Nahirapan ako sa pag-alalay sa lalaking mahimbing na natutulog habang yakap ko sa baywang. Nagkakanda-buhal na ako para lang maiupo ko sya kasama nina Seliv.
Buti na lamang at kaya ko ang mga ganitong bagay. Alam ko ang pisikal na labanan kaya naman malakas din ang katawan ko.
Inilibot ko ang paningin bago tumigil sa inupuan ko kanina. Kinuha ko ito at ipinuwesto sa harap nila.
Umupo ako pagkatapos ay ipinatong ang isang hita sa isa. Nakapatong ang kanang siko sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay ay hinahawakan ang pang-ilalim na labi.
I know this might fail. The boss might not care about his men. That's why I need additional support to make this happen. Fortunately, I have unique skills.
Inalis ko na ang kamay sa bibig bago ipinatong na lamang sa hita.
Tulog pa rin silang lahat. Kalahating oras pa lang ang nakalipas.
Nakayuko ang nasa likod habang ang ilan ay bahagyang nakalaylay ang ulo sa kanan at kaliwa.
Inilipat ko ang atensyon sa nasa gitna. Hindi ko mapigilan ang pag-alpas ng isang ngiti.
My smile gradually widened as I stared at him.
He sits in the middle, looking somewhat lazy with one foot slightly forward. His head is bowed, and his hands are tightly bound behind him. His black, soft hair is somewhat disheveled, which only adds to his rugged appeal.
Natigil ang pagtitig ko rito at napakurap nang makitang gising na. Unti-unti nitong inangat ang mukha habang ang isang mata ay nakapikit, inaantok pa ata.
Magkasalubong kaagad ang kilay nito nang magtama ang mata namin. Naramdaman nya siguro na may nakatitig sa kanya.
Matamis ko syang nginitian habang malamig na ang ibinibigay nyang tingin sa akin. Mariin ang titig nya at tila isang linya ang manipis at mapula nitong labi.
He calmly copied my posture, crossing his legs and leaning back in the chair. He kept his gaze fixed on me.
He looks handsome even with his hands tied behind his back.
Pinasadahan pa nito ng tingin ang kabuuan ko bago napangisi. Tumagal iyon sa ngayo'y mahaba kong silver na buhok. Mas lalo itong kumintab dahil sa tumatamang liwanag ng buwan.
"You've certainly shown that you're not our foe," he said with a hint of sarcasm.
"Just so you know, my vision is not impaired," may pagkamisteryosong dagdag pa nito.
Mas lumawak ang ngiti sa labi ko. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Tumigil ako isang metro ang layo.
Tumatango akong nakatingin sa kanya.
"I'm fully aware of that. My vision is perfectly fine as well."
Nakatingala na ito sa akin ngayon.
"Do you think I can't escape from here with just this rope?" nang-aasar nitong saad sa akin.
Muntik na akong mapairap dahil inaasar nya pa ako. Hindi nya naman iyon basta lang maaalis kahit anong pwersa nya.
Depende na lamang kung sobrang malakas sya.
Ngunit ginamitan ko iyon ng buhok ko. Pinutol ko 'yon kanina, pinagdugtong at kusa nang bumuhol. Pagkatapos ay ipinulupot ko na sa dalawang kamay nya. Hindi 'yon maaalis maliban na lang kung pinahintulutan ko na.
Mabuti nang sigurado kaysa mabigo sa gusto ko mula sa kanya.
When I was young, I tried to cut my long hair, but it just kept growing back to its original length. It only stopped growing once it reached beneath my buttocks. That is its length limit.
YOU ARE READING
Whispers of the Ethereal Threads
FantasyIzarihaia appeared to be a paragon of innocence, her gentle look and captivating smile cloaking a scheme of duplicity. She comprehends all too well. She strikes familial demands with finesse and her veiled, mighty abilities, aware of the trouble beh...