Chapter 10: Hollow block >//<

437 28 20
                                    

Chapter 10: Hollow block >//<

"Good morning, Class." Bati sa amin ng teacher namin.

"Good morning, Ma'am." Sabay-sabay na bati namin.

"Class, mag-kakaroon ng competition kayong mga fourth year students. Isang dance competition."

"Dance competition, Ma'am?" Tanong ng isa kong kaklase.

"Ay hindi! Hindi! Singing competition! Jusme. Kakasabi lang di'ba? Dance competition nga eh." Pambabara naman sa kanya nung isa ko pang kaklase.

 "Yes, Class. Dance competition at Mr. Seyfried--"

 "Ako, Ma'am?" Tanong ni Marcus.

 "Ay hindi, Marcus. Ako!" Binara naman siya ni Xander. Uso talaga barahan ngayon? Haha.

 "Oh siya, ikaw na! Hahaha."

"Tahimik nga muna kayo. Makinig muna kayo sa'kin. Marcus, alam naman nating lahat na nandito na magaling kang sumayaw. Kaya isa ka sa mag-rerepresent nitong klase natin. Ikaw na ang bahalang pumili ng makaka-partner mong babae." Sabi nung teacher namin.

 "By partner?" Tanong ni Marcus.

 "Oo. Bawat isang section, meron lang dalawang taong mag-rerepresent. Interpretative dance kasi ang gagawin niyo."

"Ah. E Ma'am, hindi po ako pwede."

"Bakit naman?" Tanong nung teacher namin at pinakita naman ni Marcus yung saklay niya. Oo nga pala, naka-saklay pa rin ngayon si Marcus kasi kakalabas pa lang niya medyo sa ospital at na-sprain yung paa niya. Di'ba nung may laro dati?  Yung medyo masama yung pag-kakabagsak niya? Kaya ayun, hanggang ngayon, hindi pa rin masyadong okay yung paa niya.

"Oh. I see. E sino na ang mag-rerepresent ngayon sa klase natin?" Tanong ulit nung teacher namin. Nag-aantay ata siya ng tataas ng kamay kung sino ang willing. Kaso, wala yatang may gusto.

 "Ma'am! Sina Xander at Avery kaya?" Sabi ni Marcus. Teka. Ba't kami?

"Oh. Oo nga. Mr. Clegg and Ms. Martinez, kayo na ang mag-rerepresent sa klase natin ha? Kailangan niyo nang mag-practice kasi by next week na 'yan." Sabi ng teacher namin. Mag-sasalita pa sana ako nang sakto namang nag-bell na at lumabas na yung teacher namin. Aish. Di na 'ko naka-tanggi. -.- Sinamaan ko naman ng tingin si Marcus.

 "Hoy! Ba't kami? Ano namang alam ko dun?" Sabi ko kay Marcus.

 "Tuturuan kita, Av!" Sabi naman ni Chloe.

 "Tuturuan mo 'ko? Edi ikaw na lang sumali dun kesa turuan mo pa 'ko, ikaw na lang mismo sumayaw."

"Hindi pwede."

"Bakit naman?"

"E dapat may spark din e!"

"Anong spark?"

"Pag ako ang pinasayaw mo dun, ka-partner niyang si Xander mo, 'di kami bagay. Walang spark. Walang love. E hello? Interpretative dance kaya yun! Dapat may nakikitang love or something sa inyo. Dapat may connection para ka-boom! Kaya, ikaw dapat." Ano ba 'to si Chloe? May mga ka-boom pang nalalaman. -.-

 "Wala naman kaming something e." Wala naman talaga e. -.-

"Sus. E di'ba nga mag-ano kayo?"

Taking Chances [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon