa akin bago iniwas ang paningin.

Kung tutuusin ay maraming establisyemento rito. Sa huli naming kampo ay magubat at mabibilang lamang ang may bahay at tao roon. Ang bahay na iyon ay bahay-kubo na sa tingin ko ay ginawa ng mga nagsasaka roon.
Sinabi rin ni Yshid kanina na itong Meyerz ang pinakamalapit mula roon.

Napakurap-kurap ako sa sinabi nito. Hindi ako tatangging malakas nga akong kumain ngunit hindi naman tumataba. Tama naman sya roon.

"Do you know a place where we can stay?" Magtatanong pa uli sana ako nang may mahinang nakabangga sa akin. Alam kong hindi naman iyon sinadya dahil marami kaming nakakasalubong na mga tao. Pagkarating kasi namin dito ay maraming nakasabit sa ere na patatsulok ang hugis at nakahilera. Maingay din ang paligid at sa ibang bahagi ay nagtutugtugan. Tiyak akong araw ng kapyestahan sa lugar na ito.

Nagtataka akong hindi pa rin umiimik si Yshid. Lumingon ako rito at nakita kong nakatingin ito sa likod ko. Kalmado lamang ang mukha nito nang ibinaling ang tingin sa balikat kong nabunggo bago nilipat ang paningin sa akin.

Marahan nitong inalis ang kamay kong nakahawak sa braso nya. Matapos ay ipinulupot naman nya ang braso sa kaliitan ng bewang ko bago hinapit hanggang sa nagdikit na ang mga braso namin.

"I said to stay beside me, but you aren't listening."

"But I'm already beside you. I think you can see that," ginaya ko ang ang tono nya. Binalik ko lang ang sinabi nito.

Whispers of the Ethereal ThreadsWhere stories live. Discover now