"Good night," nakangiti kong usal sa kanya habang nakapikit. Hindi na ito umimik, sa palagay ko ay nakatulog na kaagad.
Nagising ako sa isang mahinang kaluskos sa labas, sa malayong parte. Dahan-dahan akong bumangon at kinusot ang mata. Napatingin ako sa isang kama at nakitang mahimbing na natutulog ang lalaki.
Nakita kong nakababa na ang kumot nito kaya naman maingat kong hinila ito pataas. Tinitigan ko pa sya ng ilang segundo bago matamis na ngumiti. Maamo ang mukha ngunit magkasalubong naman ang kilay.
Binaling ko ang tingin sa nagsisilbing pintuan nito bago napalitan ng munting ngisi.
Kinuha ko ang cloak na nakapatong sa maliit na table katabi ng kama ko at walang ingay na lumabas.
Maraming gamit na gawa sa kahoy dito.
The items here were made by those men using wood. Their skill is evident in each piece, showing the natural beauty and texture of the wood. That is why I can see their craftsmanship in every detail.
Maganda ang pagkakagawa at halatang pinag-effortan ang mga iyon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakita ko ang limang lalaki na mahigpit na nakatali ang katawan sa puno habang nakatayo, sa bewang ito nakapulupot. 'Yon siguro ang punishment sa kanila.
Sa tingin ko ay dalawang oras lamang ang nakalipas nang makatulog ako. Madaling-araw pa rin kaya madilim pa base rin sa malamig na dulot nito. Kung iisipin ay siguro ay babago pa lamang silang nakakatulog kaya hindi kaagad magigising. Isa pa ay wala namang ingay dito sa paligid at pangamba.
Maliban sa bahaging iyon.
Napakunot ang aking noo habang nagtatakang nakatingin sa mga ito. Kasama nila ako kaya naman dapat isa rin ako sa nakatali rito.
Sa tingin ko ay medyo naaawa pa ang nagtali sa kanila. Kung hindi sila nakatali at kailangan ay nakatayo lamang magdamag ay siguradong natumba na ang mga ito. Magkakatabi silang lahat at nakapikit ang mga mata. Mahimbing naman silang natutulog kaya nilampasan ko na at naglakad sa gawing narinig ang kaluskos. Ramdam ko ang dinadalang presensya ng mga ito.
Panganib.
Marahil hinahanap pa rin ako ng mga tauhan sa kaharian. Hindi ko naman sigurado kaya gusto kong malaman ang hitsura ng mga ito.
Binabagtas ko ang daan habang napapatingin sa paligid. Sigurado akong ang gubat na ito ay malayo na kung saan ay nakita nila akong nawalan ng malay kamakailan na naging tulay para makapunta ako sa teritoryo nila.
Ang paligid ay tahimik, maliban sa malayo, ang marahang hangin ay nagdadala ng tunog ng mga dahon na humahampas sa isa't isa. Ang mga sanga ng mga puno ay tila nagsasalita.
Ang malamig na hangin ay humaplos sa aking mukha. Ang simoy ng hangin na nagmumula sa kagubatan ay magaan sa pakiramdam sa kabila ng nasense kong banta. Sobrang lamig, hindi na iyon bago sa akin.
Nakarating ako sa masukal na damuhan at ilang malalaking bato. Maraming malalaking puno at sa tingin ko ay matatanda na ito.
Inayos ko ang hood habang nakatago sa isang puno. Sumilip ako nang bahagya bago tiningnan ang mga mukha ng mga ito.
Nagsalubong ang kilay ko. Hindi sila pamilyar sa akin. Walang ganitong mukha sa kaharian. Sampu ang bilang ng mga narito ngayon. Puro kalalakihan. Nagtatawanan at malalaki ang katawan. Wala silang suot na kahit anong panaklob sa mukha kaya malinaw kong nakikita ang kanilang kabuuan. Nakalapag iyon sa tabi nila.
From their mannerisms and the way they interacted, I could tell they were confident and relaxed.
"Magpahinga muna tayo saglit," sabi ng isang matabang lalaki at ngayo'y may nilalaklak na inumin.
YOU ARE READING
Whispers of the Ethereal Threads
FantasyIzarihaia appeared to be a paragon of innocence, her gentle look and captivating smile cloaking a scheme of duplicity. She comprehends all too well. She strikes familial demands with finesse and her veiled, mighty abilities, aware of the trouble beh...