Chapter 2

652 34 21
                                    

Chapter 2

One week na nakakalipas mula nung first day ng school at ang dami na agad naming ginagawa. Katulad ngayon, break time namin. Andito lang ako ngayon sa mga bench na nandito sa school. Sa halip na kumakain ako sa canteen, gumagawa ako ng project sa Math na wala naman akong maintindihan. Tapos, magaaral pa ko mamaya pagkatapos nito. Hay. Ang daming gagawin! Bakit ba hindi ko pa kagabi ginawa 'tong mga 'to? "Oo nga pala, Avery. Busy ka kagabi. Busy sa panunuod ng movie at pagmumuni muni. Ang sipag mo kasi eh." Sabi ng utak ko sa'kin.

"Oy kanina pa kita hinahanap. Anong problema mo? Para kang sinakluban ng langit at lupa diyan." Tumabi sa'kin ni Chloe sabay kagat ng malaki sa burger niya. Buti pa siya!

"Project sa Math." Sagot ko. "Di ko nga maintindihan. Meron ka na?" 

"Ah. Oo. Nagpaturo ako kay Xander kahapon e, diba? Paturo ka sa kanya! Magaling yun sa Math!" Oo nga. Magaling nga yun sa Math. Pareho nga sila ng Math e, sakit sa ulo. "Gusto mo?" Pagaalok ni Chloe ng burger niyang kanina ay malaki pa, ngayon iisang subo na lang ata. 

"Di na. Kulang pa sa'yo."

Tumawa siya. "Sorry. Di kasi ako nagbreakfast kanina kaya nagugutom ako."

"Hi, girls. Narinig ko ata pangalan ko ah? Kayo lang?" See, boses pa lang niya nakakapanakit na ng ulo. Halatang wala namang sense ang sasabihin. Ay ewan ko kung badtrip ako dahil sa dami ng gagawin ko, o nakakabadtrip lang talaga si Xander, o badtrip talaga ako sa buong mundo. Pwede naman yun diba? Minsan sa buhay ng tao, napagdadaanan niya to. Hay.

"May nakikita ka pa bang iba?" Pabalang kong sagot. Mula first day, di talaga kami naging okay nitong si Xander. Ewan. Di lang talaga kami siguro click sa isa't isa. At, naiinis talaga ako sa Math kaya wala ako sa mood. At, ang dami ko pang gagawin!

"Ano?" Tanong niya.

"Wala. Di ko kako kasalanan kung bingi ka. Chloe, punta muna ako library ah. Sige." Sabi ko at tumayo na ko at naglakad.

"Problema nun? Javier, meron ba yun?" Narinig kong tanong ni Xander kay Chloe. Namula naman ako. Bigla ko tuloy gusto ihagis 'tong Math book ko sa kanya. Hindi pa naman ako gaanong nakakalayo kaya naririnig ko pa sila. Hinayaan ko na lang. Psh. Unahin ko na muna 'tong mga gagawin ko.

**

"Bawal matulog sa library." 

"Di ako tulog." Sabi ko habang nakaubob. Nagpapahinga lang ako saglit. 10 minutes pa bago magbell. Tapos na ko sa project, nakaaral na rin ako. Buti nga nakatapos ako e. Sumasakit na ulo ko kaya gusto ko lang muna pumikit sandali. Si Xander yung kausap ko. Alam ko sa boses niya kahit di ko siya nakikita. Tsaka, sa pabango niyang pinaligo na ata niya sa buong katawan niya. Di ko alam kung bakit siya nandito at tinatamad din ako alamin.

"Ano?" Sabi ko. Sinusundot kasi ni Xander yung braso ko. Nakaubob pa rin ako. 

Wala pa rin siyang tigil. "ANO BA?" Napalakas ata yung boses ko kase napatingin sakin yung librarian. Yumuko naman ako as a sign of apology. To kasing si Xander! Pagod ako. Ba naman. Gusto ko magpahinga! "Ano ba problema mo?"

Taking Chances [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon