Chapter 8

449 23 18
                                    

Chapter 8

"Thank you for everything, Avery. Hindi lang siguro talaga ako yung lalaking para sa'yo."

"Ano ba, Kier? Ano ba 'to? Wag mo namang gawin sa'kin 'to. May nagawa ba 'kong mali? Kung meron, sabihin mo naman sa'kin. Hindi yung ganito."

"Itigil na natin 'to, Avery."

"Itigil? Bakit natin 'to ititigil? Kier naman e. Masaya naman tayo di'ba? Di'ba?"

"Avery."

"Kier, mahal mo 'ko di'ba? Sabi mo pa nga di'ba forever na tayo? Kieran."

"Avery, I'm sorry."

"Hey, Avery. Wake up!" Nagising ako sa sigaw at pagyugyog sa'kin ni Mommy sa kama. Panaginip lang pala. Panaginip lang pala, pero yung pakiramdam ko totoong totoo.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko, Mommy?" Tanong ko.

Pinunasan niya yung luha sa mata ko bago siya nagsalita. May luha. Umiiyak na naman pala ako ng dahil dun. "You're crying again because of him, Avery." Sabi ni Mommy. Nakikita ko yung pagaalala sa mata niya.

I tried my best to smile. Hindi dapat siya nagaalala. Besides, matagal na rin naman yun. "Okay lang ako, Mommy."

"Anak."

"I'm fine." I said tapos pumunta na ako sa banyo.

Totoo nga siguro yung sinasabi nila. "I'm fine." Pinakagasgas na kasinungalingan sa lahat. Ang dali daling sabihin na okay ka. Ang dali daling magpanggap sa harap ng iba na masaya ka. Pero, sa sarili mo, alam mong hindi pa kasi nandun pa rin yung sakit sa tuwing naaalala mo. Sana ang dali lang maging okay. Kaso, hindi e.

Naligo na lang ako at nagayos. Pupunta na lang ako sa mall. Magiikot ikot. Maglilibang. Baka sakaling pag nagenjoy ako, umayos yung pakiramdam ko. Kahit panandalian lang, mawala siya sa isip ko.

**

Nagpunta lang ako sa book store at naghanap ng pwedeng mabiling libro. Nakita ko naman sa may bandang taas yung "The Fault in Our Stars" ni John Green. Palagi ko 'tong naririnig sa iba, gusto ko na rin tuloy basahin. Mukhang maganda rin kasi.

Pinipilit kong abutin yung book pero sa kadahilanang sobrang tangkad ko, sa kabaligtaran. Kahit anong tiad ko, hindi ko talaga siya maabot.

"Ah. Miss. Ito ba?" Isang lalaking tama lang yung height, maputi, matangos ang ilong, nakataas ang buhok at may magagandang mata ang nagabot sa'kin ng librong kanina ko pa pinipilit maabot.

"A-ah. T-thanks!" Sabi ko at tinalikuran ko na siya pero hinawakan niya yung braso ko. 

"Avery?" Gahd. That voice. Yung way ng pagsasabi niya ng pangalan ko. Sobrang namiss ko.

"K-Kieran!" Pinilit kong mabigkas ng maayos yung pangalan niya. Kahit alam kong any minute tutulo yung luha ko, pinilit ko pa rin magtunog na okay ako. Halo halo yung nararamdaman ko. Sobrang namiss ko siya, ang saya ko nakita ko siya ulit, narinig ko siya ulit. Gusto ko siyang yakapin. Pero, kasabay ng kasiyahan, bumabalik din sa'kin lahat ng sakit.

Taking Chances [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon