Chapter Eight: "Instrument Buddies"

25 3 2
                                    

"So Mia, how are you doing?"

"Uhmmm... eto napilitang pumasok sa summer music class kasi sabi ng parents at second parents ko kailangan ko daw to para may pagka-abalahan ako."

"Second parents?"

"Ah...yung mga kasama namin sa bahay. Family ko na rin kasi sila."

Katahimikan...

Takte wala na kong masabi. Naboboringan na ata siya sa akin.

"Ah...uhmmm ikaw? Anong ginagawa mo sa life?" Oo, tama, ito dapat ang itanong ko sa kanya. Wala na kong maisip na iba.

"I study BS Accountancy at Noble State University and I decided to enroll in this music class para maiba naman ang summer ko. I'm already used to beaches and clubs. So, for a change, I want to learn something new about music this summer."

"That's cool. Pero you said, you study at NSU? That's located in QC right? Why did you choose to study music here in Makati? I mean it's quite far from QC."

"My grandma and grandpops live here in Makati at niyaya nila ako dito to spend my summer vacation so ayun. Pero, you're right I live in QC. How about you?"

"Well, I was born here at dito na rin ako lumaki sa Makati and as for my university nag-aaral ako ng BS Journalism sa Sage University."

"Woah, so you're a future journalist huh? That's cool!"

"Yep, sana nga. Wait speaking of universities, sa NSU ka diba? Naalala ko lang kasi may nakilala akong nag-aaral din doon."

"Talaga? Anong pangalan? Baka kilala ko."

"Nate, short for Nathan Cristopher Ramos. Kilala mo?"

Katahimikan for a moment. Di siya sumagot nakatitig at nakangiti lang siya sa piano.

"Okay guys! Attention please! Let me hear some moving sounds today. Let's begin the performance alright?"

"Kailangan ko nang bumalik sa pwesto ko. It's really nice talking to you Mia." Sabay ngiti at umalis na siya pabalik sa group niya.

"Nice talking to you too. Bye." Di ko sure kung narinig niya pa yun.

Naging awesome ang performance namin today! Ang astig! Habang nagbleblend ang instruments sa isa't isa lalong nagiging maganda sa tenga ang piece na tinutugtog naming lahat.

For a minute naramdaman kong para bang iisa lang kaming lahat. Para kaming gears sa loob ng isang music box, we play together and produce sounds together and making the music makes us one.

Matapos ang buong session ng music class. Nagtungo na ako sa parking lot, nakita ko si Tatay Albe na iniintay ako sa labas ng sasakyan.

"Ija, kamusta ang klase niyo? Naririnig ko mula dito. Ang ganda ng tugtog niyo."

"Naku Mang Albe, it was fantastic! Ang saya po tumugtog kasama yung iba pang instrumentalists! I think nag-e-enjoy na po talaga ako sa music class, akala ko po noong una maboboring ako eh. Hindi po pala."

"Passion mo na kasi iyan ija, may talent ka talaga pagdating dyan. Natutuwa ako't may pinagkakaabalahan ka na ngayong bakasyon mo."

Binuksan ni Tatay Albe ang pinto sa kotse. Papasok na sana ako sa loob nang biglang may narinig akong tila sumisigaw sa pangalan ko.

"Mia! Wait!"
"Mia, may binatang tumatawag sayo." Sambit ni mang Albe.

Tumingin ako kay Mang Albe at sinundan ko ang tingin nya. Nakita ko si Paulo na patakbong lumalapit sa amin at may sukbit siyang gitara sa likod.
"Hi Mia, buti naabutan kita." Hingal niyang sabi.

"Ha? Ah eh? Oo nga... bakit mo pala kami hinahabol Paulo?"

"Ahmmm gusto ko sanang yayain kang magkape, if it's fine with you? Pero if busy ka Mia okay lang. Maybe next time?"

"Honestly, di naman ako busy ngayon..."

"Really!? Kung ganun, okay lang na sumama ka sa akin para magkape?"

