The day of my birthday came.
Abalang-abala sina Damian sa pag-aayos sa baba. Inaya na rin nila si Ezekiel na tumulong. Bumili lang sila ng mga pang dekorasyon at kung ano-ano. Ang cake ay na-order na rin. Makikita pa lang sa ayos ng mansyon ay mahahalatang engrande ang handaan.
Mamaya pa namang gabi ang simula ng program. Pero ngayon pa lang ay abala na ang lahat sa pag-aayos.
Nakita ko rin ang mga invitation cards pati na rin ang souvenirs at ang dress ko kanina. Golden white ang theme ng birthday ko. Ako na ang pinapili ni Damian noong isang araw. Pati na rin sa mga cake at sa mga ilalagay na dekorasyon.
"Are you fine there?" tanong ni Ezekiel habang nagkakabit ng dekorasyon.
Tumango lang ako sa kaniya at saka tumingin sa paligid.
Hinaplos ko ang tiyan ko. Napangiti ako ng halos maramdaman ko ang anak ko sa loob.
Hindi na ako pinatulong nina Damian dahil daw buntis ako. Hindi na rin ako nagpumilit na tumulong dahil nga din doon. Baka mapano pa kami ng anak ko.
Pagtapos naman ng birthday ko ay sinabi ni Damian na magpapa-check-up daw kami. Maglilimang buwan na rin kasi akong buntis.
"You're so pretty, senorita." sabi ni Kyla sa akin- she's gay and she's the one who made my makeup tonight.
"Thank you, Ky..." ngumiti ako sa kaniya sa salamin. Ngumiti rin naman siya sa akin.
"Sanaol blooming kahit buntis. Paano ang ganiyang glow ate ko? Pahingi naman ng tips." sabi niya sa akin sa salamin pero tinawanan ko lang siya.
Nang matapos na akong ayusan ay tinignan ko pang muli ang sarili ako sa salamin.
I am wearing a white dress, a bodycon dress to be exact. May slit iyon sa kaliwang hita at cross back. It compliments my features. Bumagay iyon sa physique ko, nagmukha tuloy akong maamong tupa.
Ang dulo ng buhok ko ay wavy at nakalugay lang. Ngumiti lang ako sa sarili ko.
My baby and I are so pretty tonight.
Visible na ang baby bump ko sa dress, halata na talagang buntis ako. Kay feel ko tuloy ngayon hindi lang ako yung mag-ccelebrate, pati na rin yung anak ko.
Someone knocked at my door."Come in." saad ko at saka tumingin sa taong pumasok.
It was Ezekiel. Napangiti ako ng makita ko siya. Ngumiti rin naman siya sa akin.
"Your cousin asked me to escort you. Baba na raw tayo." saad niya at saka inilahad ang kamay niya sa akin.
"Shall we?"
Nakangiti ko namang tinanggap iyon at bumaba na nga kami.
The grand spiral staircase is decorated with feathers and balloons. Kulay puti at ginto ang mga kulay niyon.
Nakaalalay si Ezekiel sa akin noong bumababa ako ng hagdan. Habang pababa naman ako ng hagdan ay ini-introduce ako ng emcee. I just smiled at my guests that were staring at me whilst I'm going down the stairs.
"You're so gorgeous tonight." rinig kong bulong ni Ezekiel sa akin habang bumababa kami ng hagdan.
"Thank you." bulong ko pabalik sa kaniya.
Hindi na kami nag-imikan nang tuluyan na kaming makababa. Sinalubong naman ako ni Damian ng makababa na kami. Kasama niya si Lily na ngayo'y mukhang anghel dahil sa suot niyang dress.
"Ang ganda mo, girl. Super. Ganiyan ba kapag buntis? Magpabuntis na lang din kaya ak-"
"Baby... stop that." saway agad sa kaniya ni Damian pero pinaymeywangan lang siya ni Lily.
BINABASA MO ANG
Dark Desires (Vicious Series 1)
RomanceIt was hard for Samara to carry the burden of her father. Since her father died, lahat ata ng problema sa mundo ay binitbit niya na. But not until she saw her butler's true colors. He got the grip of her and now he didn't want her to escape. She is...