CHAPTER 17

23 4 5
                                    

"Nakuha na namin, boss," narinig kong saad ni Yzol.

Hindi man lang nilingon ni Yshid ang nagsalita. Nanatili itong nakatingin sa akin. Nandito kami nakatambay sa ilalim ng malaking puno na nakita namin, katabi ng inn na aming tinutuluyan.

"Wait for me here. This will be quick," sabi niya sabay may kung anong hinugot sa bulsa ng pantalon. Lumapit sya at may inipit sa buhok ko.

I'm not wearing a cloak or mask right now, and my hair is flowing freely.

Napakurap ako nang tiningnan ko sya. Nagtatanong ang matang nakatingin sa kanya. Tiningnan nya ang ulo ko sa bandang inipitan nya bago binalik ang tingin sa mukha ko.

Kinapa ko iyon at malawak na nginitian sya. This is a hair clip.

Did he buy that just for me? Where did he buy it and when? I can't help but smile as I look at him.

"Thank you, Yshid. I'll keep this for a lifetime," nakangiting sabi ko sa kanya habang kinakapa pa rin ang clip.

Nakita ko ang maliit na ngiti sa labi nito. Nakasilay sa mukha nya ang kagalakan kahit na mas lamang pa rin ang pagiging seryoso.

Tumango sya at marahang hinawakan ang baba ko saka binitawan. Tahimik syang tumalikod at nagtungo kina Thalio.

Bahagya lamang tumango sa akin si Seliv nang magtama ang paningin namin. Masama pa rin ang tingin ni Zoldi sa akin. Ngunit hindi na kagaya noon. Tumingin lamang sa akin si Grego habang si Thalio ay bahagyang ngumiti at tumango.

I think that was an improvement. I quickly smiled and nodded at them.

May mga dala na naman silang ore box. Hindi naman ako nagtatakang kahit sobrang bigat noon at nakasabit sa mga kabayo sa tuwing naglalakbay kami ay hindi ang mga iyon mabibigatan. Isa rin sa abilities ni Seliv ang kakayahang magpagaan ng kahit anong sobrang bigat na bagay.

Now, I miss making my own hair accessories. When I remember, I'll ask Yshid about the things I need for that. I hope he allows me.

Bumalik na ako sa aming inn at agad na pinuntahan ang salamin. Namamanghang tiningnan ko ang inipit ni Yshid at masasabi kong ito na ang paborito ko sa lahat.

Kulay gray ito at sobrang ganda. Ang ibabaw nito ay nangingintab, na parang isang mamahaling hiyas, at may mga maliliit na detalye na tila sumasalamin ng liwanag, nagbibigay ng kakaibang kislap na nakakahumaling. Ang disenyo nito ay eleganteng simple, ngunit sapat na nakakabighani upang magpabiling tingin.

Habang pinagmamasdan ko ito, masaya ko itong hinahaplos, lalo na't alam kong bigay iyon ni Yshid.

Umupo ako sa pandalawahang sofa dito sa sala at kinuha ang isang libro sa ilalim ng mesa. Inaabala ko ang sarili sa pagbabasa nang biglang bumukas ang pinto. Tiningnan ko ang orasan at nakitang wala pang isang oras ang nilagi nya sa labas. Saglit lang talaga sya doon.

"You're here," nagagalak kong saad sa lalaking nakatayo sa may pintuan na ngayo'y sarado na.

Ipinatong ko ang libro sa mesa habang hinintay ko lamang syang makalapit. Umusod ako nang kaunti para makaupo sya sa tabi ko.

"How's it going?" I asked.

"Everything's alright," he replied, gazing at me. I simply nodded and smiled at him.

He remained quiet as he watched me. Hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa bibig nito bago marahang dinikit ang labi rito. Namumulang nakatingin ako sa kanya habang unti-unti nyang inilalayo ang mukha sa kamay ko.

He looked at me and cupped one side of my face. He gently stroked it as if it were something fragile. He glanced again at the side of my head with the hair clip, and I only heard his soft chuckle.

Whispers of the Ethereal ThreadsWhere stories live. Discover now