Chapter 6

438 24 10
                                    

Chapter 6

Nasa class room kami ngayon. As usual, wala pa ring teacher. Ewan ko ba dito sa school na 'to, yung teacher ang mas madalas na late kesa sa estudyante. Well, except kay Xander. Daily routine na ata niya ang maging late. Siguro nakakatapos siya ng isang buong school year na nasa lima lang ang hindi niya late na dating sa klase. Oo nga pala, speaking of late, asan kaya si Chloe? Late kaya siya? Wala pa kasi.

"Marcus." Tawag ko kay Marcus na sobrang busy sa pagdadrawing sa sketch pad niya. Ito kabaligtaran ni Xander. Kung anong late ng pasok ni Xander, siya namang aga ng pasok nitong si Marcus. Mas maaga pa nga 'to pumasok sa'kin e.

"Oh?" Sagot niya. "Bakit?" Tuloy lang siya sa pagdadrawing.

Nagpanghalumbaba ako sa desk ko. "Kailan mo pa kaibigan si Xander?" 

"Mula pagkabata pa. Bakit?"

"Wala naman. Kailan birthday niya?" Tanong ko. 

Natigilan siya bigla sa pagdadrawing tapos tumingin sa'kin. "Di ko alam e."

"Ha? Hindi mo alam? Anong klase kang kaibigan?" Gulat kong tanong. Syempre. Akala ko ba mula pagkabata pa sila magkaibigan? Bakit hindi niya alam kung kailan birthday ng kaibigan niya? He was supposed to know everything. Parang kami ni Blaire. Even the least detail about sa kanya, alam ko. 

"Teka nga. Bakit ba bigla kang naging interesado kay Xander ha? May gusto ka sa kanya no?" Aba minalisyahan pa ako!

"Masama na ba magtanong ngayon?" Sagot ko.

"Sabi ko nga hindi. E bakit ka ba interesado ha?"

"Wala. Hindi ba niya birthday kahapon?" Pinagtitripan lang ako siguro ni Xander kahapon. May payakap yakap pa siyang nalalaman!

"Bakit?" Sumerseryoso bigla yung mukha niya.

"Wala. Kasi kahapon--" Di ko na naituloy yung sasabihin ko kasi may tumapik sa likod ko.

"Oy. Anong pinaguusapan niyo? Ba't ang seryoso niyo ata?" Sabi bigla ni Xander. Epal nitong lalaking 'to. Kutusan ko 'to e. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Oh? Ba't ang sama makatingin ng girl friend ko?"

"Girl friend? Ehem. Kaya naman pala." Sabi ni Marcus sabay tawa. "Girl friend naman pala." Ulit pa niya.

"Anong kaya naman pala? Oo, girl friend ko yan. Diba, girl friend? Hahaha." Sabi ni Xander. Ako naman, nakapoker face lang. Feel na feel naman ng lalaking 'to.

"Ewan ko sa inyo. Makinig na kayo. Ayan na yung teacher." Sabi ko nang pumasok na si Ms. Garcia mula sa pintuan. Naks. In fairness, nauna si Xander sa teacher ngayon! Bibilangin ko pala kung ilan ang hindi niya late hanggang matapos ang school year.

Nakatayo pa rin siya sa may likod ng upuan ko kahit may teacher na. "Dun ka, Clegg! Di naman dito upuan mo e!" Sigaw ko. Sinaluduhan lang naman ni Xander yung teacher at nginitian sabay pumunta sa pwesto niya. Nasa early 20's pa lang si Ms.

**

"Av!" Sigaw ng kumakaway na si Chloe habang nakaupo ako magisa sa cafeteria. Wala naman din akong masyadong nakakasama dito. Kung hindi si Chloe, si Xander o Marcus ang kasama ko, madalas magisa lang ako. May kanikaniyang buhay mga estudyante dito. 

