Chapter 22: Like & Love

432 26 18
                                    

Chapter 22: Like & Love

[Avery’s POV]

"Psst, Av. May prolema ba?"

"H-ha? W-wala naman. Bakit?"

"Wala naman. Hindi kasi maayos yung pag-lalagay mo ng mga damit diyan sa bag mo. Basta mo na lang sinisiksik e." 

Napatingin naman ako sa bag ko at nakitang basta na nga lang nakasiksik dito ang mga damit ko. "Ah. Hehe. O-oo nga no? Hehe."

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ulit sa'kin ni Chloe. Nag-aayos kasi kaming dalawa ng gamit ngayon para sa pag-alis namin dito sa hotel. Mag-kasama kami sa iisang kuwarto pero mag-kaiba naman yung kama tapos sina Xander at Marcus naman yung mag-kasama sa kabila pang kuwarto. 

"Oo naman. Okay lang ako. Wait lang ha? Punta muna ako CR." Sabi ko at umalis na 'ko sa harap niya at nag-punta sa CR. 

Wala talaga ako sa sarili ngayon. Kagabi kasi, nung pagka-tapos ako i-text ni Xander ng 'Good night' e patulog na dapat talaga ako kaso may bigla namang tumawag sa'kin. Natuwa pa nga ako nun medyo e kasi akala ko si Xander yung tumawag kaso unknown number yung nakita ko sa screen kaya sinagot ko na rin gawa baka importante. Kaso, nung narinig ko yung boses nung tumawag, halos hindi ako makapaniwala..

Flashback..

"Hello?" Sagot ko sa kung sino mang tumatawag sa'kin. Unknown number kasi kaya hindi ko alam kung sino. Sino kaya 'to?

"Hello?" Ulit ko pa. Hindi kasi siya sumasagot. 

"Hello? Sino ba 'to?" Sabi ko pa pero wala pa rin akong nakukuhang sagot. Balak ko na sanang ibaba kaso bigla naman siyang nag-salita.

"Avery.." Boses ng isang lalaki. 

Isang lalaking hindi ko inaasahang maririnig ko pa ulit ang boses..

"S-sino 'to?" Kinakabahan kong tanong. Hindi ako makapaniwalang maririnig ko pa ulit ang boses niya. 

"Avery.. Pwede ba tayong mag-kita?" Tanong niya sa'kin.

"Kieran?" Halos maluha-luha kong sabi. Kieran.. Totoo ba 'to? Hindi ba ako nananaginip? Makikipag-kita ba talaga sa'kin si Kieran? Gusto ba talaga niya akong makita? Bakit? Mahal pa ba niya ako? Pero paano na yung girlfriend niya na nakita ko dati? Wala na kaya sila? Mahal pa nga kaya ako ni Kieran?

"Avery.. I'm sorry.." I heard him sobbing. "Please.. Pwede ba tayong mag-kita? Kailangan kitang makausap. Avery.. Please.." Umiiyak siya. Naririnig kong umiiyak siya. Hindi ako makapag-salita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Avery.. Please.. Mag-kita tayo. Same time. Same place. Iintayin kita. Kahit anong mangyari. Hihintayin kita." Sabi niya at ibinaba na niya yung tawag. Ako naman, hindi pa rin ako makapaniwala. Pupunta ba ako?

End of flashback..

"Avery! Uy paihi! Na-flush ka na ba diyan sa bowl? Oy! Wiwing wiwi na 'ko!" Sigaw sa'kin ni Chloe habang kumakatok sa pinto ng banyo.

Binuksan ko naman yung pinto. Nag-hilamos lang naman ako sa banyo e. "Sorry natagalan." Sabi ko.

"Ano ba ginagawa mo diyan? Dali labas na. Di ko na kaya. Ihing ihi na 'ko. Hahaha."

Lumabas na ako ng banyo at sinarado yung pinto. Bigla namang sumigaw si Chloe. "Oy, Av! Dalian mo pala mag-ayos ng gamit. Pababa na tayo e." Sigaw niya mula sa loob ng banyo.

"Oo sige." Sagot ko.

Inayos ko na yung mga gamit ko habang lutang pa rin ang isip ko. Aish. 

Taking Chances [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon