CHAPTER 7

26 8 0
                                    

Napatingin ako sa kamay naming dalawang magkahawak. Wala na syang gloves na suot kaya ramdam na ramdam ko ang init ng kamay nya.

Namumula akong napatingin sa kanyang side profile.

Bigla itong napabaling sa akin ng tingin at itinaas ang isang kilay nang mahuling nakatingin sa kanya.

So handsome but suplado.

"Saan ka galing? Iniwan mo 'ko doon mag-isa," nakanguso at medyo nagtatampo kong tanong sa kanya.

Nakatingin lang ito sa akin at napahinga nang malalim.

"You are free to leave. Expecting that you won't be here anymore."

"Okay! Bukas na lang ako aalis. Dito muna ako ngayon habang iniisip ko pa kung saan ako pupunta."

Napakunot ang noo nya sa bigla kong pagbitaw sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay namamawis na ito. Sandaling sinulyapan nya ang kamay ko, tumingin sa akin at hindi na umimik.

Nagbibiro lamang ako nang sinabi ko iyon. Ang kulit nya kasi. Gusto nya akong umalis e ayaw ko nga.

"Do you want us to make it seem like we kidnapped you and demand a big ransom? Your family will surely rush to help you and reward whoever finds you."

"P'wede naman. Ikaw ang bahala."

He frowned. Perhaps he thinks I'm crazy for staying calm even after finding out that they are the ones feared by many.

"You are so comfortable being with me despite what you hear, huh? What if I do you here?" bulong nya sa mababa at malalim na boses.

I stiffened. Nanigas ag buo kong katawan sa narinig ko mula sa kaniya. Napakurap-kurap pa ako at inayos ang sarili.

Hindi sya mukhang nagbibiro dahil seryoso lamang ang mukha nya ngunit alam kong hindi rin sya seryoso sa kanyang sinabi. Napangisi ako nang maliit.

"What are you talking about? You wouldn't dare."

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Oh, wouldn't I? You seem to forget who I really am."

I felt a cold shiver run down my spine as his words hung in the air. His eyes bore into me with an intensity.

"You can't be serious," sabi ko, pinapanatiling matatag ang boses.

He stepped closer, his presence is overwhelming. "Why not? You think you know me, but you don't."

"Let's not do anything rash. We can talk this through," nagpapanggap kong saad sa kanya.

Rash huh. What are you saying Izaya?

His expression hardened, and he took another step toward me. "Talking won't change anything. You trust strangers too quickly."

Nakatayo lang ako sa harap nya habang tumitibok nang mabilis ang puso ko. Sinasakyan ko lamang ang gusto nya. Akala nya siguro ay takot na takot na ako at napapaniwala nya sa gusto nyang mangyari.

"Please, just think about what you're saying," mahina kong tugon sa kanya na animo'y natatakot.

Nagsalubong ang dalwang kilay nito habang mariing nakatitig sa mata ko.

He studied me for a long moment.

Napamaang ako nang marinig ko ang mahina nyang halakhak.

Hindi ko namalayang napangiti ako sa sandaling iyon. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa kanyang kakaibang kagwapuhan. Bumalik ang atensyon ko sa kanya nang muli itong nagsalita. Seryoso na ang mukha nito na tila walang nangyari.

Whispers of the Ethereal ThreadsWhere stories live. Discover now