Chapter 12: Seriously?

417 29 16
                                    

Chapter 12: Seriously?

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

"Avery, hija. Are you okay? Bakit ka sumisigaw?"

"It's nothing, Mom. May nakita lang akong daga. I'm okay."

Aish. Daga? Saan ko naman napulot yun? Kailan pa nagka-daga dito sa bahay namin? Tss. Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis kang Xander ka! Nakakainis! Nakakapang-init ng dugo!

E'to ako ngayon, hindi pa rin matanggal sa isip ko yung kiss na yun. Nakakainis talaga! First kiss? Hindi naman. Pero kasi, pero kasi! Aish! Nakakainis! Nakakainis talaga!

Bakit ba kasi niya tinuloy yun? E hindi naman dapat yun lalapat e! E kasi naman e! Nakakainis talaga e! Nakakabuwisit si Xander! Nakakaasar! Ugh!

>.<

**

"Avery, congrats sa inyo."

"Uy congrats ah?"

Bati 'yan sa'kin ng mga kaklase ko pati na rin ng mga taga-ibang section habang nag-lalakad ako sa corridor at papasok na sa room. Nginingitian ko na lang sila kahit wala ako sa mood. Baka kasi isipin pa napaka-suplada ko at at palibhasa nanalo e lumalako ang ulo. Tss.

Nang makarating ako sa room e um-ub-ob na agad ako sa desk ko. Wala talaga ako sa mood ngayon. Tsaka, hindi pa rin ako nakakatulog ng maayos dahil dun sa..WALA! Aish.

"Hi, Av! Congrats pala ha? Grabe kamo! Sobrang nakakakilig kayo ni Xander nung nag-sasayaw kayo! Grabe talaga!" Sabi ni Chloe.

"Chloe, not now." Sabi ko habang naka-ub-ob pa rin sa desk ko.

 "Tapos lalo na kamo nung ending niyo! Yung ano! Yung--"

"Chloe!" Sigaw ko sa kanya. Napalakas yata yung boses ko kasi napa-tingin sa'kin lahat. Aish. Bumalik na lang ako sa pagkaka-ub-ob sa desk ko. -.-

**

"Av! Huy, Av!" Sabi na naman sa'kin ni Chloe habang kulbit ng kulbit.

"Ano na naman ba?"

"Kanina ka pa tinatawag ni Ma'am."

"Ms. Martinez."

"Ah. Y-yes, Ma'am?"

"Masama ba ang pakiramdam mo? You may go to the clinic if you want to." Sabi sa'kin ng teacher ko. Hayy. Buti na lang. Akala ko naman papagalitan at sesermunan na 'ko e.

"Pwede po ba?" Sabi ko. Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko. Pero talagang wala ako sa mood ngayong araw na 'to.

"Sige. Mr. Clegg, can you accompany Ms. Martinez to the clinic, please?"

"Ma'am, hindi na--"

"Sige po, Ma'am."

Tss. Fine. -.- Tumayo na si Xander at lumabas na kaming dalawa sa room. Yung pakiramdam ko? Awakward kung awkward.

"Galit ka ba sa'kin?" Bigla siyang nag-salita. Tiningnan ko lang naman siya tapos inalis ko na rin agad yung tingin ko. Nag-lalakad na kami papunta sa clinic e.

"For what happened during that day, I'm really sorry. Hindi ko naman--"

"Thanks. Bumalik ka na sa room. Kaya ko na sarili ko." Sabi ko nang makarating na kami sa clinic. Dumiretso na lang ako sa loob at 'di ko na siya nilingon.

**

"Ma'am, pwede po bang humingi ng excuse letter sa inyo? Masama po kasi talaga ang pakiramdam ko. Kung pwede po sana, dun na lang ako sa bahay mag-pahinga." Sabi ko dun sa school nurse.

"Oh sige. Mag-pahinga ka na lang muna diyan sandali habang gagawin ko pa yung excuse letter mo."

"Salamat po." Sabi ko at nahiga na lang ako.

**

Nagising naman ako bigla nang maramdaman kong may nahawak sa mukha ko. Nakatulog na pala ako. Hindi ko namalayan.

"What are you doing here?" Napa-upo ako sa kama.

"Binabantayan lang kita. Ano ka ba? Anong tingin mo sa'kin? Gagahasain kita dito habang tulog ka?" Sabi ni Xander.

"Tss. Ewan ko sa'yo!" Sabi ko sabay tumayo na 'ko. Maka-uwi na nga kahit wala pa 'kong excuse letter na pwede na akong lumabas. Tatakasan ko na lang yung guard dun sa gate. Buwisit. -.-

"Hey! Wait up!" Sabi ni Xander habang dire-diretso lang ako sa pag-lalakad.

"Hoy! Teka nga sabi!" Patuloy pa rin niya at hinila naman niya yung braso ko.

"What do you want? Dun ba sa nangyari? Fine! You're forgiven! Masaya ka na? Tantanan mo na nga 'ko!" Sabi ko at dumiretso na ulit ako sa pag-lalakad.

"Let's stop pretending." Narinig kong sabi ni Xander kaya agad naman akong napa-hinto at  napalingon sa kanya.

"What do you mean?" Sabi ko. Ewan, ba't parang may kakaiba akong naramdaman nung sinabi niya 'yun? Na itigil na namin yung pag-papanggap namin.

Well, hindi naman talaga namin pinangangatawanan yung pagiging mag-boyfriend-girlfriend namin e. Pero, bakit parang medyo masakit marinig yun mula sa kanya? Aish. Ano bang masakit na pinag-sasasabi mo diyan, Avery ha? Ano bang nang-yayari sa'kin? Nababaliw na 'ko! Seriously. -.-

"Itigil na natin yung pag-papanggap natin na tayo."

"K." Yun na lang ang naisagot ko at dumiretso na ulit ako sa pag-lalakad. Aish. -.-

Hinabol naman niya ako at hinawakan sa kamay. Problema nito? Kala ko ba stop na? Kutusan ko 'to e. -.-

"Avery, I want us to have a real relationship. A serious one. That's why I want us to stop pretending. I want us to be official." Sabi ni Xander sa'kin.

Naramdaman ko naman ang mabilis na pag-tibok ng puso ko. Jusme, Xander! Ano ba 'to? Ano bang ginagawa mo sa'kin? Nababaliw na talaga ako!

Hindi ko dapat nararamdaman ang ganito..

--

Annyeong! Haha. K. Hanggang dito na lang muna. :D Sana nagustuhan niyo. Vote & comment? Naks naman si Xander! HAHAHA. ♥

Nga pala, madlang people. I posted a new story. Ang title niya ay "Undeserving of Love" Yay! Sana mabasa niyo rin & magustuhan niyo. Haha. Sabay promote e no? Sige sige. Yun lang. Godspeed! :">

Taking Chances [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon