CHAPTER 18

21 2 0
                                    

"Hindi ka taga rito, binibini, hindi ba? Mukha kang dayo," napalingon ako sa matandang babaeng nagsalita.

Lumabas ako ng inn dahil sobrang ingay sa labas. Nakita kong mayroong pinagkakaguluhan. May karwaheng nakatigil sa malayo at napapalibutan ng mga gwardya.

Wala akong suot na mask ngayon ngunit nakataklob ang ulo ko ng hood ng cloak. Hindi iyon masyadong nakababa kaya kitang-kita nya ang mukha ko. Hindi ko namalayang bahagya na pala iyong umangat. Nakikita na rin ang ilang hibla ng silver kong buhok.

Ngumiti ako sa matanda at tumango. Inayos ko na lamang ang hood at ibinaba para hindi mapansin ang mukha ko. Kanina pa rin pala akong pinagtitinginan.

"Tama po kayo," maikling sagot ko sa kanya bago ngumiti.

Natitigilan itong napatitig sa akin. Ang mga mata nito ay tila namamangha.

"Sobrang ganda mo, hija. Natitiyak akong hindi ka nga taga rito dahil halos kilala ko ang mga tao rito sa Meyerz. Maliit lamang naman itong kingdom kaya madali kong natatandaan," mahabang pahayag nito.

"Mayroon ka na bang asawa? Mukha kang bata pa. Ngayon lamang ako nakakita ng ganyang pambihirang mukha. Para kang hindi totoo, hija," dagdag pa nito habang nagtatakang nakatingin sa akin. Pinasadahan pa nya ako ng tingin.

Tahimik ko lamang syang nginitian at muling tumango. Ilang sandali pa ay nagsalita uli ito.

"Nandito si Prince Reuben Meyerz, nakaugalian nang bumisita ang prinsipe isang beses kada buwan. Bumababa sila rito upang matiyak na maganda ang kalagayan ng kanilang nasasakupan," sabi ng matanda habang nakatingin sa gawi ng kaguluhan. Tiniyak nyang mahina lamang ang boses nya na tanging kaming dalwa lamang ang makakarinig.

Napatingin naman ako roon at napakunot ang noong sinisipat ang parteng iyon.

"Ang pamilya nila ay mandaraya. Hindi naman talaga sila ang dapat nakaupo at namamahala rito. Kung makikita mo ay tila mababait sila gawa ng mukha ngunit huwag ka magpapaloko roon, hija. Mga plastik ang mga taong iyon," biglang kwento nito sa akin habang masama ang tingin sa isang matangkad na lalaki. Kumakaway pa ito at mayabang na ngumingisi.

Napangisi ako nang palihim nang makita ang mukhang iyon.

Meyerz, huh.

"Alam mo bang kaya lamang ang mga iyan minamahal ng mga tao rito ay dahil sa suhol galing sa kanila. Alam namin ang sistema ng lipunan. Ngunit may mga tao pa ring nasisilaw. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil mahirap ang buhay," malungkot na ang mukha nitong nililibot ang paligid.

"Ngunit sa aking prinsipyo ay hindi ko iyon masikmura. Kailanman ay hindi ako tumanggap ng inaalok nilang pera. Mataas lang ang estado nila kaya sinusunod pa rin ng karamihan. Hindi alam ng iba ay inagaw lamang ng pamilya nila ang posisyon na iyan. Ang rinig ko ay ang tunay na dapat sa trono ay ang pamilyang balitang nasunog sa loob ng isang temple. Sila lamang ang nasa loob noon dahil nakasanayan na nilang magdasal mag-anak tuwing linggo. Pero iyon nga ang nangyari, hija. Ang sabi-sabi ay ipinalabas lamang daw iyong aksidente," mahabang dagdag pa ng matanda habang mas nakapaskil sa mukha ang lungkot at awa.

"Kung tunay man po iyon ay wala silang awa. Ang dapat po sa kanila ay pagpira-pirasuhin ang katawan," seryoso ang mukha habang may maliit na ngiti na sabi ko sa kanya.

Kahit hindi ako nakatingin dito ay kita ko sa gilid ng mata ang nanlalaki nitong mata.

"H-hija, masama ang iniisip mo. Hindi kailangang ang sagot sa ganoon ay masama rin," payo nya pa sa akin.

Napangisi ako sa aking isip. Masyado silang mababait kaya naaabuso.

Kaya naman sinasamahan nila iyan ng kadayaan at kasamaan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Whispers of the Ethereal ThreadsWhere stories live. Discover now