CHAPTER 15

34 4 2
                                    

Nang magising ako, ang unang naramdaman ko ay ang malambot na tela ng kumot na nakabalot sa katawan ko, at ang init ng katawan ng taong nakayakap sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at unti-unting bumabalik ang mga alaala kagabi.

Naramdaman ko ang matipunong braso na nakapulupot sa aking katawan, at ang malalim na paghinga ng lalaking nasa tabi ko.

Malamyos akong napangiti. Ang init at lakas nito ay nagbibigay ng pakiramdam ng seguridad sa akin.

Nang tiningnan ko siya, nakita kong nakasubsob ang kanyang mukha sa aking dibdib, ang malambot na buhok ay nakakalat sa aking balat. Hindi ko mapigilan ang pagngiti sa akin. Napaka-cute ng itsura niya sa ganitong posisyon.

Hindi ko mapigilang mag-init ang aking pisngi habang tinitingnan ko siya.

Naramdaman ko ang paggalaw nya at hinigpitan nito ang pagkakayakap sa akin. Ang kanyang mga kamay ay maingat na nakapalibot, at hindi ko napigilang hawakan ang kanyang buhok.

Nawala ang atensyon ko sa buhok nya nang biglang tumingala si Yshid mula sa aking dibdib, napatigil ako sa aking pagsuklay sa kanyang buhok. Ang kanyang mga mata, na ngayon ay tinatanaw ako.

Ako naman, namumula sa kahihiyan, ay hindi nakayanan ang kanyang tingin at nag-iwas ng mata upang hindi niya makita ang aking mga pisngi na nag-iinit.

"I didn't mean to touch your hair," bulong ko, ang tinig ko ay halos magpapatuloy sa panginginig. Masyado akong tinatraydor ng emosyon ko kapag nasa tabi ko lang ang lalaking ito. Nakaramdam ako ng panghihinayang sa hindi sinasadyang pagkilos ko.

"I thought I am your baby?" mahinang tanong niya, ang boses niya ay tila nang-aasar ngunit malamig. Napakagat ako sa ilalim na labi at mas ramdam ko ang pamumula ng pisngi.

So he heard that.

"You even said I am your fiancée," dugtong pa niya. Ang kanyang mga salita ay nagdulot ng higit pang init sa aking mukha.

Napahugot ako ng malalim na hininga.
"I'm not denying it," saad ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nito. "Are you truly consenting to this?" dagdag ko pa.

Bahagyang umangat ang isang kilay nito. Napangisi lamang sya at hindi ako sinagot.

Nitong mga nakaraang araw ay napapansin kong ayos lang sa kanyang nahahawakan ko sya at kinukulit. Mukha pa namang matigas ang puso nito at hindi interesado sa lovelife.

Tumayo ito habang inaayos ang tali ng roba. Ang direksyon nya ay papunta sa paliguan.

Hindi pa sya nakakalayo ay nagsalita ito. "Prepare for the outing. We are to visit Meyerz," nakatalikod nitong saad bago nawala ng tuluyan sa paningin ko.

Meyerz? That sounds familiar to me. At bakit kami bibisita roon.

Nakakunot ang noong bumangon na ako habang nakatingin sa nakahandang damit sa tabi ng kama. Nakangiting kinuha ko ang damit at niyakap.

Pansin ko ring hindi ito ang kama ko. Sa tingin ko ay dito nya na ako diniretso matapos ang nangyari kagabi. Mas malapit kasi ito kumpara sa akin.

Habang tinitingnan ko ang aking suot na damit sa harap ng isang hindi kalakihang salamin dito, tama lamang ang sukat nito sa aking katawan. Ang damit na ito ay gawa sa napakagaan na sutla na kulay puti na nagmumukhang mistiko sa ilalim ng liwanag. Ang bodice ay mahigpit na tumutukoy sa aking katawan, ngunit may malambot na burda ng mga magagaan na bulaklak.

Ang mga manggas ay medyo puffed at umaabot lamang sa aking mga balikat, na may banayad na ruffles sa dulo. Ang mga ruffles ay parang alon na humahaplos sa aking balat. Ang palda, na mula sa bodice, ay maluwag at umaabot hanggang sa sahig. Ang bawat layer ng palda ay tila isang ulap, marahang sumasabay sa aking bawat galaw, na nagmumukhang mas maganda kapag naiilawan.

Whispers of the Ethereal ThreadsWhere stories live. Discover now