"Ehem! Ehem! Boy, di naman ako makapapayag niyan na basta-basta mo na lang isasama si Mia sayo." Defensive na tugon ni Tatay Albe kay Paulo.

"Ay sorry po sir. By the way I'm Paulo James R. Hernandez. Classmate po ako ni Mia sa music class." Sabay inalok niya ng shake hands si Tatay Albe.

Noong una akala ko hindi tatanggapin ni Tatay yung offer ni Paulo. Pero nagshake hands din sila after ng mga 10 seconds na pagtitig ni Tatay Albe kay Paulo mula ulo hanggang paa.

Tatay Albe has been my second father since I was born. Family driver na namin siya for decades. Nakatira sila sa apartment na malapit lang din sa bahay namin. Dad decided to give him the ownership of their apartment para malapit na lang sila sa amin. May dalawang kids si Tatay Albe, si Liza na nasa elementary at si Kenji na nasa 2nd year high school na. Elementary teacher naman ang misis ni Tatay Albe, si Nanay Gigi.

Ever since na umalis sina Daddy at Mommy para sa business namin sa New York si Tatay Albe na ang palaging nagproprotekta sa akin lalong-lalo na sa mga manliligaw na umaaligid. Though wala naman talaga, madalas lang inaakala ni Tatay Albe na manliligaw ko yung mga classmates kong lalaki na pumupunta sa amin para gumawa ng school project.

Makahulugang tingin ang ibinigay ni Tatay Albe kay Paulo.

"Ako si Alberto San Juan, driver at tatay ni Mia."

"Uhmm Sir, gusto ko po sanang yayai-"

"Hindi. Hindi siya pwedeng sumama sayo ng mag-isa, kung gusto mo talagang magkape kasama si Mia, kailangang dito ka sumakay sa minivan namin at ako ang maghahatid sa inyo."

"Aah...no problem sir, sige po sasabihin ko lang po sa driver ko na mauna na. Saglit lang po."

Matapos ang ilang minuto dumating na si Paulo, di niya na dala ang gitara niya. Kinatok niya ang bintana sa pangalawang row of seats. Bubuksan ko na sana ang pinto...

"Ehem! Mia, dito mo siya paupuin sa upuan sa tabi ko."

"Tatay Albe naman eh, kung anu-ano na naman po ang iniisip ninyo."

"Basta paupuin mo na lang siya dito Mia."

"Sige na nga ho."

Sa halip na buksan ay ibinaba ko na lang ang screen ng bintana.

"Paulo, sa shotgun seat ka na lang umupo."

"Ha? Ah ganun ba? Sure, sige."

Agad-agad niyang binuksan ang pinto at umupo sa shotgun seat.

Habang bumabyahe para akong nanonood ng talk show at tila nasa hotseat si Paulo.

"Iho, taga-saang lumalop ka ng daigdig nakatira?"

"Sa Quezon City po sir."

"At ilang taon ka na?"

"18 years old po sir."

"Nag-aaral?"

"Opo, BS Accountancy po sa Noble State University."

"Wala ka namang kriminal record o misbehavior record sa school?"

"So far, wala naman po sir."

"Siguraduhin mo lang na totoo yan."

Feeling ko pinagpapawisan na ng malagkit si Paulo. Minsan talaga daig pa ni Tatay Albe ang NBI kung mang-interrogate.

Nakarating na kami sa coffe shop.

"Tatay Albe sama ka po?"

"Hindi na Mia dito na lang ako pero pakisabi dyan sa kasama mo na I'm watching him." Tumingin siya kay Paulo at sabay itinuro ni Tatay Albe ang dalawa mata niya sa mga mata ni Paulo.

Nakatayo katabi si Paulo, narinig kong napalunok siya ng malalim.

"Makakaasa po kayong good boy ako sir."

"Bibilhan na lang po kita ng kape Tatay Albe."

"Sige ija, salamat."

Nagtungo na kami sa loob ng coffee shop.

Now is Our ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon