"HAHAHA! Relaks ka lang Miss Minchin, di naman talaga ako exactly na pupunta sa mismong bahay niyo. Dyan lang sa city nyo."
"Sa Makati? But why?"
"Oo sa Makati, kasi yung tita ko she wants me to come with her papuntang sa Makati dun kasi nakatira ang parents nya."
"Aah~ akala ko naman dito ka talaga samin pupunta eh. Bale sasamahan mo yung tita mo sa pagpunta sa house ng grandparents mo?"
"Oo parang ganun na nga, pero they aren't exactly my grandparents. Komplikado eeh. Pero teka ba't parang kabado ka naman na makapunta ako dyan sa inyo."
"Syempre naman noh! Kakabahan ako kung bigla ka na lang mag-doorbell sa bahay namin nang di ko inaasahan. Pag nalaman ng family ko na may guy na pumunta sa bahay paktay ako! Panigurado madugong interrogation yon!"
"HAHAHA! Parang ang saya naman ng family mo! Protektadong-protektado ka talaga nila."
"Aba oo naman, malawak ang family namin dito. Kaso minsan nga lang nagiging overprotective na sila."
"Syempre di mo sila masisisi diba sabi mo sakin nag-iisa ka lang? ganun talga yun."
"Pero oyy teka lang saan ka ba dito sa Makati?"
"Nandito kami sa bahay ng parents ni tita...dito sa may Capitol District."
"CAPITOL DISTRICT?!"
"Yup :)."
"Eh taga-CAPITOL DISTRICT ako eeh!"
"Weh? Talaga? AYOS! EDI Pwede na pala tayong magkita in person?! Akalain mo yun! Naniniwala na talaga ako...WHAT A SMALL WORLD."
"Ngek kita agad? Neti-aquintances palang tayo remember? Di mo ko masisisi ko di pa ako totally nagtitiwala sayo noh. You could be a murderer."
"I know Miss Minchin, and you're right. Di kita masisisi kung di ka pa nagtitiwala sakin. Pero okay lang kahit di pa tayo magkita ngayon. I'm still trying to gain your trust and to be friends with you. In God's perfect time sa plagay ko dun tayo magkikita."
"Natawa naman ako sayo. Di ko akalaing sasabihin mo yan. Bihira lang sa guys ang maging medyo sentimental LOL. Pero I agree... In God's perfect time alright?"
"Alright :) maghihintay ako..."
"Ay wait Miss Minchin, mamaya na lang ulet tayo magtext Medyo nagkaproblema lang dito sa bahay...alam kong mamimiss mo ko pero tiis tiis muna ha Miss Minchin?"
"FYI Di kita mamimiss noh! Kadiri ka! HAHAHA!"
Di na siya nagreply. Ano kayang naging problema?
Nakaramdam ako bigla ng pag-aalala.
2:28pm na pala. Naboboryong na naman ako kasi di ko na katext si Nate. Wala na akong makakulitan.
Si Ate Gina naman umalis para asikasuhin yung mga requirements niya sa school.
Sina Manang Celi at Ate Joyce naman panigurado busy sa pag-aasikaso't paglilinis ng bahay.
Si Tatay Albe naman nasa family niya sa katabing apartment.
San kaya ako pupunta? Nabobored na ko dito sa bahay eh. Parang gusto kong gumala.
"Manang Celi ate Joyce magpapaalam po muna ako, gusto ko po sanang guma- este mamasyal sa Capitol's Central Park. Please please po nabobored na po kasi ako dito sa bahay eeh..."
"Aba ija? Himala? Kelan mo pa ginustong lumabas ng bahay?"
Tila namamanghang tanong sakin ni Manang Celi."Eh kasi po Manang Celi, ate Joyce gusto ko naman po talagang lumalabas ng bahay paminsan-minsan kung mag-isa ako, pero pag may mga kasamang makukulit na kaklase yun po ang di ko trip."
BINABASA MO ANG
Now is Our Forever
Teen FictionThis is a story of a typical teenager just like the most of you. Mia is nothing special but an ordinary and an introverted girl who falls in love for the first time. Will she have her happy ending or she'll just get her heart broken?