Chapter 6.5

474 27 14
                                    

Chapter 6.5

"Avery, hindi namin cinecelebrate ang birthday ni Xander. Para sa kanya, para sa'min at sa buong pamilya niya, walang birthday si Xander." 

Nandito pa rin ako, naiwang magisa sa may locker room. May mga ilang dumadaan at naglalagay ng mga gamit pero hindi ko sila pinapansin. Alangan, hindi ko naman sila kilala! Di rin kami close.

Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Marcus. Ano ba? Bakit ba ang gulo nila? May mga lahi ata talaga silang alien. Hay.

"Avery, hindi namin cinecelebrate ang birthday ni Xander. Para sa kanya, para sa'min at sa buong pamilya niya, walang birthday si Xander."  

Nagulo ko naman yung buhok ko. Hay ewan ko sa kanila. Kung hindi nila cinecelebrate, edi ako ang magcecelebrate para kay Xander!

Tumayo na ako. Medyo maaga pa naman. I mean, hapon. May oras pa ako para magayos ng isang celebration para kay Xander. Kahit simpleng celebration lang. Kahit hindi ko maintindihan kung anong kaalienan ang meron sa isip ni Marcus, I felt like kailangan kong gawin 'to. Isa pa, bakit naman hindi icecelebrate? Importante kaya ang birthday sa isang tao. Minsan lang yun sa isang taon. Paano kung ito na yung last year na makakapagcelebrate siya? Paano kung wala nang dumating na taon para sa kanya, diba? Kaya dapat kahit paano, maging special yung isang araw na yun sa kanya.

Tumawag ako kay Chloe at sinabi kong dalhin niya sa'kin si Marcus. Nagtataka siya kung bakit pero sumunod na rin naman siya. Kahit na alien si Marcus, syempre dapat nandun siya. Best friend siya ni Xander e. Nagpatulong na rin ako sa mga tao sa bahay para magayos. After ilang hours, okay na rin lahat ng set-up. Celebrant at mga guests na lang yung kulang! Hahaha.

♪ You set it again my heart's in motion

Every word feels like a shooting star

I'm at the edge-- ♪

"Hello?" Sagot ko kay Chloe. Tumawag siya sa'kin e.

"Saan ka na ngayon, Av? Kasama ko na si Marcus."

"Play ground."

"Ha? Bakit? Anong meron diyan?"

"E, basta pumunta na lang kayo."

"Ah sige." Sabi ni Chloe tapos inend ko na yung call.

Mayamaya pa, dumating na rin sina Marcus at Chloe.

"Anong meron dito, Av?" Tanong ni Chloe.

"Avery, nasabi ko na sa'yo diba? Hindi namin cinecelebrate ang birthday ni Xander." Sabi ni Marcus. Seryoso yung mukha niya. 

"Paano mo naman nalaman na yun ang meron dito?" Syempre. Hindi ko pa naman nasasabi sa kanya a, kahit kay Chloe hindi ko pa rin nasasabi. 

"Hindi ba obvious diyan sa mga balloons, diyan sa mga pagkain at diyan sa banner na nakasulat na HAPPY BIRTHDAY, XANDER?" Napatingin ako sa paligid. Oo nga, sabi ko nga. Sorry naman. Slow lang talaga paminsan minsan.

Taking Chances [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon