"Do you know what our next mission is?"
mahina kong tanong sa kaharap ko.Napalingon sa akin si Zoldi pagkatapos ay yumuko uli. Hindi talaga nagtatagal ang tingin nilang lahat sa akin. Pansin ko na 'yon simula pa nang nasa kaharian pa ako.
Hindi ko naman sila kakainin.
"Your Grace, kami lang po, hindi kayo kasama. Ibinilin sa amin ni Boss na dito ka lang muna," malumanay na sagot nito habang nakaupo kami sa mga naputol nang puno.
Medyo napasimangot ako nang marinig ang sinabi ni Zoldi.
"Wag ka na pong malungkot, Fairy Princess. Mas mabuti pong kami na lang ang gagawa."
Napalingon ako sa nagsalita, si Seliv. Nakataas pa ang isang paa nito sa inuupuan at ang isa ay nakababa. Nakasandal naman ito sa puno.
"Baka mapano ka pa, Your Grace. Para kasing ni naapakan na langgam ay iiyakan mo," seryoso ngunit maingat na sabat ni Grego na nakatayo malapit kay Seliv.
Napatawa ako nang mahina at napailing. Habang sila ay nakatingin na naman na tila namamangha.
"Tsaka baka mahuli na tayo ni Boss na sumasama ka sa amin nang walang permiso nya, Princess."
Napabaling ang tingin ko kay Grego na medyo namumutla at kagat ang kamao.
"Last na 'yong kahapon, Your Grace. Malalagot kami kay Boss nyan. Pasensya na. Hintayin mo na lang kami rito katulad noong isang araw. Babalikan ka naman namin. H'wag kang mag-alala," ani ni Thalio na nakatingin na nakaupo habang may kung anong kinukutkot sa lupa.
Napanguso ako roon dahil pare-pareho nilang ayaw akong isama. Nangilid ang luha ko napatingin sa kanila. Alam kong namumula na rin ang tabi ng mata ko.
Nakatingin si Seliv kaya agad itong namutla.
"Hala. H'wag kang iiyak Fairy Princess." Bumaling ang tingin nito sa kasama. "Isama na natin sya, last na 'to. Galingan na lang natin sa pagtatago," sabi ni Seliv pagkatapos ay sa akin naman bumaling. Itinaas ang kamao at nakathumbs-up.
Mukhang naaawa ang mga mukha nila na nakatingin sa akin. Tila nagdadalwang-isip pa.
"Shit, nakakakaba naman 'to. Sige sige. Basta kapag tayo nahuli ha... Ikaw mananagot Seliv."
"Pare-pareho naman kayong sumang-ayon. Wag ako. Damay damay na 'to," nakangising saad pabalik ni Seliv.
Nawala kaagad ang nangingilid na luha sa aking mata. Napangisi ako nang palihim.
What an act!
Biglang napasulyap sa akin si Grego. Pagkatapos ay tumingin sa malayo. Napakunot ang noo at bumalik uli ang tingin sa akin.
Tinuro ako at napatawa pa.
"P'wedeng-pwede ka sa mga teatro, Princess," tumatangong sambit nito sa akin.
Nakatuon na rin ang pansin sa akin ng iba at animo'y tinraydor ang ekspresyon sa mukha.
"Ang daya naman. Mapagpanggap kang Prinsesa. Akala ko mabait," nagbibirong ismid ni Thalio.
"Wala na kayong magagawa. Pumayag na kayong lahat at hindi nyo 'yon pwedeng bawiin." nakangiti at malumanay kong saad sa kanila. "You should be a person of your word," dagdag ko pa.
Wala silang nagawa kundi tumango na lamang.
Hindi sila natakot itago sa boss nila bagkus ay pinagbigyan nila ako kahit hindi pa naman ganoon kalalim ang napagsamahan naming lahat.
Sobrang na-appreciate ko ang pagpayag nila kaya naman hindi ko sila ilalaglag sa oras na mahuli kami.
Sa isang linggo kong kasama sila ay masasabi kong hindi sila kagaya ng mga iniisip ng mga tao sa balitang nakalap ko. Maayos pakisamahan ang mga nasa harap kong ito.
YOU ARE READING
Whispers of the Ethereal Threads
FantasyIzarihaia appeared to be a paragon of innocence, her gentle look and captivating smile cloaking a scheme of duplicity. She comprehends all too well. She strikes familial demands with finesse and her veiled, mighty abilities, aware of the trouble beh...