Chapter 4

493 28 19
                                    

Chapter 4

"Blaire!"

"Hey. What took you so long?"

"Traffic. Haha. Namiss kita!" Sabi ko sabay yakap ko sa kanya.

"I missed you too." She hugged me back.

She's Blaire Mendoza. My best friend. Nagkakilala lang kami nung dun pa ako pumapasok sa dati kong school. Ang way ng pagkakakilala namin, hindi gaya ng sa amin ni Chloe. Kung maganda ang simula namin ni Chloe, sa amin ni Blaire hindi. Maldita kasi siya. Pinaglalaban niya kung anong gusto niya. Basta inis o galit siya sa tao, inis at galit siya. Kaya ayun, galit siya sa'kin nun. Kinuha ko raw kasi yung pangkulay niya. Oo, maliit na bagay! Mga bata pa kami nun. Elementary. Tapos hindi raw siya nakapagkulay at nazero siya ng teacher namin. 

Tapos ayun, naiwan lang pala niya sa kanila yung pangkulay niya. Nahihiya pa siya sa'kin magsorry nun kasi kung anuano raw kamalditahan ginawa niya sa'kin hanggang sa naging okay na rin kami. Hanggang sa lumaki kami, kaming dalawa na yung laging magkasama. She's like a sister to me. Sa aming dalawa, siya yung mas mature magisip.

Andito kami ngayon sa mall. Nakipagkita siya sa'kin, namimiss na raw kasi niya ako. Ang dami raw niyang gustong ikwento sakin. Though nakakapagusap naman kami sa chat o kaya text o tawag, mas maganda pa rin daw pag personal, mahahampas daw niya ko pag gusto niya.

"Ikaw naman kasi e. May nalalaman laman ka pa kasing paglipat ng school."

"As if naman hindi mo alam kung bakit."

"Of course, I know."

"Tamo alam mo naman pala."

"Hey. You're way too serious! Andito tayo para magenjoy no? Tara na nga muna kumain." Yaya niya. Tumawa lang ako. "Tatawa tawa hindi naman talaga masaya." Pangaasar niya.

"Tse! Hahahaha. Kaya nga magsasaya tayo e. Tara na nga! Haha."

Kumain lang kami ni Blaire tapos nagikot ikot at namili ng kung anuano. Tumambay muna kami sa may seaside at dun na nagkuwentuhan.

Nakakatuwa. May boy friend na pala ulit siya. Haha. Nagbreak daw kasi sila nung dati niya gawa may babae raw. Tinanong ko kung nasaktan siya, oo naman daw. Pero, tapos na raw yun.

Bilib din ako sa kanya. Ang tapang niya. Nagagawa niya pa ulit magmahal, sumaya gaya ng dati. Pag nadapa siya, ang dali dali niyang makatayo. Bakit ako hindi ganun? Bakit ako hirap na hirap akong tumayo ulit? Bakit hirap akong maging masaya? 

"Avery. CR muna ako ha? Wiwing wiwi na 'ko e. Sasapakin kita pag tinaguan mo ko. Wag kang lalayas diyan!" Madalas kasi ganun kami, nagtataguan sa mall. Siya nga dati nung kasama ko, di ko alam kung nasaan. Nasa likod ko lang pala nakasunod sa'kin habang para akong ewan na naghahanap.

"Oo. Sige sige. Samahan na kita gusto mo?"

"Weh? Asa namang samahan mo pa 'ko."

"Buti alam mo. Haha. Sige na. Bbye. Antayin na lang kita dito."

"Sige."

Taking Chances [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon