"NO Mia, this isn't true, na-untog lang siguro ang ulo mo, Gising Mia! GISING!!
Kinusot ko ang mga mata ko't dumilat ulit.
OMG di pa rin siya nawala sa paningin ko at nakapatong pa rin ako sa kanya and our faces were so close to each other.
"You're not dreaming Mia, si Nate to."
Narealize ko. AWKWARD.
I quickly stood up pero parang ang sakit ng paa ko.
"Pe-pe-pero?! Nate?! Pa-pa-paano ka?"
"Eh kasi-"
"Uy ijo? Ija? Ayos lang ba kayo? May masakit ba sa inyo? Gusto niyo dalhin ko kayo sa ospital."
Bumaba pala ng kotse si kuyang nagmamaneho at agad niyang kinamusta ang lagay namin.
Nate then stood up at halatang masakit ang braso niya.
In all fairness naman, mas gwapo pala siya sa personal.
WHUT?! GWAPO? MINSAN TALAGA YUNG UTAK KO NAG-IISIP NG MGA BAGAY NA I DON'T EVEN WANT TO THINK ABOUT.
He's not gwapo. Erase. Erase.
"Okay lang po ako, ikaw Mia? Are you all right? May masakit ba sayo?"
"Ha? Ah? Ano... ano... Oo, a-ayos lang ako.""Sigurado ka ija?"
"Opo kuya...sorry po pala nakaharang ako sa kalsada kanina sorry po talaga."
"Hindi ija, hindi mo kasalanan. Nagtetext kasi ako kanina kaya di ko napansing may bike pala sa harap ko."
Speaking of my bike.
I glanced at my bike at nakita kong yun pala yung nagkalasog-lasog na bakal kanina. Nasa ilalim ng sasakyan yung kalahating katawan ng bike ko at sira na. Regalo pa naman sakin ni Daddy yun.
Napatingin din si kuyang driver sa bike ko.
"Naku ija... pasensya ka na sa nangyari sa bike mo. Kung gusto mo babayaran ko na lang yung pagpapa-ayos para dyan."
"Ha? Ay naku kuya...no need na po, ako na pong bahala. Wag na po kayong mag-alala masyado ko na po kayong na-abala. Sorry po talaga."
"Sigurado ka ija?"
"Opo, opo. I'm completely fine, di po ako nasakatan."
Inayos ko yung postura ko to prove na ayos lang talaga ako. Pero medyo masakit yung paa ko. Medyo lang naman.
"Ako na pong bahala sa bike ko."
"Sige kung yan ang gusto mo...pero just in case. Heto ang contact number ko. Sabihin mo lang sa akin kung kelangan nyo ng tulong ha?"
Kinuha ko yung card niya.
"Salamat po ulit."
"Oh sya cgue, ijo at ija. Sigurado kayong ayos lang kayo ha? Tutuloy na ko."
"Opo." Sabay naming sabi ni Nate.
Inatras ni kuyang driver yung kotse niya para makuha ni Nate yung bike kong naipit sa ilalim ng gulong ng kotse.
Tuluyan nang nagpaalam si Mr. Tsui, ayon dito sa card na ibinigay niya sa akin.
"Haaaay.... grabe! Akala ko mamamatay na ko!"
"Baliw ka kasi. Ba't ka kasi pakalat-kalat sa gitna ng kaslada?"
Napalingon ako sa likod. Si Nate, he's carrying my broken bike.
"Halika ka nga rito, tumabi ka dito sa pathwalk."
He held my hand at hinila niya ko para tumabi.
"Ouch!"
Yung paa ko, it hurts! Akala ko simpleng sakit lang to. Di ko napansin na dumudugo pala yung ankle ko. Ang Sakit! Ngayon ko lang na-feel ng todo.Due to the pain I felt na-out-of-balance tuloy ako at sumubsob sa dibdib ni Nate. Agad niyang binitiwan yung bike at niyakap niya ko ng mahigpit.
"Oy? Anung nangyari sayo? Ayos ka lang ba? San ang masakit?"
"Ha? Ah eh? Kasi di ko napansin, nasugatan pala ako sa paa."
"HA?! May sugat ka? Saan? patingin nga?!"
Lumuhod siya sa harapan ko at dinala niya yung kamay ko sa ulo niya.
"Humawak ka sa buhok ko para di ka matumba."
Hinawakan ko yung ulo niya at ipinakita ko yung dumudugo kong paa.
"Ang daming dugo! Kelangan mong magamot Mia. I'll take you to the hospital!"
"Ospital?! Ha? No! No! Ayoko sa ospital! Takot ako sa ospital! Sa park na lang tayo. May mabibilhan ng first aid kit dun."
"Okay, sige, sige. Pero saglit dadalhin ko muna tong nasira mong bike sa bahay namin and then I'll take you to the park. Kaya mo bang lumakad? Tsk wala kasing panggamot sa bahay eh pero I'll bring my bike para di ka mahirapang pumunta sa park."
"Ah...cgue, cgue. Salamat"
Dito pala mismo sa street na to nakatirik yung bahay nila. Isa yung bahay nila dun sa mga tinignan ko kanina when I was lookongg for kuyang mysterious.
Naghintay ako sa labas ng bahay nila. In less than one minute ay nakabalik na siya kaagad at may dala-dala siya bike.Teka?
"Wait, Nathan? Yung bike mo?"
"Oo, oo, ako yung hinahabol mo kanina. I'll explain everything to you later pag nasa park na tayo at pag naggamot na natin yang sugat mo, okay?"
"Okay fine. Just make sure na may matino kang dahilan kung bakit mo ko drinawing ha!? Kundi! Naku! Naku!"
"Hahaha! Masungit ka pala talaga kahit sa personal."
Sumakay na kami sa bike. Nakaupo ako sa unahan. Napapagitnaan ako ng dalawang kamay ni Nate na siyang nakahawak sa dalawang handles ng bike.
Habang nakasakay ako sa bike ni Nathan I was thinking, Grabe!? What a coincidence! Nagkita kami nang hindi inaasahan? Hanggang ngayon I'm still trying to absorb the fact na yung taong katext ko lang kanina ay kasama ko na ngayon. Kaso ang wrong timing naman. Nagkita kami kung kelan may aksidente pang ganito.
BINABASA MO ANG
Now is Our Forever
Teen FictionThis is a story of a typical teenager just like the most of you. Mia is nothing special but an ordinary and an introverted girl who falls in love for the first time. Will she have her happy ending or she'll just get her heart broken?