Chapter Twenty

37 2 0
                                    

Nagkulong ako sa kwarto ko pagkatapos nang napanood ko sa T.V halos hindi na ako kumain kung hindi lang ako pinilit ng mga maid na bumaba. Dumating din agad si Lily, marahil ay napanood din niya ang nasa balita.

“Tangina talaga ng mga lalake, bayag na nga lang ang ambag sa lipunan, eh.” inis na bungad sa akin ni Lily pagkarating niya sa mansyon.

Hindi ako kumibo at nanatiling nakatulala sa kawalan.

“Huwag mo na talagang ipakita ‘yang anak mo sa kaniya, sinasabi ko sa ‘yo, ako mismo ang bibira riyan,” gigil na gigil pa rin na sabi niya. 

“Si Damian din pala, pupunta rito,” sabi pa niyang muli. 

Tumingin ako sa kaniya. Nakasuot pa rin siya ng uniform hanggang ngayon, mukhang nagmadali talaga dahil narinig ko na sabi niya kanina ay hindi niya na raw siya um-attend sa last class niya dahil sa nabalitaan.

Hindi ko rin alam kung bakit nabalita pa iyon. Ang alam ko kasi ay masiyadong pribado ang buhay ni Austin na halos ayaw niya ng lumabas sa bahay niya. Hindi ko rin nga alam na isa rin siya sa mga bachelors, eh. Wala siyang sinabi sa akin. Kahit noong butler ko pa siya. Ang alam ko lang ay ang pangalan pati na rin ang edad niya, bukod doon, wala na. 

Masyadong magulo. Hindi ko alam. Ang dami niyang inilihim sa akin. Akala ko kilala ko na siya. Pakiramdam ko ay trinaydor niya ako ng paulit-ulit. Ang sakit to the point na namamanhid na ako.

“Huwag ka na masiyadong magpaka-stress. Hindi muna ako papasok bukas, saan mo gusto pumunta?” tanong ni Lily sa akin pero hindi ko siya masagot. Nanatili lang akong nakatulala sa kawalan. Nawawalan ako ng gana magsalita. 

“Bawal sa ‘yo ang magpaka-stress, Samara. Paano na lang ang bata?”

Bigla naman akong napatingin sa tiyan ko. Hinawakan ko iyon at saka ngumiti ng bahagya pero hindi ako nagsalita. 

“Magsalita ka please, natatakot ako sa ‘yo…” 

“Anong nangyayari?” Narinig ko ang boses ni Damian, kapapasok lang ng mansyon. 

Naka corporate attire din siya at halatang dumiretso rito pagkatapos magtrabaho. Nang makita niya ako ay lumambot ang ekspresyon ng mga mata niya. 

I saw how his jaw flexed. 

“Samara’s not talking…” dining kong bulong ni Lily sa kaniya.

They are overthinking, tinatamad lang ako magsalita. Nawawalan lang ako ng gana. 

“Sam…” I heard my nickname from Damian. He’s calling me that when I was too stubborn to get my shit together. 

Hindi pa rin ako tumitingin sa kanila dahil tinatamad akong makipag-usap kahit na kanino.  I’ve had enough, and I feel like my body’s responding to all the shit I’ve encountered in my life.

“Sam, talk to us… say how you feel…” 

Hindi parin ako nagsalita at hinayaan lang sila na kausapin ako. 

“Please, Samara. You had your baby, if you’re stressed, just tell us. We can unwind outside if you want.” Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Damian dahil lumundo ang kabilang banda ng kama ko.

I didn’t bother to look at them, not once. Nakatingin lang ako ng diretso sa kawalan.

Naramdaman ko ang magaang paghagod ng isang kamay sa likod ko. I know it’s Lily basing from the small and soft thing on my back.

“Can you get her to a therapist? Kinakabahan ako, ayaw niya magsalita.”

They all sound blurry to me. Hindi ko na sila marinig ng maayos dahil sa rami ng iniisip ko. 

Dark Desires (Vicious Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon