Nakarating na kami ni Tatay Albe sa bahay. Sabay-sabay ulit kaming kumain ng pananghalian.
Naboboryong na ako sa bahay. Di ko akalain na mabobored din pala ako sa kaka-computer. Inaccept ko na si Nate sa FB pero di ko naman makita ang name niya sa chat list, dahil di naman siya online. -_-
Maya-maya, kinuha ko yung cellphone ko. Alam kong marami ng text si Nate pero di ko masagot kanina sa coffee shop. Nakakahiya naman kasi kay Paulo kung nagtetext ako habang kausap siya, baka isipin pa nun nabobored akong kausap siya.
Grabe! 9 unread messages?!
"Miss Samia J. Punsala? Gising ka pa ba? Uyy sorry aah di na ko nakareply kasi nag-impake ako ng gamit ko. Nga pala thanks for finally accepting my friend request on FB. Sabi na nga ba't di mo matitiis ang ka-gwapuhan ko't iaacept mo rin ako. Hahaha!"
[Received, 11:44pm]
"Uyy? Di ka na nagrereply? Tulog ka na siguro no? Gusto ko pa sanang magkipagkwentuhan sayo. Pero sige, goodnight Miss Samia J. Punsala. Sleep tight. See you in dreamland :)"
[Received, 11:56pm]
"GOOOOD MOOORNING MISS SAMIA J. PUNSALA!!!!! :D :D :D oy! oy! oy! napanaginipan mo ba ko? Malamang oo! Sa gwapo ko ba namang to eh! HAHAHA!"
[Received, 7:42am]
Leche! Ang kapalmuks talaga!
"La? Di mo ba ako babatiin ng good morning? Or kahit empty message man lang? Grabe ka naman Miss Minchin... It hurts you know? It hurts."
[Received, 8:15am]
Eh paano ba naman ako makakareply sa kanya eh nasa MTG na ako ng 7:30am
"Uy Miss Minchin? May nasabi ba akong mali kagabi? Galit ka ba? Ba't di ka nagrereply?"
[Recevied, 8:22am]
Di ko pala nabanggit sa kanya na may music class ako mula 8:00am to 10:00am.
"Uyyy? Miss Minchin? Nagpapamiss ka ba? Kung nagpapamiss ka tama na oh...ang effective eh."
[Recevied, 8:34am]
"Ano ba yan Miss Minchin, may gusto pa naman sana akong sabihin sayo ngayong araw na to. Magreply ka na please. :'( "
[Received, 9:02am]
"Tuluyan mo na ba akong inindian Miss Minchin? Please don't say yes. :'''( "
[Recevied, 10:34am]
"Uy? mag-aalas onse na di ka pa rin nagrereply Miss Minchin? Ano bang nangyari? :( "
[Received, 10:55am]
GRABE!!! Inulan ako ng text! Parang di lang nakapagreply at nakapag-good morning eeh!. Ang OA naman magreact netong si Nate. Para namang katapusan na ng mundo niya pag di ako nakapagreply. Kaloka!
Para bang narinig niya yung sinabi ng isip ko kasi biglang nagvibrate ang cellphone ko and it's a message from him.
"Uyy? Hapon na Miss Minchin? Di ka pa rin nagrereply? Ang bigat tuloy sa pakiramdam. May nasabi ba akong mali last time? Did I hurt your feelings or did offend you last night? Please sabihin mo naman sakin...parang guguho ang mundo ko pag di ka nagreply eh."
[Received, 1:49pm]
"Weh? Guguho ang mundo mo? Maniwala? Sus wag ako!"
[Sent, 1:50pm]
"MISS MINCHIIIIIN!!!!! WAAAAAAH!!!! NAGREPLY KA NA RIN SA WAKAS!!!! Na-miss kita sooobraaaa!!!!!!!"
"Alam mo ang OA mo? Para kang timang. Di ako nakareply sa mga texts mo kanina kasi may Music Class ako mula 8:00am to 10:00am at nagkape ako kasama yung isa kong friend after. Parang di lang nakareply eeh?"
"Syempre naman Miss Minchin namiss kita! Ba't ako di mo ba ako namiss? EEEh kasi naman di ka man lang nagsabi akala ko tuloy nagalit ka na sakin."
"Heller? Ikaw mamismiss ko? In your dreams! Pero sige na....oo na...alam ko namang kasalanan ko na hindi kita nasabihan eeh. Sorry na okay?"
"Apology not yet accepted. Pilitin mo muna ako."
"A-S-A"
"Oo na Miss Michin cgue na, apology accepted na nga eh. Ang sungit mo talga kahit kelan. Kaya kita nagustuhan eh."
"Baliw! Ewan ko sayo!"
"Pero tuwing kelan ba ang music class mo Miss Minchin para naman alam ko."
"8:00am to 10:00am, from Monday to Friday yan para di ka na maging OA tuwing di ako nakakapagreply."
"Pero ang astig mo Miss Minchin aaah! May music class ka, naks naman! ano bang instrument mo? Sana marinig kitang tumugtog one time."
"Piano ang instrument ko, actually pwede naman...magtawagan tayo tas ipaparinig ko sayo."
"Tawag? Ayoko. Text na lang tayo."
"Ngek? Ba't ayaw mo? Di ko pa nga naririnig yung boses mo eh, pano tayo magiging neti-friends niyan kung ganun?"
"Eeh kasi Miss Minchin...tsk how do I say this? Alam kong saksakan ako ng kagwapuhan, pero I don't have the guts na tawagan ka kasi... pangit yung boses ko sa cellphone."
"WTF? Yan lang ang dahilan mo? HAHAHAHA! Ang babaw mo talaga kahit kailan! At wag masayadong gwapong-gwapo sa sarili dahil FYI nakita ko yung mga profile pictures mo at di ka gwapo noh! Wag assuming sapakin kita dyan eh!"
"Ay naku Miss Minchin, sinasabi mo lang yan kasi ayaw mo aminin...naku, alam ko na yung mga ganyan, kunwari ka pa eh...aminin mo na kasing nagwapuhan ka sakin. Mamaya nga nyan crush mo na ko eh BWAHAHAHAHA!!!"
"Ay nako!!!! Hindi noh! Ewan ko sayo FEELINGERO!"
"SUS...naku Miss Minchin wag mo nang itanggi. Pero oyy! May gusto akong sabihin sayo eeh kanina pa...actually kagabi pa."
May gusto siyang sabihin sa akin? Ano naman kaya yun? Ba't parang ang intense? Di ko mawari pero na-eexcite ako sa sasabihin niya.
"Ano ba yun?"
"Eh kasi kagabi kaya di ako nakareply kasi nag-iimpake ako nun."
"Para san? Saan ka ba pupunta?"
"Sa inyo :) "
"HUWAAAAT???!!! DITO SA BAHAY NAMIN??? IKAW PUPUNTA??? KELAN? NGAYON? BAKIT? PAANO?!!!"
"Uyy chilaks lang Miss Minchin alam ko namang di ka na mapakaling makita ako eeh, pero wag mo namang masyadong ipahalata sakin MWAHAHA!"
"Leche ka! Di ako excited na makita ka noh! And in fact, ayokong makita ka! Pero tell me the truth bakit ka pupunta dito?"
BINABASA MO ANG
Now is Our Forever
Teen FictionThis is a story of a typical teenager just like the most of you. Mia is nothing special but an ordinary and an introverted girl who falls in love for the first time. Will she have her happy ending or she'll just get her heart broken?