Chapter Five: "Textmates na nga"

40 3 0
                                    

Magkaparehas daw kami!? The eff? As if? Ibang klase din ang style nitong si Nate.

Asa naman na ganun nya na ako kakilala to think na may similarities na kami agad. Hindi ako takot sa tao pero feeling ko normal lang naman na hindi magtiwala sa isang stranger.

I turned my phone off at pinagpatuloy na lang ang panonood sa Cartoon Network.

Matapos mangalay ang mga panga namin kakatawa't kakapanood inutusan na kami ni Manang Celi na magsiyesta't magpahinga naman daw muna.

Umakyat ako sa kwarto ko at sinubukan kong matulog pero kahit anong gawin ko ay di pa rin ako maisip dalawin ng antok.

Bumaba ako sa hagdan at dahan-dahang naglakad sa baba. Iniwasan kong gumawa ng ingay habang naglalakad dahil baka magising ko sila. Mala-ninja akong pumuslit ng cookies sa kusina at dumiretso ako sa garden sa likod.

Umupo ako sa bench sa harap ng mga orchids ni Ate Joyce.

Nagmumuni-muni ako nang biglang nagvibrate ang phone ko. May nagtext. Tsk -_- sya na naman kaya?

[Click]

Ju$T GoT hoM3!
4fti3 f3ll4s! HoW's yHouR dH4y? :D
Mh3Dyow m4sH4kit 4Ng Br4$o Kow nG4yown
4nG bHig4t Kh4Sci NuNg mG4 piN4miLi kHow
S4 d3p't sToR3 k4niN4 T^T HUHUHU
4NyWays, I'm b4Ck! soOw tH4r4 Lh3T'sZ!
PM m3 4ht m4gcHik4H4n t4youw!.
G.M.
Cuti3_A$h~ Tuw3NtiSix For3vS.

[Received, 3:22pm]

What the heck?

Akala ko naman si ano na...group message lang pala mula sa napaka-sosy na si Ashley. -_- Grabe... 26 Forevs? What the eff? Lahat kami naging jejemon once in our lives pero di ko akalaing di pa pala nag-evolve si Ashley mula sa pagiging jeje. Nakakaloka.

Gusto ko sanang magreply at sabihin sa kanya na:

"Masakit braso mo? Ba't ano bang pinamili mo? Semento?"

Pero nagbago ang isip ko. Si Ashley kasi yung tipo ng tao na kapag sinabihan mo ng something sarcastic ay feeling niya nagjojoke ka lang. Madalas di nya nagegets yung sarcasm mula dun sa sinabi mo. Kapag nagreply ako sa kanya panigurado masosorpresa siya na may load ako at malamang komang chichikahin ako nito. Daig pa ang baha sa Marikina kung magflood text tong babaeng to at halos dumugo ng literal ang utak ko sa pag-intidi ng mga texts nya.

Pinindot ko ang "Back" at nasa inbox na ako ulit. Sa isang tingin nakita ko ang laman ng inbox ko. Sa pinakataas ay ang GM ni Ashley at sumunod doon ay ang thread ng text messages mula sa unkown number. Biglang sumagi sa isip ko na di ko pa pala nasasave yung number ni Nate slash Mr. Mahangin slash Mr. Assumero sa phonebook ko.

Iniisip ko kung dapat ko bang isave yung number niya or idelete ko na lang yung mga texts nya.

"Mas mabuti kung idedelete ko na lang tong mga to."

Akmang idedelete ko na yung thread ng messages namin pero sa hindi malamang dahilan parang nabaliw yung cellphone ko at bigla na lang parang may sariling utak siya kasi out of nowhere bigla na lang...

(Empty Message)

[Sent, 3:26pm]

Like!? What the freakin' fuck did I just do!? Nakakaloka.

What the heck? Di ko naman intensyong isend yun pero ba't bigla na lang nasend? Sinasapian ba tong cellphone ko? O yung daliri ko?

For a moment inisip ko na yung cellphone ko yung may sapi. And for a second naniwala ako doon.

Now is Our ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon