Chapter 9

473 28 12
                                    

Chapter 9

[Xander's POV]

"Xander, anak. Can Mommy ask a favor?" Sabi sa'kin ng Mom ko habang busyng busy ako sa paghilata at paghiga sa sofa. Hawak ko yung cellphone ko at naglalaro ng Amazing Thief. Buwisit na magnanakaw to ayaw makisama! Highest score ko 8 lang pangasar!

"Yeah." Tipid kong sagot. Pag ako nakakuha ng 10 man lang na highest score dito, ano. Pogi ako! Di bale, kahit di naman ako makakuha, pogi pa rin ako. Kahit 1 lang ang score ko, kahit 0 pa yan, pogi ako siguradong sigurado ako dun.

"Pwede mo ba akong ipagdrive papunta sa mall?"

"Yeah." Sabi ko.

"Talaga?"

"BUWISIT KA TAYA NA NAMAN!" Napasigaw na ako sa sobrang inis. Malapit na ko maka10 e! Buwisit talaga! Sarap sapakin yung magnanakaw. Di marunong tumalon ng maayos. Nakikipagpataasan ako ng score dito kay Marcus e, talo na naman ako dun. Naka15 na ata siya e.  Hinagis ko na lang sa may tabi ko yung cellphone ko.

Napansin ko naman na nakatingin sa'kin nanay ko. Nagtataka siguro siya sa kinikilos ko. Hay, Mom. Hindi mo maiintindihan kung hindi ka makikilaro nito. Nakakainit ng dugo. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa nagsalita ulit siya. "Pwede mo ba ako ipagdrive papunta sa mall, nak? May imimeet lang akong kaibigan." 

"Bakit? Sa'n driver natin? Si Dad?"

"Day off niya ngayon, anak. Hindi ko alam kung nasaan yung Daddy mo." Sabi pa niya. Nakita kong nalungkot siya saglit nung sabihin niya yung last part pero bumalik din sa pagngiti yung mukha niya. Ts. Nasan ba kasi si Dad? Nagpapakaworkaholic pa rin hanggang ngayon? Hindi man lang mabigyan ng oras si Mommy? Galing niyang asawa. Wow naman. 

Since that day happened, yung pagkawala ng kapatid ko, nagiba na si Dad. Dati masayang pamilya yung meron kami, ngayon hindi na. Sa halip na mas maging close at mas mapalapit kami sa isa't isa, iba yung nangyari. Kahit na si Mommy, parang normal pa rin kung umakto, yung parang walang nangyari dati, kay Dad ramdam na ramdam yung pagbabago. Kasalanan ko kasi to.

"I'll just get the keys." Sabi ko at umakyat na 'ko sa kuwarto.

"Thanks, Son." Pahabol ni Mommy.

Nagdrive na ako papunta sa mall at nung makarating kami dun, naghiwalay na agad kami ni Mommy kasi makikipagkita na siya sa kaibigan niya. Bale talagang naging driver lang niya ako. Ayaw ba naman kasing magaral magmaneho. Naglakad lakad na lang ako at dinala ako ng paa ko sa may seaside. Naupo ako dun hanggang sa naisipan kong tawagan si Avery. Ano kayang ginagawa niya?

Kakadial ko pa lang halos nung number niya pero sinagot na niya agad at biglang nagsalita.

"Oh. Hi, Babe. Sorry ha? May dinaanan pa kasi ako. Yes. Yes. Oo nga. Yeah. I'm on my way. I love you, too. Sige, ingat ka rin. Bye."

"Ha? Ano bang sinasa--" Wala na. Pinutol na niya. Ano problema nun? Lakas niyang makaBabe at I love you a!

Taking Chances [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon