Matapos kong mabasa yung message niya di ko alam ang irereply ko kaya ang nasabi ko na lang sa kanya ay:
"Ha? Na-high ka ba?"
[Sent, 7:44am]
"Mia halika na, tutulungan na kitang dalhin ang mga instruments mo."
"Ay sige ho Tatay Albe, salamat po."Pagdating sa loob ng gym na nag-uumapaw sa instruments, sinalubong ako ng malusog na head ng MTG - si Mrs. Feliz.
"Ciao! A pleasant morning to you Ms. Punsala! Finally you have decided to enroll in my class this summer!" Full of energy na bati saken ni Mrs. Feliz. Nakailang botelya kaya to ng enervon?
"Hi Mrs. Feliz, nice to see you."
"Come on darling... say hello to your classmates! I'm sure you're gonna have fun in this music class!"
Humarap ako sa kanila (mga nasa 40 ata silang lahat) at nahihiya ko silang binati.
"Uhmm...Hi Folks! Nice to meet you all!" kahit di naman talaga nice dahil panigurado magiging awkward na naman ako netoh sa mga kakausap saken.
"Taong Takot sa Tao" yan ang description saken ni ate Gina.
Haay -_- sobrang mahiyain ko daw kasi. Sa totoo lang di naman talaga ako takot sa tao o mahiyain, di lang talaga ako komportable sa iilang tanong ng mga tao sa mga first meeting tulad nito. I'm more comfortable watching people as they talk with each other, ays na ko doon kahit di ako nagsasalita masyado. Komportable akong maging tahimik sa mga pagtitipon.Pero syempre nagsasalita rin naman ako pag kailangan, di ko naman hinahayaang mapanis lang ang laway ko noh. Kaso madalas lang talaga di ako palasalita in terms of kamustahan, at hindi ko rin hilig ang gumawa ng first move pag nakikipag-usap kasi di ko alam ang sasabihin ko.
Madalas sa mga music classes kahit sa school tinatanong ako kung anong instrumento ang tinutugtog ko tas masusundan pa yan ng mga tanong na bakit, paano, saan, at kalian. Tas mauuwi rin ang usapan na yung taong nagtanong sakin ang magsasabi ng mga bagay -bagay tungkol sa kanya. Eh dahil nga sa wala akong talent sa pakikipagsalamuha sa mga tao madalas naboboring lang yung mga kumakausap sakin kasi wala akong kwentang kausap. Alam ko naman yon, and usually nagiging trying hard na nga ako para mapahaba yung conversation. Pinipilit ko namang maging interesanteng kausap kaso it just drains my energy trying to be someone else I know I'm not. Kaya mas gusto ko kung di ako pinapansin para di ko kailangang makipagsalamuha sa iba.
45 pala kami lahat sa klase. May 5 tumutugtog ng saxophone, 7 sa violin, 3 sa viola, 3 sa cello, 4 sa trumpet, 4 sa flute, 3 sa harmonica, 3 sa electric guitar, 4 sa acoustic guitar, 5 sa flute, 4 sa Oboe, at 5 sa piano kasama na ko.
Isa isa kaming tinawag sa harapan para magpakilala at nang ako na ang sumunod na natawag...
"Hello, I'm Samia J. Punsala, 17 years old, and I play the piano."
Enjoy naman pala tumugtog kasama ang iba pang instrumentalists. 8:00am - 10:00am and Monday to Friday ang schedule ng music class ko. Akala ko nung una magiging awkward ako, buti na lang hindi masyadong ma-chika yung mga kasama ko at buti na lang din hindi ako mukhang iteresanteng tao para kausapin. Na-survive ko ang music class! At yahoo! Nag-enjoy ako!
Habang nasa byahe pauwi, tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong may 3 new messages galing kay Mr. Chips.
"Oo high ako dahil sa kape :D speaking of coffee this morning, di pa pala kita nababati, Good Morning Miss Minchin!"
[Received, 7:46am]
"Grabe? Di mo man lang ba babatiin ang admirer mo?"
[Received, 7:49am]
"Nawala ka na naman ng walang pasabe -_- , mag-iintay na naman ako."
[Received, 7:56am]
Naalala ko na naman yung trip neto sakin kanina. Ano ba kasing gusto nitong si...Hala ano nga ulet? Aha! NATE pala!
Ang weird netoh? Admirer ko daw siya? How come? Eh kahapon ko lang to nakilala sa tweeter. Lakas trip -_- buset.
"Pano kung di na ko mag-reply at burahin ko na ang unsaved number mo dito sa malinis kong inbox?" reply ko sa kanya. At after 5 seconds:
"Di mo yun magagawa"
"At bakit naman?"
"Dahil kung may balak ka talagang tuluyan na kong i-snobin dapat di ka na nagreply ngayon."
[Received, 10:22am]
At di na nga ako nagreply sa kanya. Huh! Kala niya ah!?
Pagdating sa bahay may nakahandang lunch na sa mesa. YISS! Tinola! All time fave ko talaga to lalo na kapag luto ni Ate Joyce. :D tapos samahan mo pa ng Carbonara ni Manang Celi nakuuu! Talaga naman! hindi ko to ipagpapalit sa diet noh! :D
Ang sakit ng tyan ko dahil sa kabusugan -_- grabe... nasobrahan naman ata ako. Pagkatapos naming kumain nanuod kami ng cartoon network sa T.V. at biruin mo yun?! Kahit si Manang Celi fan na rin ng cartoon network! Hahaha!
Nasa salas kaming lahat nanonood habang lumalafang ng kornik nang maisipan kong tignan ang cellphone ko.
5 new messages mula na naman kay Mr. Chips.
"Oy? Hala? Baket mo naman tinotoo?"
[Received, 10:30am]
"Miss Minchin? Joke lang yun ikaw naman. Mag-reply ka na please."
[Received, 10:38am]
"Mia? Sorry na... magreply ka naman oh, please?"
[Received, 10:55am]
"Miss Samia J. Punsala, sorry kung natakot kita o nabwiset kita dahil sa kakulitan at sa kabaliwan ko. The truth is I just want to be friends with you. And it is also true that I admire you, why? Hindi ko rin alam basta that's what I feel and I just want to be honest with my feelings. I don't want you to think na ang lakas ng trip ko kasi bigla na lang ako nagiging admirer ng isang tao, No that's not true. Nase-sense ko lang kasi na mabait ka at baliw din tulad ko. Pakiramdam ko parang pareho tayo. At di ko rin kasi mapigilang hindi mag-message sayo...because I really like talking to you Mia."
[Received, 11:04am]
"Look, I know kakakilala ko pa lang sayo at hindi pa yun personal. Pero pwede bang maging neti-friends tayo? Magkwentuhan lang ng kahit ano? Na-se-sense ko kasi na you're sort of like me?"
[Received, 12:10nn]
BINABASA MO ANG
Now is Our Forever
Novela JuvenilThis is a story of a typical teenager just like the most of you. Mia is nothing special but an ordinary and an introverted girl who falls in love for the first time. Will she have her happy ending or she'll just get her heart broken?