Chapter 16: As Red As A Tomato

347 20 10
                                    

Chapter 16: As Red As A Tomato

[Marcus' POV]

Nagulat naman kaming lahat na nandito sa auditorium sa pag-takbo ni Avery at pag-iwan kay Xander sa stage. Anong nangyari dun?

Si Xander naman, halos hindi na yata makagalaw sa kinatatayuan niya. Aish. Sa bagay, kung ako rin yung nasa puwesto niya ngayon, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bukod ba naman sa napahiya na 'ko sa harap ng maraming tao, ni-reject pa 'ko ng taong mahal ko. Saklap nun, pare.

-__-

"Ah. Hahaha. Salamat po sa panunuod niyo. Haha. Maraming salamat." Sabi ni Xander at diretsong bumaba na siya ng stage. Aba't nakakatawa pa ang loko e halata namang peke. Tss. Masundan nga yun. Baka mag-bigti pa yun. -.-

"Saan ka pupunta pare?" Tanong sa'kin ni Bryan. Isa sa mga ka-team ko sa basketball.

"Susundan ko lang yung isa, pare. Ge. Baka mag-pakamatay yun." Pabiro kong sabi.

"Tss. Sa sakit nga naman nun."

"Haha. Sige." Sabi ko at umalis na 'ko para sundan si Xander. Asan na kaya yun?

Nagpaikot-ikot na 'ko sa pag-hahanap dun sa mokong na Xander na yun pero hindi ko mahagilap kung nasaan. Saan na ba napunta yun? Baka nga nag-bigti yun? Aish. Papatayin ko pa yun ulit pag nalaman kong nag-bigti nga yun. Kahit pa patay na yun, ido-double dead ko yun. Tsk. -.-

Mahina kasi si Xander. Hindi naman yun ganun kalakas gaya ng iniisip ng iba. May pagka-mahangin nga yun pero sa totoo, mahina yun.

Kababata ko yun. Halos ako na nga yung pumalit bilang kapatid niya nung nawala si Alexis. Dati nga, nung halos sisihin na niya yung sarili niya sa pagka-matay niya, lagi yung tulala. Muntanga nga e. Tsk.

Awang-awa ako sa kanya nun. Lalo na nung mga unang araw pa lang at hindi pa ganun katagal yung pagka-wala ni Alexis. Lahat naman naapektuhan pero siya yung pinaka-grabe. Halos patayin niya na yung sarili niya. Hindi siya kumakain, ayaw rin lumabas ng kuwarto o makipag-laro sa'kin o kahit kanino.

Kung saan-saan na 'ko nag-punta dito sa school pero hindi ko mahagilap si Xander. Aish. Maka-punta na nga lang sa roof top. Baka nandun yun. Malay mo, imbis na mag-bigti e naisip niyang tumalon na lang pala? -__-

Dumiretso na 'ko sa roof top nang may marinig naman akong tunog na umiiyak. Babae. Imbis na si Xander ang madatnan ko dun e si Avery ang nadatnan ko. Umiiyak siya. Naka-upo lang siya dun sa isang sulok at nakapatong yung ulo niya sa mga naka-bend niyang tuhod.

"Avery." Tawag ko dito.

Napa-angat naman yung ulo niya at tumingin sa'kin. "M-Marcus." Sabi niya. Medyo garalgal yung boses at may mga luha pa rin sa mukha niya.

Umupo rin naman ako nang bigla siyang mag-salita.

"H-hindi ko alam ang gagawin ko. S-sinaktan k-ko siya. Nasaktan ko si Xander! Ang t*nga ko! Marcus, o-okay lang ba siya?"

"Ewan ko dun."

"Sorry talaga."

"Bakit sa'kin ka nag-sosorry?"

"Kaibigan mo siya at sinaktan ko siya. Natatakot lang naman kasi ako e. Marcus, natatakot ako." Sabi niya habang patuloy pa rin siyang umiiyak. Ano bang ikinakatakot niya?

Hinayaan ko lang siyang umiyak at mag-salita. Minsan kasi, makabubuti rin yung iiyak mo lang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Masarap naman kasi yun sa pakiramdam minsan. Nakakagaan ng dib-dib. Though, hindi ko pa nararanasan ang umiyak. Well, nung bata ako. Pag naagawan ako ng laruan or such pero hindi sa mga ganitong bagay.

Taking Chances [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon