Kinabukasan. Tuesday. Kasama ulit si Tatay Albe maaga kaming nagpunta sa MTG at muling sinalubong ng ever energetic na si Mrs. Feliz.
"Good morning! Mia! You look beautiful today! I mean you always look beautiful! Let me give you a hug!"
Yakap with matching beso pa. Feeling ko tuloy naibahagi pa sakin ni Mrs. Feliz ang 25% ng blush on niya.
"Ah...eh It's nice to see you again Mrs. Feliz"
So ayun...matapos mag-pray ay nag-umpisa na kami sa pag-papractice ng kanya-kanya naming instruments.
Bawat group of instruments ay binigyan ng kopya ng isang music piece at kailangan naming mai-perform iyon kasabay ng iba pang instrumentalists mamaya
Busy ako sa pag-aaral ng piece nang biglang may lumapit sakin.
"Hi. Miss Punsala, right?"
Napatigil ako sa ginagawa ko matapos kong marinig ang apelyido ko. Napatingin ako sa direksyon na pinanggalingan ng tinig.
Nakangiti sa akin ngayon ang isang gwapong nilalang. Woah... in fairness artistahin itong si kuya na di ko pa kilala. Pero feeling ko may kamukha siya.
"Ahh...yah, yah I'm Samia J. Punsala. My friends call me Mia." Sabi ko at sabay ngiti. Nakakahawa kasi yung ngiti nya eh.
"Ibig sabihin ba niyan friends na tayo? Pwede na kitang tawaging Mia?" tapos ngumiti ulit sya.
"Basically di pa tayo friends pero para di ka mahirapan sa pagbanggit ng pangalan ko, binibigyan na kita ng karapatan na tawagin akong Mia."
"Okay Mia, by the way, I'm Paulo James P. Hernandez and I play the acoustic guitar. Pero mukhang di mo na ata ako naalala."
Pagkasabing-pagkasabi niya nun ay saka ko lang siya naalala. Oo nga pala isa siya sa mga cute sa acoustic guitar group. Pero sakit ko na talaga to eh, hindi ako madaling makaalala ng pangalan ng tao maliban na lang kung may something na kakaiba dun sa pangalan o sa mismong tao, kumbaga kung may something na significant.
"Oh... Oo nga pala ikaw pala yung cu- ay este! Yung oo! Yung ano! Yung ang tawag dito? Yung ano... yung kuuumanta kahapon habang naggigitara. Sorry di ko kasi naalala yung name mo."
"It's okay, tutal first encounter pa lang naman natin sa isa't isa kahapon eh." Tapos ngiti na naman.
"Aah...ganun ba? He-he-he okay.""Uhmm pwede bang maupo sa tabi mo?"
"Huh? Aah... yeah sure"
Umusod ako ng onti para paupuin siya sa maliit na silya sa harap ng piano.
"So? You're Mia and you play the piano huh?"
"Yup."
Nilapat niya yung mga daliri niya sa piano at mahusay niyang tinugtog ang isang part mula sa "Fur Elise" ni Beethoven. Ang astig niya, parang sumasayaw yung mga daliri niya sa ibabaw ng entablado ng piano."Wow, dude. Ang galing mo pala sa chords." Nakatulalang banggit ko.
Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya sa akin. At feeling ko ngumiti na naman siya.
"Gustong-gusto ko ang piano Mia at si Beethoven ang favorite pianist ko."
Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. Ang ganda pala ng mga mata niya.
"Eh kung ganun bakit gitara yung pinili mong tugtugin?"
Ngumiti ulit siya. Kung may piso siya sa bawat ngiti niya feeling ko bilyonaryo na to ngayon.
"Because I want to try something different, matagal ko na kasing natutunan ang piano kaya gitara naman ngayon para maiba."
"Uhmm."
Nginitian ko siya. Tapos Sinimulan kong tugtugin yung Ode to Joy ni Beethoven. Maya-maya inilapat niya yung mga daliri niya sa keys at sinabayan niya ako sa pagtugtog. Feeling ko nagsasayaw yung mga daliri namin parehas.
"Very good guys! Nakakatuwa kayong panoorin! At nakakatuwa ka Mia... see? Sabi na sayo't makakatagpo ka ng new friends dito eh! Both of you are great!"
Napatigil kami sa pagtugtog nang purihin slash bolahin kami ni Mrs. Feliz. Nakakagulantang, di ko inasahan na pinapanood niya na pala kami.
"Thank you Mrs. Feliz. I really hope to be friends with the great pianist, Samia Punsala." Tugon ni Paulo sabay tingin sa akin at ngumiti.
"Oh iho... you guys play great together. No doubt you'll be great friends as well." Sabi ni Mrs. Feliz at pakembot na pumunta sa iba pang instrumentalists.
Napatawa kaming pareho ni Paulo pagkaalis ni Mrs. Feliz.
"Grabe, parang kabote si Mrs. Feliz." Biro ni Paulo.
"Kaboteng walang palya sa pag-inom ng enervon.""Kaboteng umiinon ng enervon at may matining na boses."
"Kaboteng umiinom ng enervon na may matining na boses at pwedeng pamalit sa alarm clock mo tuwing umaga."
Natawa siya at pati ako natawa na rin.
BINABASA MO ANG
Now is Our Forever
Teen FictionThis is a story of a typical teenager just like the most of you. Mia is nothing special but an ordinary and an introverted girl who falls in love for the first time. Will she have her happy ending or she'll just get her heart broken?