"Oy, Chloe. Ba't ngayon ka lang pumasok?" Tanong ko nang makalapit na siya sa inuupuan ko.

Ipinatong niya yung bag niya sa may table at umupo. "Wala. Hinatid lang namin kanina sa airport si Ate. Ay! Alam ko na nga pala yung balita! Ikaw ha? Hindi ka nagsheshare sa'kin! Nagtatampo ako sa'yo!"

"Anong balita naman?"

"About you and Xander."

"Anong meron sa'min?"

"Sus. ID ka pa e."

"ID? Identification card?"

"Ang slow mo, Av! In Denial! Ano ba? Hindi ka ba nanunuod ng movie? Napanuod ko yun sa Must Be Love e. Haha. Pogi ni Daniel!" 

"Ang korni mo, Chloe. Walang kami ni Xander, wag kang magulo diyan." 

Nagpatuloy lang sa pagsasalita si Chloe tungkol sa'min ni Xander. Mrs. Avery Clegg daw bagay daw sa'kin. Mukhang mas kinikilig pa siya kesa sa'kin. Habang tuloy lang siya sa pagsasalita, tahimik lang ako. Kailan ba talaga ang birthday ni Xander?

"Hello hello? May kausap ba ko? Hello? Hello?" Sabi ni Chloe habang nakalagay yung kamay niya sa may tenga niya na para siyang may kinakausap sa telepono. Inaasar niya ako.

"Baliw! May iniisip lang ako." 

"Oh ano? Tungkol sa inyo ni Xander?"

Mukhang Xander na 'to. Ano ba. Hindi kaya siya talaga ang may gusto dun? Ts. "Wala. Kailan ba birthday ni Xander?

Mukhang kinilig naman si Chloe sa tanong ko at yung tingin niya sa'kin may ibigsabihin. Siguro iniisip niya interesado ako kay Xander kaya ko tinatanong. Ts. Magsama sila ni Marcus. Pareho silang malisyoso.

Napansin siguro niya na masama na yung tingin ko sa kanya, masamang tingin pero pabiro lang naman sa'min yun. Pero, sineryoso na naman niya akong kausapin. Sabi niya, itanong ko raw kay Marcus kase diba yun nga mula pagkabata pang magkaibigan yun dalawa. Nung sinabi ko naman sa kanya na hindi rin alam ni Marcus, syempre nagulat din siya. Imposible naman daw na hindi. Hay. Ewan. Alien siguro si Xander kaya walang may alam ng birthday niya.

**

Naghiwalay na kami ni Chloe kasi may dadaanan pa raw siya sa may faculty room. Ako naman, padiretso ng locker. Lalagay ko yung ibang mga gamit ko, ang dami ko ng dala. 

Sa way ko papuntang locker, nakasalabong ko si Marcus. Nginitian naman niya ako, ngiting nangaasar. Yung sa kanina pa rin siguro ang iniisip nito, yung tungkol sa sinabi ni Xander na girl friend niya ako. Inirapan ko lang siya.

Nilapitan niya ako habang naglalagay ako ng mga libro sa loob ng locker. Medyo nakaupo ako kasi nasa baba nakapwesto yung locker ko, kaya pumantay siya sa'kin. "Nasa gym si Xander. Naglalaro." 

Gusto kong sabihin na hindi ko naman tinatanong pero di ko na lang sinabi. Dinivert ko na lang yung usapan sa birthday ni Xander. Ewan ko ba kung bakit, pero yun pa rin ang iniisip ko hanggang ngayon.

"Marcus, diba tinatanong kita kanina. Kailan birthday ni--" Tumayo na siya at naglakad palayo. Pero bago siya makaalis ng tuluyan, nagsalita pa siya at lalo naman akong nagtaka. Lalo atang nagulo ang utak ko.

"Avery, hindi namin cinecelebrate ang birthday ni Xander. Para sa kanya, para sa'min at sa buong pamilya niya, walang birthday si Xander."

Taking Chances [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon